Chapter 49

21 3 0
                                        

Morning arrived, bumangon ako sa kama na may kaba. Ngayon na makikita ang grades namin. I really hope that I can get the grades I want. Kinuha ko ang hoodie ni Keith na naka paper bag. I told him that I'll wash it up before returning it to him.

I'm on my way at asa group chat ako ngayon naming girls. Blanca is excited, Iris is nervous, Twilla is scared while Ella is unbothered. Natatawa na lang ako sa kanila dahil inaasar asar pa nila si Twilla na ibloblock cards niya if bagsak siya.

I arrived at our university at kasabay ko ngayon si Claud maglakad sa hallway. Nakasalubong kaming dalawa sa gate at ang weird kasi first time yata namin magsabay.

"Sabi ni Ivo hindi daw siya makakapasok." Bigla niyang sabi sa'kin while he's staring at the front.

"Bakit?" I asked him.

"Seryoso? Hindi mo pa ba nakikita sa Twitter?" He stopped walking and faced me. "Yung trending ngayon, mommy Aiby?."

I shook my head. "Kwento mo na lang." Wait. Mommy? Kailan pa?

"National treasure actress sangkot sa sabungan ang kalaban ay isang babaeng trainee. Sabunutan kalmutan sa loob ng banyo. Nagwagi ang national actress pero may galos. Trainee natagpuang buhay na may kalmot at pula ang pisngi." Kwento sa'kin ni Claud habang may tono ng isang reporter.

Tinawanan ko siya. "O-Okay, so ano connect kay Ivo non?"

"Wala." He shrugged.

I looked at him frustrated by his answer."Clauuudd."

"Hahaha, joke lang eh. National actress at ang trainee ay parehas under ng Stelliferous Entertainment. Pumunta si Ivo doon para makasagap ng chika alam mo na." Tawa na naman muli niya.

I laughed with him dahil totoo ngang nasa ugali ni Ivo ang mag hagilap ng chismis. Si Claud naman ang taga balita sa lahat. Nakarating na kami sa classroom at tama nga ako...Si Claud ang taga balita.

Claud took one step inside our room. "Guuuuys, alam niyo na ba ang munting balita ngayong araw?!" Sigaw niya and they all looked to Claud.

Napailing na lang ako nang magsimula na uli umingay ang room. Dumaan ako sa gilid to greet Keith na nakarest na naman. "I'm here."

I sat and started to mingle with them. Tulog pa si Keith eh, alangan naman guluhin ko habang natutulog siya diba.

"Aiby." Iris pouted. "Kinakabahan ako sa exam results. Hindi naman tayo nakapag quiz dati." Lalong humaba ang nguso niya at hinawakan ang braso ko.

I chuckled. "Don't be, nag review ka naman."

"Ehh, kinakabahan talaga ako ehhhh."

"Oo na, kabahan ka na. Halaaa Iris babagsak ka. Hindi mo pa naman gets yung sa theories diba? Halaaa."

Her worried face turned into a shocked one and now paiyak na siya. Nag tawanan kami lalo nila Blanca dahil sa mga expression na ipinakita niya.

I calmed her down. "Hahaha you'll be okay, Iris." Nag nod lang siya at sumali na rin sa asaran.

Miss Corpuz entered our room. "Echo, your test results are out." Nilapag niya sa table ang folder.

"The overall total of your exams is 200. I'll call your names and get your folder in front." She added while fixing the stacks.

"Fabian."

"Keith."

Tinawag na niya paisa isa ang Echos. Narinig ko ang pangalan ko kaya lumapit ako sa harapan. I can feel that my heart is getting wild because of nervousness. Every step I take palapit sa upuan ko ay folder lamang ang laman ng isip ko.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon