Chapter 19

24 3 0
                                        

Nag tinginan kami pero wala na kaming lakas para mag isip pa. Tumayo na kami at walang malay lumabas sa university. Nakita pa nga naming nakatingin samin ang Alpha e pero pagod na ko. Umuwi na kaming lahat at nag pahinga.

Natapos ang welcome week at wala kaming narinig kundi puro 'ang galing ng Alpha'. Alam ko, alam na alam ko na amin yung mga ideas na yun. Hindi naman namin mabawi dahil na upload na sa school forum yung pagtanggap ng school.

Monday arrived and we're all inside the classroom. I don't even know the reason why we're still attending class. Imagine ha? Papasok mga teacher namin para lang sa greeting and basic lessons.

Tumayo si Brice at naglakad siya papuntang center table.

"I already talked with the staff and they told me they'll handle it." Napatingin kami sakanya

"How?" Blanca asked.

"What do you mean? How did I talk to them or how will they handle this matter?"

Lahat sila napatingin kay Brice. They're all curious kung paano napapayag ni Brice ang staff. Well, hindi naman staff ang kinausap ni Brice.

"How will they handle this matter." Ella answered him expressionless.

"They said they will inform Alpha about this and will post a public apology." After ni Brice sabihin yun. Tumingin siya kay Keith na tahimik na nakikinig sa kanya.

Tumango na lang kami sa sinabi niya. Actually, hindi ako kuntento don pero sabi nga nila maliit daw na bagay yon. Kahit papano gagawan ng paraan ng staff.

Babawian ko na lang sila sa susunod

Kung nasa Alpha lang ako sana ang dami ko ng nakilala para lumawak connection ko. Madami rin akong matututunan para sa business namin. Hindi katulad dito sa Echo na halos hindi na kami pinapapasukan ng mga teacher.

Inintay ko tong taon na to para patunayan ang sarili ko. Pero gaya nga ng sabi ko umpisa pa lang, pinapatalo na ko.

Buti na lang nakita ko kanina si Keith at Brice. If they can't give us the resources we seek and the connections we need. We'll just work by ourselves and obtain it.

I'm waiting for Blanca at the entrance gate this morning. She woke me up at 7:00 am in the morning saying she has news for me. My eyes landed on her car and saw how she ran to me.

"Haaaa.. Haaa Aiby.. Hindi mo ba napapansin mga nakakatitig sayo?" She asked me at inilibot ko ang aking mata

"Ohh lagi naman may nakatingin satin ah?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Hindi naman na bago yan.

"Tch Aiby halatang hindi ka palagamit ng phone!" Yamot akong tinitignan ngayon.

Nagtataka na ko sa inaasal niya kaya tinanong ko na siya.

"Spill the tea Blanca." Hinarap na niya ako at nakita ko na kahit naglalakad kami ang dami paring nakatingin.

Huminto siya sa harap ko at pinakita ang cellphone niya.

"Look! Kumalat sa Twitter at Instagram ang isang unofficial poster galing school apologizing to the public about the theme issues."

Nag tataka naman ako kung anong meron eh napag usapan na yan kahapon.

"And?" yan lang nasagot ko sakanya.

Pinandilatan niya ko ng mata "Gezzz Aiby! Look! Nakalagay ang names sa poster na sinasabi satin talaga ang theme!" at ayan sumigaw na siya.

"And?" tanong ko ulit.

"The students are getting wild because the school posted the poster but it didn't have any logo and signature of the principa!" Sigaw niya ulit.

"...OHHHH" Napanganga ako kasi narealize ko na kung bakit sila nakatingin. Nalimutan kong inexplain sakin ni Brice to.

"Geez Aiby ang slow slow mo nakakainis ka! Kaya tayo pinag titinginan kasi unofficial nirelease ng school kaya ang isip ng lahat...."

"Tayo ang may gawa ng poster!" Parehas na kaming sumigaw.

Napatingin lalo tuloy yung mga tao sa hallway. Naglakad na kami kaya nakaabot na kami kaagad sa room. Natanaw ko na ang pinto namin pero nakita kong nandito si Jessica kasama ang kanyang mga chicks.

Balak ko lamang silang lagpasan ng biglang hawakan ni Jessica ang balikat ko. Nakatalikod na ko sa kanya kaya nakita kong nakatingin samin si Ella at Rave.

Humarap ako sa kanya at nakitang ang sama na ng tingin niya sakin.

"Care to explain about the poster thing?" Tanong niya sakin habang nakapamewang pa.

Tinignan ko lang siya at nag pipigil na kong tumawa.

"Bakit ako? Dami daming tao sa loob ng room tapos ako pipiliin mo." Takang tanong ko sa kanya. Ako lagi pinag  iinitan eh. But, I think it's a good thing. I don't think Jessica can handle the harshness of my friends.

Talk shit in front of them and they'll make you look like shit. 

"I heard you're the leader." Matapang tumingin sa'kin.

"Makikichismis ka na nga lang mali pa." Singit ni Blanca tapos tinabihan niya si Jessica at may tinuro sa loob ng room.

"Ayon ...nakikita mo yung lalake na nakasalamin?... yan ang leader."

Natawa si Jessica kay Blanca kaya nag taas siya ng kilay.

"He's the class rep but he's not the leader...." Jessica smirked.

".... I know your pride won't allow you guys to follow someone lower than you."

Grabe naman umagang umaga sila makaksalubong ko. Naisip kong pabayaan na lang sila at tumalikod na ko para mag lakad papasok.

"Hey! Where are you going? I'm not done with you!" Sigaw niya sakin pero dineretso ko ang lakad ko sa upuan ko.

Nakita kong tumayo si Asra sa upuan niya at sinara ang sliding door. Pag talikod niya nag thumbs up naman sa kanya sila Rave.

Maya maya pa ay pumasok naman sila Ayer at Keith habang si Ayer tumatawa.

"Goodmorning guys! Alam niyo ba kanina HAHAHAHAHA" Tawa na naman ni Ayer.

"What?" Weasked.

"Kanina.. While we're in the parking lot, some Alpha boys are also in there. Titig na titig sila samin kaya nag tanong ako kung bakit..."

"And?"

"Sabi nila umalis daw sila sa room dahil galit na galit daw si Niccolo sa room nila HAHAHAHHA" Tumawa na naman siya.

Sino ba naman hindi maiinis eh pinag bubulungan na sila lahat ng school habang sila naman ang sama ng tingin samin.

"Wait meron pa!" Sumigaw si Ayer kaya naagaw ang atensyon namin. Suminghap naman ang iba dahil putol putol mag kwento si Ayer.

"Napadaan kami sa office at naririnig si Niccolo na pinapadelete yung post ng school."

"T-Tapos sabi pa niya bakit daw hinahayaan ang Echo class na gumawa ng ganon." Hawak hawak na niya yung tiyan niya sa kakatawa.

"Ang sarap pala tirisin niyang Alpha ng hindi nila lamaman eh noh?" Tanong niya samin pero huminto siya saglit.

"Pero sure bang walang gumawa sa inyo non?" Tanong ni Ayer. Ang kulit talaga nito, lagpas langit. 

"Wala, sabi ng school sila gagawa eh." Nag kibit balikat lang si Blanca.

Tumango sa kanya si Ayer. "Ohh galing."

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon