Chapter 9

23 2 0
                                        

They just entered the hall without any remarks but they all changed the atmosphere. I can sense that the other students are tense and some are even afraid to face them.

A man caught my eye who had a smirk plastered on his face. Chin up and looked down to the students they'll pass. Who's this? Parang may dugong Chinese.

They have that kind of aura. A gangster, troop, clan or army.

Nakita ko silang pumunta sa pinaka unang row na para sa kanila. Para itong nagsilbing sign para tumayo na ang mga teachers.

May umakyat na isang lalake patungo sa stage. Hindi ko siya kilala at nakikita sa school.

"Rave, kilala mo siya?" Bulong ni Iris kay Rave.

"No but I think teacher siya ng ibang section." Bulong pabalik ni Rave

"Yeah, lagi ko siya nakikita sa hallway with marker and books." singit sa kanila ni Asra.

Nagbubulungan na sila sa harap ko. Ako kasi ang nasa last ng line at katabi ko si Keith na last rin sa line ng boys.

"Good Morning everyone. Before I invite our principal here on stage, I want to welcome all of you." The emcee faced us with a bright smile on his face.

"WELCOME TO TOSSICAN UNIVERSITY. THE TOP UNIVERSITY IN OUR CITY AND COUNTRY!" Sigaw niya at pumalakpak. Pumalakpak rin ang ibang teachers kaya sumunod rin ang students.

"I want to introduce our beloved principal, he will be the one who will let you know more about this school. He's one of the alumni of our school and was chosen by the past principal. The one and only!" 

"PRINCIPAL RIO!" He called our principal beside the stage.

Nakita kong tumayo na ang principal with his hands behind his back. He's walking slowly while smiling to all of us.

"What a good pretender." Rinig kong bulong ni Keith.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Tinignan rin niya ako at ngumiti. Nilagay niya ang index finger niya sa labi niya.

"Shhh" 

I just nodded at hindi ko na inisip pa bakit niya nasabi yun.

Nakita kong nakarating na stage si Sir Rio at kinuha ang mic sa emcee.

"Good day everyone." Panimula niya at tumahimik na kaming lahat.

Nag simula na siyang mag speech at mag share ng experiences niya. Nag simula na rin lumipad ang isip ko palabas ng academy. Naririnig ko na nga lang nag bubulungan mga kaklase ko eh.

"Oi Claud umayos ka ahh kabisaduhin mo yung steps." Bulong ni Ayer kay Claud.

Steps? Steps saan?

Tumango lang si Claud sa kanya at tumawa. Humarap naman si Ayer kay Keith at may sinasabi. Pansin ko lang na lagi silang mag kasamang dalawa. Parang kami lang ni Blanca.

"Keith ayaw mo talaga sumama sa sayaw?" Tanong ni Ayer kay Keith

"Ayaw" pag tanggi ni Keith kay Ayer.

"Dali na para new experience" pilit uli ni Ayer.

Nakita ko na nag salubong ang kilay ni Keith at naiinis na sa pamimilit ni Ayer.

"No." ayan lang nasagot ni keith.

Steps ba saan?

Iniisip ko kung para saan yun nang may kumalabit sakin.

"Psst Aiby alam mo ba kung bakit sinama ni Twilla si Brice sa team shakes?" Blanca asked me.

That's actually the question inside my mind that I can't answer. Twilla hate KJs, kaya laking gulat ko nang makitang kasama namin si Brice.

"Kasi daw hindi alam ni Twilla paano gumawa ng shakes hahahaha." Bulong sakin ni Blanca habang tumatawa siya.

Nakita ko yung ibang boys nag lalaro na lang ng phone. Sinilip ko yung ibang girls at nakita kong may kinakausap si Iris habang tumatawa. May nakita rin akong kamay na iniikot ikot ang buhok ni Rave sa daliri niya.

"....... Tossican University will do it's best to provide resources you all need. Do your best to enjoy your school life. Learn and apply it to your journey. Everyone in Tossican University is your family." Pagtatapos ng speech ng principal namin.

Nag palakpakan naman ang lahat habang bumababa sa stage si Sir Rio. Kinuha ng teacher kanina ang mic at siya naman ang nag salita.

"Thank you Principal Rio for your heartwarming speech for our dear students. I will now call Miss Corpuz for an announcement." tawag niya sa adviser namin.

Nakita ko na naman ang signature aura ni Miss Corpuz. Umakyat siya sa stage at nakita ko kung paano ngumanga ang ibang studyante. I don't know why but Miss Corpuz's aura is just so powerful and domineering.

"Good day. All class representatives will submit their ideas to the faculty after this ceremony. After submitting your copy, you are all free to go. Do what you need to do and enjoy your day!" She smiled at us and gave the mic back to the emcee.

Pagbaba ni miss sa stage nakita ko siyang palapit samin. Nakita ko kung paano kumawala sa pila si Ivo at nilapitan kaagad si miss. Nag ngitian lang sila pero bakit kailangan unahan Ivo?

"Do you need my help for this week?" Tanong niya samin while smiling.

"So far, none. We'll call you if we need your help." Malamig na sagot sa kanya ni Brice.

"Thank you sa pag tanong miss." singit ni Ivo.

Tumango lang si miss at umalis na sa hall. Ngayon ko lang napansin na ang daming nakatingin samin. Yung ibang mata ng boys nakatingin kay Miss Corpuz pero yung mga mata ng babae nasamin parin. Bakit?

Ahhh syempre dahil sa mga boys namin. Isa yan sa flex ng section namin. Walang patapon sa itsura. Mas gwapo pa nga si Keith compare sa center guy ng Alpha eh.

Nag sisilabasan na ang Alpha at may ibang sumusunod na sa kanila. Nag stay kami sa hall para pa unahin muna ang iba. Ayaw namin makipag siksikan, andami kaya. Nakatayo lang kami at nagkwekwentuhan ng may biglang lumapit na lalake kay rave.

"Hey, what's your Instagram?" tanong ng lalake na may dalawa pang lalake sa likod niya.

Tinignan niya si Rave from head to toe at sumipol. Hays lagi na lang ganyan reaction ng boys.

Lumingon rin si Rave sa kanila at tinignan rin ng head to toe.

"Ohh hi, it's..." Ngiti niya habang nag sasalita.

Nakita kong lumaki mga ngiti ng mga lalake. Mukhang nag aabang sila.

".....@tanginamopakyu" Nakangiting sagot ni Rave habang nakataas ang middle finger niya. 

Nagulat sila sa ginawa ni Rave pero hindi nila maalis kaagad ang nahintong pag ngiti nila. Ego niyo kasi anlaki naka harang.

"Uhh okay? Thank you" ngiti ng lalake at nag madali ng umalis na. Hindi niya tinanggal ngiti niya para kunware walang nangyare.

Pagtalikod ng lalake saka kami nakarinig ng tawa mula kay Earl at Claud. Nakikinig pala sila sa usapan?

"Hahahaha, ganyan ka pala?" Tawa ni Claud habang si Earl nakangisi lang.

"Buti na lang kaklase kita" Yan lang ang sinabi ni Earl at umalis na. Agad naman siyang sinunod ni Claud.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon