AYER POV
"Lakas ng loob ko magbitaw ng salita sa mommy ni Blanca pero tangina Keith ano ba laban ko sa Lim? Ni hindi ko nga mapatunayan sarili ko sa pamilya ko eh." Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Naiiyak na ko tangina naman.
Hinihintay kong magsalita si Keith pero nakatitig lang 'to sa daan. Ang panget talagang mag drama dito kay Keith, ang tahimik lang.
"You gave up, right?" Isang tanong mula sa kanya na nagpatigil sa pag dradrama ko. Oo nga pala, nung mga panahong nanlalamig sa'kin pamilya ko ay binitawan ko na ang mga responsibilidad ko. Inisip ko na why should I work hard if they won't give the attention and assurance I need diba?
Inis ko siyang tinignan. "Bakit nga ako mag aaral kung sa kapatid ko ibibigay ang mana?! Ayoko agawin sa kapatid ko ang kumpanya Keith, alam mo yan." Bumagsak ang tingin ko sa kandungan ko.
I love Blanca, I want Blanca and I need Blanca. Sakit lang na hindi ko kaya ibigay ang kailangan niya. Si Claud umaattend na ng meeting, si Blanca nabigyan na ng opportunity, bumukas na hotel ni Keith, si Ivo naman napapadalas na ang pagbibigay exposure sa mga tao niya tapos ako wala?
A-Anong gagawin ko? Mag aaral ako? Mag top ba ko sa exam? Mag halo ng inumin? Lasingin mga kasama ko sa trabaho. What the fuck Ayer?
"Be serious, Ayer. There's a lot of us who trust you. Ilan tayong magkaklase?" Tanong sa'kin ni Keith.
Taka ko siyang tinignan. "18, kasama ako."
Huminto ang kotse dahil sa stoplight kaya tumingin siya sa'kin."May 17 na nag titiwala sayo. Hindi ba sapat yun para mag seryoso ka Ayer? Is Blanca not enough for you to stand up once again? Hindi ka pinansin ng magulang mo, binagsak mo na lahat?"
Ang sakit.
Agad kumunot ang noo ko. "Masama bang sukuan yung bagay na hindi para sayo? Is it wrong to give up Keith pag pagod ka na?" Habol ang hininga ko, naiinis ako kahit tama siya.
"Sabi ni Miss Levine hindi para sayo si Blanca. So you'll give up again? You'll stop Ayer?"
Huminto ako nang marinig ang tanong niya. Mabilis akong umiling, pagtanggi sa sinasabi niya. This Keith really knows me!
"H-Hindi, ipaglalaban ko yun Keith. Ipaglalaban ko, s-subukan ko lahat. Hindi pwedeng ganun ganun na lang K-Keith." Nabasag ang boses ko, huli na ng malaman kong napaiyak ako.
Hindi ko bibitawan si Blanca 'no, ano sila sinoswerte?
"You'll fight 'cause you love her. Minahal mo ba responsibilidad mo noon? Wala ka lang magawa kaya mo sinusunod utos nila. Kaya nang hindi ka nila pinansin, sinukuan mo na agad. Do it for yourself Ayer, do it for the people you love and want to protect."
Umiyak na ko kahit ayoko. "Paano? Keith, anong gagawin ko? Tulungan niyo naman ako oh. Hindi ko a-alam gagawin ko eh. S-Sunod ako sainyo nila B-Brice pati kay Aiby. Ano kailangan kong g-gawin?" Hinayaan kong marinig niya mga iyak ko.
Sinabi niya sa'kin ang mga una kong kailangan gawin. I should be confident, find my motivation shits and date my company. Invest time, attention and money. Kahit sumasakit ang tenga ko sa mga naririnig ko pumayag ako.
Binaba niya ako sa tapat ng bahay at nakitang nakabukas ang ilaw sa sala. I went in and saw my sister watching in our T.V. Napalunok ako nang makita ko siya.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na naglakad palapit sa kanya at lumuhod. Lumuhod ako tangina. Kapag lang hindi ka nag aral Ayer papasapak na talaga ako kay Earl.
"K-Kuya, anong ginagawa mo tumayo ka nga!" Gusto ko sana matawa sa mukha niyang natataranta. Hinawakan niya ang braso ko at pilit na itinatayo.
"Nica, pwede bang kunin ko sayo ang kumpanya? Kapag hindi Nica, baka agawin ko 'to kahit alam kong ikakagalit niyo nila dad. Kailangan ko lang talaga Nica eh. Baka paghiwalayin kami ni Blanca ng nanay niya." I begged.

BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...