Lahat kami wala ng nagawa kaya nag hiwahiwalay na uli kami. Tinabi na namin mga nabili naming gamit para hindi humarang. Tinulak naman ng ibang boys ang mga appliances sa likod ng room.
Pinunasan na nila yung mga appliances at pinagana. After ilang minutes, nilagay na nila ang mga hotdogs and fries sa loob ng freezer. Nilagay naman sa refrigerator ang softdrinks, bottled water, chocolate drinks and iba pa.
Nakita kong nakatayo lang si Brice habang nakatingin sa gulay na nakalatag ngayon sa sahig. Linapitan ko na siya kasi baka nastrestress na siya.
"Brice, do you need some help?" Tanong ko kaya napalingon siya sakin.
Natawa ako sa isip ko ng makitang naka kunot na ang kanyang noo. Tagos na tagos na nga sa salamin niya ang inis sa mata niya eh.
"Yes please. Gather all leaf, cruciferous, allium and root vegetables." Sagot niya sakin at inayos ang salamin niya with his middle finger.
Umupo na siya at sinimulang damputin ang mga halaman. I mean gulay pala. Kaso hindi ko alam kung anong gulay tinutukoy niya.
"Uhm sorry but brice ano yun?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Ahh yung leaf vegetables yung mga dahon like lettuce. Mostly seen in salads and they are literally leaves of the plant." Turo niya sa mga green veggies.
Habang tinuturuan niya ko, naramdaman kong tumabi sa'kin si Keith. Dahan dahan siyang umupo sa sahig kagaya ko.
"Cauliflower is an example of Cruciferous. They mostly belong to the cabbage family. Magkamukha silang lahat." Turo ni Brice sa mga veggies na mukhang bulaklak.
Nakita kong dumampot na ng gulay tong nasa tabi ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya.
"Onions and garlic are alliums. Spices kumbaga." Sabi ni Brice.
"Root vegetables are the root crops like potatoes." pahabol niya at nagpatuloy na siya sa pagkuha ng gulay.
Nag iipon na rin ng gulay yung katabi ko kaya nagsimula na rin ako.
Pulot dito. Pulot don.
Tinignan ko yung mga hiniwalay kong gulay at pinakita ko to kay Brice na nagpupulot parin. Baka kasi ipon ako ng ipon mali naman pala.
"Brice tama ba to?" Tinignan niyo yung inipon ko at tumango lang siya. Napunta ang tingin niya kay Keith na tahimik lang na nag iipon.
"Hey, Keith! Mali!" Sita ni Brice kay Keith.
Inangat ni Keith ang kanyang tingin kay Brice na nakaluhod sa harap namin.
"Oh alright." Ayan lang nasagot ni Keith. Bumalik na lang sa pag aayos si Brice.
Tumitig lang ako kay Keith at nakitang napatingin na rin siya sakin. Hindi ko iniwas ang tingin ko at mas tinitigan pa siya.
"Hmm?" Bulong niya at mas nilapit ang mukha niya sa'kin. He's waiting for me to answer him pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.
Umiling ako. "Oh wala wala. Yung mga dahon dahon na muna pagsamahin mo. Para hindi nakakalito." Tinuro ko sa kanya mga leaf vegetables.
Tumango lang siya at nag ipon na uli ng gulay. Andami naman kasi! Bakit ba sila bumili ng gulay.
"Nakssss ayos yan Keith ah? Gandang bonding niyan." Rinig kong pang aasar ni Ayer sa likod namin.
"Oh shut up Ayer." Keith looked at him annoyed.
Tinignan ko si Ayer at nakitang nanonood rin samin ang iba naming kaklase. Nakita ko na nalinis na nila mga appliances at ready na ilagay ang gulay.
Tuesday arrived at nasa tapat ako ng mirror ngayon. Hindi kasi ako sure sa susuotin ko eh. Ayoko naman mag mukhang basahan habang sila tila mag fafashion show. Hindi parin ako makapag decide kahit malalate na ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/290683875-288-k785170.jpg)
BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...