Nakapag park na kami sa basement at isa isa kaming lumabas sa kotse. Pinauna ako ni Keith kaya siya ang huling nakababa samin. Tahimik kaming pumasok sa entrance at nag antay ng elevator paakyat.
Nasa loob na kami ng elevator at wala parin nagsasalita samin. Bumukas na ang elevator at nasa 3rd floor na kami. Nakita kong pinag tinginan kami ng mga tao.
"Hihi Aiby look many tingin sayo oh." Twilla whispered and embraced my arms.
Lumapit si Aldo at Keith sa kuhaan ng push carts. Kumuha sila ng tig isa at tinulak ito papunta sa harap namin.
Twilla giggled. Siguro sa nakikita naming scene.
It's cute
"Let's go?" Aya ni Brice samin at tumango kami.
Naglalakad si Brice at Twilla sa harap, kami ni Ella asa gitna at ang dalawang taga tulak nasa likod namin. Tinitignan namin ang bawat sections na madadaanan namin.
Napadaan kami sa side ng tent. May mga pang camping o kaya yung malaki for party. May iba't ibang kulay at size rin. Puro may disney characters nga nakikita namin eh.
"Oh let's buy a carnival tent!!" Sigaw samin ni Twilla habang nakaturo sa isang tent.
Sinundan ni Brice nang tingin ang tinuturo ni Twilla."Ha? We will buy a whole tent?" Pagtataka ni Brice.
"Yeah. why? Are you against it?" Tanong pabalik ni Twilla.
"Uh- no it's just I thought we'll rent the tent or something." Napaiwas ng tingin si Brice.
"It's okay, money is not a problem." Singit ni Aldo. It was never been a problem to us.
Nakita kong huminto si Brice sa kinatatayuan niya habang nag iisip siguro.
"Why Brice? Do you have another idea?" Tanong ni Keith. Nakapatong parehas ang siko sa hawakan ng cart.
"Uhm- no, I think it's okay. I thought if you guys don't want to rent we will buy the simple one and paint it on our own." Naiiliang na sagot ni Brice.
"I think it's also a good idea?" singit ni Ella.
"Hmm yeahh we can paint it with our own design!!" Excited na sabi ni Twilla. Her eyes are twinkling.
"Well yeah it's a nice idea. However, sorry to disappoint you guys but we don't have that much free time." sabat ko sa kanila. Ayoko na madagdagan ang pagod naming lahat baka hindi na kami mag enjoy.
Napatingin sakin sila Twilla na disappointed nga sa sinabi ko. Tumango rin sa sinabi ko si Brice at hindi naman kumibo ang mga taga tulak.
Lumapit si Brice sa staff at kinausap niya. Tumango lang yung staff at umalis na. Maya maya bumalik siya ng may kasamang box at binigay kay Brice. Pag tanggap niya nito lumapit na siya kaagad samin.
"We still need to assemble it ourselves." sabi ni Brice habang nilagay ang box sa cart ni Aldo.
Tinignan ni Aldo ng masama si Keith. Nag simula na uli si Brice mag lakad kaya sumunod na kami. Kaso naririnig kong nag bubulungan ang dalawang taga tulak sa likod ko.
"Pshh daya bakit sakin nilagay ni Brice yung mabigat." Pabulong na angal ni Aldo kay Keith.
Keith chuckled then pushed his cart. "Mas love ako ni Brice."
"Oh yeah? Tignan natin mamaya." pagmamaktol na naman ni Aldo.
Ilang sections pa yung nilagpasan namin at napadpad naman kami sa mga spray paint. Huminto kami dito at tinignan ang mga kulay.

BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...