Chapter 82

18 3 0
                                    

"Light breakfast lang ha!" Asra shouted habang kumukuha kami ng breakfast namin. Nakita niya sigurong ang dami kumuha ng iba.

Claud stuck his tongue out. "Ayaw, kakain ako mga 8 cups of rice." He's annoying Asra.

Ely chuckled. "Itatapon sa dagat ang susuka ah?"

Blanca threw a rolled tissue to Ely. "Kumakain eh!"

We decided to eat first bago mag swimming. Tinawag ko na rin ang staff para ipagamit samin ang yacht na may slide. I'm sure they'll get bored if they'll just swim.

"Excuse me Lady Aiby, is there anything you want to eat or drink on the yacht?" The staff whispered.

"Hmmm, maybe a beer? Tequila? Anything alcoholic drinks that are available and Shakes or smoothies. For food, pizza and chips." I smiled at her and she excused herself to leave.

I saw Rave on the stairs. "San ka punta?" I shouted.

"Magbibihis na kami!" She shouted back at tinuloy ang paglakad.

Nagpaalam ako sa mga kaklase kong naiwan sa lamesa. I saw that some of them are already gone, mostly girls.

"Iriiiiiis mas bagay nga sayo to!" Sigaw ni Rave ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa kwarto. Here we go again, chasing rabbit.

Tumatakbo si Iris habang hawak ni Rave ang pink na 2 piece swimsuit. Napailing iling na lang si Ella habang tinatali ang top ng 2 piece niya.

"Aiby ohh si Rave!" Iris hid behind my back while pouting. Saglit ko munang tinignan si Rave na sinesenyasan ako umalis.

"Ano bang susuotin mo?" I asked her.

Iris raised her lavender one piece swimsuit. Tinignan ko iyon at nakitang butas ang magkabilang bewang.

"Pwede naman yan ah? It's cute." Kumento ko sa swimsuit niya.

Sinamaan niya ng tingin si Rave. "I told you! It's already pretty naman e!" I chuckled softly when she raised her voice to Rave pero nakatago pa rin sa likod ko.

"Oo na oo na." Rave surrendered at tumawa naman sila Blanca sa likod.

I went inside the bathroom and wore my navy blue swimsuit. God, I'm excited to stand beside Keith wearing this.

Lumabas ako sa kwarto at nakitang tulala sakin si Blanca. She thumbs up at si Rave, Asra at Twilla naman ay nakangisi.

I rolled my eyes and picked my see through shirt. Agad iyon hinublot sakin ni Deborah

"No no no." Umiling siya.

I frowned at mas lalo pa nilang ikinatawa. Ayoko lang naman mag ikot sa villa ng ganto suot diba? Pero well, bahala na, pare parehas na lang kami.

I saw Iris wearing her one piece. Lahat naman kami ay naka 2 piece with different colors and styles. Rave is with her usual red, Ella with her dark green and Ely with a light green. Naka violet naman si Deborah, orange si Twilla, White si Asra and Yellow si Blanca.

"Tara na ahh?" I opened the door. "May towels and bathrobes sa yacht. No need to bring one." Lumabas na kami sa kwarto at rinig ko na kaagad ang bangayan ng boys.

"Tangina mo ka Earl! Masira sana yang short mo mamaya!" Boses yun ni Ayer ah. Mukhang nag aasaran na naman sila.

Humalakhak naman ang ibang boys at inasar pa si Ayer.

"Kasalanan ko bang walo ang abs ko tapos sayo anim?" Rinig kong pang aasar sa kanya ni Earl.

Lumiko kami papunta sa hagdan at nakita na namin silang lahat nag fle-flex ng kanilang mga muscles. Naka simagot si Ayer habang sila Earl ay tumatawa lang.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon