Chapter 42

18 3 0
                                        

After class, we all cleaned up our mess and fixed our things. I'm waiting for Brice to stand up to start our meeting.

I saw Ely stood up and approached Brice. "Brice nahihiya ka ba tumayo?"

"Hindi siya nahihiya, talagang wala kang nilalabas na gamit sa bag mo kaya hindi ka nagliligpit." Sumingit si Claud sa kanila habang nakasabit na ang bag niya sa likuran niya.

Ely rolled her eyes. "Ikaw nga naglabas ng gamit para magkalat eh."

"Nag labas pa rin."

"Heh! Nagkalat ka."

"Heeepp. Saan patungo tong usapan na to?" Biglang singit sa kanila ni Blanca. Huminto sila saglit para tignan si Blanca.

"Sa mars." Si Ely.

"Sa puso mo." Si Claud.

Sinamaan sila ng tingin ni Blanca. "Ganda niyo kausap grabe." She crossed her arms and rolled her eyes.

They only stopped bickering each other when they saw Brice walking towards the center.

Imbis na sa likod si Brice ng center table tumayo. Lumapit siya sa harapan at umupo sa lamesa. "Aldo, we're meeting Li Works Studio the day after tomorrow."

Lumingon sa'kin si Brice. "Aiby contacted Li works Studio." Si Aldo naman ang tinignan niya. "Do you think your company submitted a proposal?"

"Siguro, pero kinakausap pa nila yung studio under Lim. I'll ask dad's secretary and I'll update you guys." Sagot ni Aldo habang naka prenteng nakaupo ngayon.

Kapag ba nakapag set na ng appointment ang OLM Technologies sa Li Works Studio kakausapin pa namin si Miss Beatrice? It would be nice sana kung mauuna kami.

Nagkwekwentuhan lang sila habang si Brice ay nakaupo pa rin sa center table. Aldo's using his phone para kausapin siguro ang secretary ng dad niya.

The studio under Lim Corporations is the number 1 production studio but when it comes to connection, I can say that Li Works studio is still the best. Kaya bakit ayaw nila makipag partner sa Li Works Studio for a long term?

Naputol ang iniisip ko nang marinig ang boses ni Aldo ngayon. "Sabi ng secretary ni dad, mag memeet na sila ng studio. He didn't tell me when." Binaba na niya ang phone niya sa lamesa at tinignan kami.

"Do we still need to meet Li Works Studio?" Aldo asked Brice. Sa tingin ko oo, we still need to. Maybe we can do or change something.

I saw Brice looked at me at kay Keith na tamad na nakaupo ngayon."Yes." Isang sagot lamang ang binigay niya kay Aldo.

Tumango sa kanya si Aldo at ibinalik ang atensyon sa phone. Nag uusap na rin ang mga alaga ni Brice ngayon. Tumingin ako kay Brice na nakaupo sa center table ngayon na nakatingin sa labas ng bintana.

Maybe he's thinking, we need to do something para mapansin ng OLM Tech si Aldo. Claud is doing okay in TP company, he's very active in attending meetings and I heard he's asking Brice if he's confused or lacks knowledge about certain topics.

Ombres have a chance to claim their title. Though, they're still not motivated enough to study and inherit the company. Maybe they have some deeper reasons?

Naputol ang iniisip ko nang may humarang na naman sa paningin ko. Sa ilang beses na niyang ginagawa sakin to, alam ko na kaagad na siya ito.

Tinignan ko siya sa gilid ko na tamad pa rin nakaupo. "Why?"

Tumingin siya sakin at tinignan si Brice sa harapan. "Why do you need to stare at him? If you're just staring at him while thinking then just stare at me and think about me." Keith made sure he said it in a low voice. It's like he's just mumbling.

Inalis niya ang tingin kay Brice at tumingin sa kanan niya. I was too stunned to speak because of him. Hindi ko pinapahalata sa kanya na nacoconscious na ko sa mga sinasabi niya.

I know it's not a spur of the moment, random tease or a typo. He's giving me hints. He's slowly crawling in my mind and down to my heart.

"Why do I need to stare at you? If I can stare at somebody else." Hamon kong tanong sa kanya. Bigla siyang napalingon sa'kin na parang gulat sa sinabi ko.

He just stared at me at dahan dahan may namuong ngiti sa kanyang labi. "I didn't expect that you'd respond." He chuckled softly.

I can feel the heat in my cheeks kaya ako naman ang nag iwas ng tingin. I sucked my cheeks to stop myself from smiling.

Natauhan na lang ako ng lumapit sakin si Blanca. "Aiby, sama ka? Mag mamall kami ni Ayer." tanong niya sakin.

Tumingin ako kay Ayer na nasa likuran niya ngayon. Hinihintay niya rin ata ang sagot ko. "Hindi na, I wanna rest."

Pagka sagot ko ay sabay silang tumingin dalawa kay Keith na nasa gilid ko. "Bakit? Anong gagawin sa mall?" I asked them kaya tumingin sila muli sa'kin.

Nagkibit balikat si Ayer. "Ikot ikot lang. Ayaw mo talaga mamsh?"

Hinampas ni Blanca ang balikat ni Ayer at tumingin sa'kin. "Mag iikot lang kami and shopping. Gusto kita kasama eh."

Ayer pouted. "Kagabi ka pa puro Aiby. Ayaw mo ba ko kasama? Sige, papipiliin kita."

"Ano yun?" Takang hinarap siya ni Blanca.

"Sasama ko o sasamahan mo ko."

"Pinapili mo pa ko parehas lang naman yon!"

"Hindi ah. Pag sinama mo ko, syempre sasamahan kita mag ikot ikot. Pero kung ako ang sasamahan mo, sa iba kita dadalhin."

"At saan mo naman ako dadalhin ha Ayer?" She crossed her arms.

"We'll watch movies, joy rides, amusement parks, ice cream parlors or anywhere. Dadalhin kita kahit saan kasi idadate kita."

Blanca paused. "K-Kailan naman kita pinayagan idate ako?"

Tumaas naman ang isang kilay ngayon ni Ayer. "I didn't ask for your permission Blanca. Sinabihan kita last week, hindi tanong."

"Fine. Do what you want." Inirapan ni Blanca si Ayer at tumalikod para umalis.

Sinundan lang siya ng tingin ni Ayer. Hindi naman ako nasabihan na makakanood pala ako ng live na drama sa harap ko.

"Hindi mo pupuntahan?" I asked him.

Umiling siya. "Hindi na. Mas mababadtrip lang sakin pag kinulit ko. Minus points yun."

"Ohh okay." Tama siya. If Blanca is annoyed, hindi dapat siya kinukulit kasi lalong siyang maiinis hanggang sa mag away kayo. She needs space and time to think and she'll come back later.

"Dapat chill lang, no pressure. Ako na nga pumasok sa buhay niya, ako pa mang gugulo? No no no." Nagsalita ulit siya pero nakatingin pa rin siya sa daan na tinahak ni Blanca paalis.

"Seryoso ka kay Blanca? If you're playing, 'wag na lang siya Ayer."

"Seryoso ako." Ibinaba niya ang tingin siya sa'kin dahil nakaupo ako. "Hindi ako mangangako ng kung ano ano pero may ipapagawa ka ba para maniwala sakin?"

Umiling ako. "I trust you."

He smiled at me as if he's relief to hear my reply.. "Thank you." I nodded and we both laughed when we realized we're too serious.

I know na may something na sa kanilang dalawa. Blanca often call me during night to talk about random things pero ngayon mas madalang na lang nangyayari ngayon. I know nakahanap na siya ng katapat niya na madaldal.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon