"Hugasan ang shark!" Sigaw ni Rave habang hinahawi ang tubig papunta kay Ely.
Winasikan ni Asra ng tubig si Ely. "Maliligo daw si shark!"
"Paliguan si shark!" Sigaw ni Deborah at nakigaya kaming lahat. Hindi naman na nakagalaw si Ely sa gitna at hindi siya makalapit.
"Tama na, baka hindi na makagat." Natatawang sabi ko sa kanila. Tinigil namin ang paghampas sa dagat para kumalma muli ang tubig.
"Run for your lives!" Blanca shouted and we all swam while laughing. We all went to the yacht's ladder and Ely reached someone.
She's holding his arms and looking at me hesitantly. "Baka pag kinagat ko 'to, ako ang mamatay."
I saw who's the owner of the arms she's holding. Lahat kami ay natawa nang makitang braso iyon ni Keith. Nakangiting nakatingin lang siya kay Ely, pinipigilan tumawa.
"Alright alright, I'll be the shark!" Sigaw ni Keith na nagpaalarma saming lahat.
Kung kay Ivo ay panay asar, kay Ely ay kalokohan. Ngayon kay Keith, lahat kami seryoso sa paglangoy.
Hinahabol ni Keith kahit sino kaya lalo kaming kinakabahan. Hindi naman kami pwede magtagal sa itaas kaya kailangan namin umikot ikot.
Nasa likuran ako ni Blanca inaabangan siyang umakyat. "Fuck nakakakaba!" Mahinang mura niya na ikinatawa ko.
"Dali dali dali!" Pagmamadali samin ni Iris sa taas. I looked down and saw Keith rushing to us.
"Bakit kasi ang bilis lumangoy ng isang 'yon!" Reklamo ni Rave sa taas at ikinatawa ng mga girls.
Tss, magaling sumisid. Nakakatakot.
Napatingin ako sa slide and saw the boys climbing it. Hindi ko alam kung makakaakyat ba sila talaga dyan dahil sa sobrang dulas at medjo matarik.
"Ang dulas pucha!" Sigaw ni Claud habang umaakyat siya sa slide. He's holding to both sides of the first slide.
Ely offered a hand. "Claud kapit!" Sigaw niya at inaabot ang kamay ni Claud na nakahawak sa slide.
Claud raised his hand, reaching for Ely's hand. Bago niya ito mahawakan, nadulas si Ayer at sa sobrang kaba ay hinawakan niya ang paa ni Claud. Sumubsob sila parehas at nahulog sa tubig.
"Tangina mo naman Ayer!" Sigaw ni Claud kay Ayer pagkaahon nila. Akala ko ay magbabangayan pa sila pero parehas na silang lumalangoy papuntang slide.
Umalis naman si Keith sa baba ng hagdan at nilangoy ang slide. Thank God makakababa na kami.
"Ayan na pucha!" Sigaw ni Claud nang makita niya si Keith palapit.
Bumaba muli ako sa tubig dahil lumipas na ang oras ko. Blanca and Ella followed me, quietly.
"Alis dyan ako nauna!" Hinahawi hawi ni Ivo si Ayer kasi inuunahan siya ni Ayer umakyat.
Ivo grabbed Ayer's back. Yinakap naman na ni Ayer ang slide, ayaw na umakyat at kumakapit na lang kasi inaalis siya ni Ivo.
"Tangina mo Claud wag mo naman hilahin short ko!" Sigaw ni Earl kay Claud na nakahawak sa beach shorts niya.
Earl is climbing with his right hand. He's holding his beach short with his left hand kung saan nakakapit si Claud.
"Bakit ka kasi nakakatakot Keith! Hayop ka!" Sigaw sa kanya ni Earl habang yinuyugyog ang binti niya dahil kay Claud.
"Oo nga! Feeling ko mamatay ako!" Sabat naman ni Asra habang nasa itaas.
Nang makarating si Keith sa dulo ng slide. Agad nagsigawan ang boys at tumili naman ang girls. Bigla tuloy napatingin sa'min si Keith at mabilis na lumangoy samin.
BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...
