Chapter 83

15 3 0
                                        

"Tara langoy!" Yaya sa'min ni Rave habang nakadungaw siya sa yacht. Huminto na kasi ito sa parte kung saan kami pwede maligo. Hindi ganun kaalon at kalayo sa shore.

"I'm so excited!" Twilla giggled at tinanggal na ang bathrobe niya.

Hinawakan naman ni Blanca ang pulsuhan ko at hinatak. "Keith, sa'min muna 'to ah!" Sigaw niya kay Keith na nasa likuran ko.

Tumango lang ito at tinawag sila Ivo para lumangoy na rin.

Sinet up na ng crew ang slide pababa sa dagat. Binuksan rin nila ang isang railings kung saan kami ay pwedeng tumalon.

"Oh wait, I need to take a shot." Paalam samin ni Twilla. Lumapit siya sa lamesa kung saan nakaupo sila Earl, Aldo, at Keith. Tinungga niya ang isang baso ron at bumalik samin.

"Okay na po." Sabi ng isang crew.

Agad namang pumwesyo ni Rave at Twila sa magkatabing slide. Tinulak nila ang sarili nila at parehas silang bumagsak sa tubig.

Agad rin namang umangat ang ulo nilang dalawa. They raised their hands at malaki ang ngiti.

"Maygosh! It's so cold!" Hawak ni Twilla ang braso niya. Nanginginig na yata.

Rave laughed. "Okay lang masarap naman eh!" Lumangoy silang dalawa papuntang hagdan para umakyat pa muli.

I sat on the slide katabi ni Blanca na nakatingin lang sa tubig.

Tinawanan ko siya. "Chill, hindi ka lulubog diyan." Tinulak ko ang sarili ko habang hawak ko ang braso ni Blanca kaya napasabay siya.

"Aahhhh ta-tangina! Ay sorry sa mura-" Lumubog siya sa tubig kaya hindi na niya natuloy ang sigaw niya.

Patuloy akong sumisipa sa tubig habang tinatawanan si Blanca na panay punas sa mata.

"Ano Blanca? Ayos ba?" Ayer shouted habang nakahilig sa railings.

"Mamaya na yan, tingin muna kayo dito!" Asra shouted with a camera in front of her face.

I raised my hand with a peace sign. Parehas kami ni Blanca na malaki ang ngiti sa camera. Nagkatinginan pa kami at saglit tumawa. Hindi pa kami nakakaakyat ay bumagsak na sa tubig si Ely at Deborah.

"I'll jump!" Twilla shouted. Nakapwesto siya sa bukas na railings. Lahat kami nakatingala at inaabangan siya.

1.....2.....3 Splash!

Lumubog siya ng ilang segundo at pag angat ng ulo niya ay malakas na paghinga ang ginawa niya. Damn, ang tapang!

"Angas!" Puri sa kanya nila Claud sa taas.

"Kami naman!" Sigaw ni Iris habang kasama si Asra sa slide. Bumagsak sila parehas at natawa kami nang hindi man lang lumubog gaano si Iris, gaan kasi eh.

"Si Ella! Si Ella pa!" Ely shouted sa mga boys na nakadungaw.

"Eh ayoko baka mapagalitan ako!" Claud shouted back at nagtawanan ang mga boys.

"Ella! Ella! Ella!" We all shouted, cheering her.

Nakita na namin si Ella sa pwestong tinayuan ni Twilla kanina. Is she attempting to jump?

Without further delay, she jumped. Hindi mataas kundi malayo. Napausog ako ng di oras nang makita na kay Ely siya babagsak.

Eh katabi ko si Ely!

Lumubog naman silang dalawa habang kami ay tumatawa lang.

Ely floated first, gasping for air. "Sira ulo ka! Sana si Blanca na lang dinaganan mo."

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon