Namomoblema ako panong gagawin namin kasi baka lumala. Natanaw ko naman kaagad si Ayer at Ivo palapit samin. I sighed in relief seeing the boys here.
I saw how Ayer and Ivo's eyes widened then ran the distance between us.
"Grabe kayo Blanca! Ang sabi ni Brice mag ikot hindi mang away." Pang aasar kaagad ni Ayer kay Blanca.
"Ano yan? Andami naman nila tapos kayo lang? Dapat tinawag niyo kami." Sabi ni Ivo habang sinisilip silip mga lalake nasa likod namin.
"Anong tulong? Eh kaya nga madami kalaban nila kasi hindi nila kinaya sila Aiby eh." sagot sa kanya ni Ayer.
"Kahit na babae parin sila. May mga lalake oh." Turo ni Ivo sa mga lalake.
"Dito pa talaga kayo mag aaway?" singit ni Blanca sa kanila.
"Syempre hindi, bro kunin ko na tong mga alaga ko ah." Tinignan ni Ayer si Niccolo.
Wala naman nagawa si Niccolo at tumango na lang. Lahat kami tumalikod at nag simula ng mag lakad.
"Bakit pala kayo andito Ayer?" Tanong ko habang naglalakad kami. Ang alam ko ay nakapila sila sa kainan.
Ayer shrugged while walking. "Wala lang, hindi naman kasi kayo pumayag sumabay samin mag lunch nung inaya namin kayo. Tapos bigla niyo kaming aayain, kaya chineck ko na kayo." sagot ni Ayer.
"Thank you. Buti pala naisapan niyo pumunta."
Ayer clicked his tongue. "Buti talaga! Muntik na 'yon." Napangiti na lang ako nang makitang gaano siya kaconcern sa'min.
Nakarating kami sa isang room at puno ng tao. Dito pala sila kumakain.
Nakikain na rin kami at nakipag kwentuhan sa boys. After namin kumain nag libot pa kami saglit ng magkakasama. Syempre kada lakad namin napapatingin samin mga ibang studyante. Okay na rin siguro to para sure na walang mag babalak lumapit.
Pumasok na kami sa classroom at umupo kung saan saan. Hinihintay na lang namin dumating si Brice para makapag simula ng meeting namin. Lahat kami pinagpawisan dahil sa init kanina pero yung katabi ko dito cool na cool sa hoodie niya.
"Did you guys have any suggestions where we can build our tent?" Tanong ni Brice sa'min.
"We can try in the right wing near the open field." Nag taas ng kamay si Blanca.
"Likod ng campus pwede ren." singit ni Ely
"Yeah kaso lungga na ng Alpha yun eh." nagsalita si Claud kaya napatingin kami sa kanya.
Kaya siguro andami nila kanina don.
"Sa garden side pede ren." suggest ni Ayer.
"Sa entrance para maraming tao." Graig
"Eh sa loob ng school tapos sa gitnang hallway?" Ivo
"Thank you for your suggestions but I like the garden in the left wing" Nagsalita na si Brice kaya napahinto kami.
"Why?" Earl snorthed.
"The garden in the left wing is in between the dorms of alpha and beta. The dorms are in the left wing, that's why one of the exits of the school is in the garden. And also...."
"...the shadow of the school will protect us from sunlight." Tinapos ni Brice ang kanyang sinabi.
Shadows.
Sa lahat ng rason na sinabi niya ayan ang pinaka gusto ko. Ang hindi mainit!
Pumayag naman ang mga kaklase ko at napag usapan namin na maaga papasok ang mga boys para itayo yung tent. Sinabi ko na pwede kaming tumulong na mga girls. Kami na daw bahala mag lipat ng mga foods na madadala namin.
Ayoko naman mahirapan sila if we can help them kahit papaano. We should help each other hanggang sa makakaya. Hindi yung ililimita ang gawain ayon sa gender.
".. Dismissed." sabi ni Brice at nag tumayo na kami.
"Uhmm if you'd like... I cooked some vegetable dishes for us.. You can eat before you go.." sabi niya at lumabas na ng room.
Nag tinginan kami at sabay sabay naming sinundan ang likod niya. Pumasok kami sa extra room ng Echo. Dito kami kahapon nag baba ng mga gamit.
"Luto mo ba talaga lahat nyan Brice? Ang dami ah!!" Sigaw ni Asra habang nakatingin sa mga hinanda ni Brice.
Grabe napanganga kami sa dami ng linuto niya. Ang bango bango pa ng loob ng room dahil sa pagkain. Yung mga boys nga nag simula na dumampot ng plato. Mahilig pala sila sa gulay?
"Oh mahilig kayo sa veggies Claud?" Tanong ni Blanca kay Claud na sumasandok na.
"Huh? Hindi, pero ang bango eh tinatawag ako." sagot ni Claud at sumandok na.
Natawa kaming lahat pero nag simula na rin kaming kumuha. Tama nga siya, ang bango ng amoy. Lahat kami umupo at nag simula ng kumain. Nakita kong pinapanood kami ni Brice habang nakatayo. His face softened makitang andami namin kumain.
Para naman namin siyang ama sa ginagawa niya.
"Brice ayos ng luto mo salamat ah!" Inakbayan ni Claud si Brice.
"Oo Brice pero hindi ibig sabihin nito araw araw tayo mag gugulay ah?" singit ni Ayer kaya natawa kaming lahat.
Agree rin ako. Masarap siya pero hindi ko yata kaya ng araw araw baka maging hayop na talaga kami.
Umuwi na kaming lahat at nag decide na sa group chat na lang ituloy ang kwentuhan. Nagtagal ako sa shower ko ng maalala kung gaano kami kapawis kanina. Nag seen lang ako sa group chat at nagsimula ng matulog.
Nagising ako sa tawag ni Blanca na pumunta daw kami sa school ng maaga. Mag suot lang daw kami ng plain shirts kasi sa school na namin susuotin yung costumes. Wala sa sarili akong naligo at binibilang ang minuto na dapat natutulog pa ko.
Nasa tapat na ko ng university ngayon at dumiretso na ko sa garden sa left wing. I saw students carrying boards, paints and boxes. I think everyone is preparing for the opening later. Some are posting posters on the wall in front of the entrance of the school building.
Ang swerte naman nila may dorm sila dito. Samantalang kame byahe byahe pa sayang oras. Natanaw ko na sila Brice sa gitna ng garden. Si Aldo naman hawak ang gitnang stand ng tent tapos sila Ayer, Claud, Ivo at Earl naman hawak yung mga dulo ng tent.
Malaki talaga yung tent na binili namin kaya kasya kami sa loob lahat. Si Graig nakaupo sa damo binabasa yung instructions tapos si Brice kinakausap si Blanca. Napatingin ako sa lalakeng naka rest sa table. Suot na naman ang hood ng hoodie niya habang nasa kamay niya yung hammer.
"Good morning Aiby! Nasa room sila Twilla binubuhat yung drinks." Iris waved at me kaya napatingin na rin sakin ang iba.
"Why? Nasa loob na ng ref diba?" I asked her.
"Yes, but we can't carry all the appliances with drinks." Brice answered me kaya napa tango na lang ako.
Sabagay mabigat yun kapag ang daming laman. Nagpaalam ako sa kanila at sinabing tutulong ako kila Twilla. Umayaw si Blanca at siya na lang daw mag bubuhat at tumulong na lang ako sa pag aayos ng gamit na ibababa nila.

BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...