Chapter 27

23 3 0
                                    

TAKIBI POV

Two days have passed since our road trip. We're now in our classroom listening to Claud's stories.

"Brice alam kong simple lang yung sinabi mo sakin..." Nag kwekwento si Claud habang nakapaikot kami.

"..Simple lang siya but it gave me an idea what to do and what to focus on. I talked to my family on the phone that night and they told me they'll hold a meeting with me!"

"Kabado malala nga ako mga pre eh kasi ngayon lang ko makakapag meeting. Lagi kasi si kuya kasama nila dahil mas masipag yun...."

"Pero kahapon! Nasa meeting ako tapos bawat sinasabi ko pinapakinggan sila. Mag sesend daw sila ng notice sa users na mawawala muna ang app for maintenance. Kaya pagbalik ng app.."

Tumayo siya sa harap namin. "Promote niyo app ah?" Tumawa siya nang nahihiya.

Lahat kami pumayag sa kanya. Wala naman kami masyado gagawin eh. We'll just recommend it or post it on any social media platforms.

One week have passed and we're listening once again to Claud's stories. I am happy for him, he's starting to build his confidence.

"Alam niyo ba sabi ni dad sumama na daw ako lagi sa mga important meetings ng company. Sabi nga nila buti daw nag kakapake na ko sa company." Kwento ni Claud samin.

Bigla siya napalingon samin. "Oo nga pala salamat sa tulong ah!"

It is a small issue in a successful company. However, it's still an issue that needs to be solved. Claud being involved in the app's development will help him to be recognized.

"Oo naman pre para namang others to eh"

"Maliit na bagay." Pumayag naman kaming magkakaklase sa kanya.

Hinawakan naman ngayon ni Claud ang tenga niya na parang nahihiya. "Sorry nakakabakla ba? Hahaha gusto ko lang kayong pasalamanatan."

"Claud, it's okay.." I smiled at him sincerely.

Mahirap mag express ng ganyan ang mga boys dahil sa word na nakakabakla na yan. Iniisip lagi ang weird or nakaka cringe. That's why in this generation, boys can't even open up their problems properly.

Umakbay si Ayer kay Claud."Eh kung binubusog mo kami." Now, I can see cunning smile forming in their lips. We all nodded in delight.

"Sige ba! Yun lang pala eh." Claud agreed at ito ang naging hint para maghiyawan ang lahat.

"Papadeliver o lalabas?" Tanong ni Asra.

"Padeliver na lang."

Agad na lumingon si Ayer kay Blanca. "Blanca hanap ka na ng resto tapos kunin mo na orders nila."

Nagsalubong kaagad ang kilay ni Blanca na tila hindi makapaniwala na inuutusan siya. "Seriously Ayer? Mukha ba kong secretary?"

Ayer nodded and we all laughed. Blanca just rolled her eyes at kinuha na ang phone.

"Ok lang yan kaya mo yan." Tinapik ni Ayer ang balikat ni Blanca.

Hindi na siya pinansin ni Blanca at nagsimula na siyang magkalikot sa phone niya.

"Oo nga pala hindi ko nakita yung mga post niyo lahat para sa app." Biglang tanong ni Ayer. Ako rin eh hindi ko nakita post nila.

"Ako kasama ko si Rave nag shopping kami tapos ginamit namin recommendation ng app. Nag picture kami tapos screenshot, ayon na inupload namin." Pinakita ni Iris samin post niya sa instagram.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon