Tumango si Claud at lumabas na ang boys at nasa likuran nila kami. Nagkukulitan na naman sila Asra at Rave kung sino mas madaming nakakita ng gwapo kanina. Pinagtitinginan na naman kami ng mga nadadaanan namin.
Nasa dulo na kami ng hallway at tanaw na namin ang entrance. Nakita kong lumilingon si Claud kung saan saan. Hindi ko ren makita sila Ayer. Nakita kong kinuha ni Claud ang phone niya at dinikit ito sa tenga niya.
"Hoy nasan kayo?... Naknam pucha wala pa kayo sa labas? Hayop ka lumabas kaming lahay...Oo kasama namin sila Aiby dito.. Oh gulat ka noh? Hayop ka talaga Ayer." Pinaulanan ni Claud ng mura si Ayer sa phone bago niya ito ibaba.
Nilingon kami ni Claud na iniintay siya magsalita. "Ay nako nasa daan pa lang ata sila. Pinababa lang kami kaagad para daw may sasalubong hayop talaga yun." pag mamaktol ni Claud at tumawa lang kami.
Bumulong sakin sila Iris na gusto daw muna nilang bumili ng drinks kaya tumango ako.
"Claud alis muna kami ah bili lang." Sabi ko kay Claud at nag thumbs up lang siya.
Years passed at nakuha na namin yung shakes namin. Tig iisa kasi kami kaya natagalan yung paggawa tapos hindi naman kami pareparehas ng flavor.
Kumuha kami ng straws and tissues at nagsimula ng mag lakad pabalik. Kumpleto kaming 9 na babae bumili ng shakes kaya ngayon sabay sabay na naman kaming babalik. I can already feel their stares towards us.
Abot tanaw na namin ang boys at nakita kong nadagdagan na nga sila ng tatlo. Tinignan ko ang lalaking nakatalikod na naka suot ng hood. Nakita kong lumingon na rin samin ang mga boys at tinuro kami.
Dahan dahan lumingon samin yung tatlong lalake. Tinignan ko ng maigi yung lalakeng naka hoodie.
Pag harap niya nakita ko ng binaba niya yung hood niya at tumingin samin. Seriously? Hoodie parin hanggang ngayon?
Gray hoodie with a silver chain necklace on his neck. His hands are in the pocket of his hoodie. His eyes landed on mine at nginitian ko lang si Keith.
"Hi guys!" si Twilla ang unang bumati.
"Ohh iba ang aura Rave ah pak na pak ah?" Asar ni Ayer kay Rave.
"Ako pa ba?" Sagot ni Rave pabalik kaya nag tawanan na sila.
Tuloy lang silang nag asaran at nakisama narin ang iba. Tahimik ko lang sila pinapanood at natatawa paminsan minsan. Binulungan ko si Blanca na nakikisali sa asaran.
"Blanca kasama ba natin mag ikot boys?" I asked her.
"Uhhh.. kung ayaw mo. Hiwalay na lang tayo, alam ko naman ayaw mo sa madaming tingin." She answered me and I nodded.
Okay lang magkasama kami pero ayoko na sa kada lakad namin napa patingin naman samin lahat. Ang awkward hindi ako makagalaw ng maayos ang daming nakabantay.
Nag hiwa hiwalay na kami ng daan. Kasama ko lahat ng girls. Hindi naman sa gusto namin maghati ng boys at girls, mas sanay lang talaga kami sa isa't isa. Katabi ko parin si Blanca at patuloy tinuturo yung daan paikot sa university.
"Oh right natatandaan ko we should look for the places students often visit right?" Twilla asked.
"Yes, places where they meet up or rest." Sagot ni Asra sa kanya.
"Edi ang gawin natin hanapin natin kung saan nakatambay mga students." Sambit ni Ely na tinanguan naming lahat.
Nagsimula na kaming mag lakad at mag hanap ng mga nag kukumpulan na studyante. Nagsimula kami sa right wing ng campus grounds at naglakad.

BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...