Chapter 8

21 2 0
                                    

"Now, let's decide who will buy the ingredients, costumes, and decorations." Ang sakit na pakinggan ng mga sinasabi ni Brice.

"ANO BA YAN! ANDAMI NAMAN!" Malakas na angal ni Ely.

"Urgh welcome party ba to? Foundation week na ata eh" Naiinis na tugon ni Rave.

Ramdam na ramdam ko ang inis sa boses ni Rave. Like, who won't be? I expected a welcome event but these tasks welcomed me.

"Oo nga parang foundation week." Inulit ni Earl sinabi ni Rave. He's teasing her again.

"Nooo. Why just can't we ask our maids to buy what we need?" Tanong ni Twilla

May point naman siya kasi for sure maraming tauhan sa bahay mga kaklase ko. Ang yayaman kaya nila. Bakit kami pa yung kailangan mamili?

"Hayss.. Kayo bahala kung gusto niyo yung maids niyo bumili." Bumuntong hininga si Brice.

"Let's all go." Pag singit ni Graig.

Lahat kami napahinto na naman. Dahan dahan kaming lahat napalingon kay Brice. Seryoso niya kaming tinignan at nag taas siya ng isang kilay. Nagtataka siguro siya bakit kami tumahimik lahat.

"Uhm sabi ko nga kami na bibili." Sagot ni Deborah at nag si tanguan kaming mag kaklase.

Brice and his Tagalogs are scary.

"Tss, bakit ba kayo natatakot kay Brice" Earl mumbled under his breath.

Hindi naman sa takot ako pero parang automatic na kaming napapasunod sa kanya. May pagka leader kasi ang aura na meron siya. Hindi rin siya pala sermon at demanding kaya boto ako sa kanya.

"Okay, do you want me to group yourselves?" Tanong samin ni Brice

"Let's divide ourselves in 3 groups. 1 for the food ingredients, 2 for costumes and 3 for decorations and props" Sagot ko.

Tumango naman si Brice at nagsulat na siya ng group.

The ones who will shop our food ingredients are Ayer, Fabian, Ivo, Blanca, Iris and Asra. Oh how I hope someone will stop my girls if they're too excited into something. I trust Asra to handle them pero... isa din yan eh.

For our costumes or should I say attire are Claud, Earl, Graig, Rave and Deborah. These group seems decent though still not sure, Claud and Ely are here.

At sa hindi ko malaman laman na grupo, I'm in decorations and props with Keith, Brice, Aldo, Twilla and Ella. Twilla please save us, ikaw lang ang madaldal samin

I tapped Keith's shoulder. "Psst keith. Mag kasama tayo." Bumulong ako sa kanya. 

He leaned closer. "Hmm?" bulong niya pabalik.

Urghh ang lalim talaga ng boses.

"Mag kasama tayo." Tinuro ko sa kanya yung board. Nilingon niya yun at nakita kong nag smile siya.

He chuckled, amused. "O-kay? Are you excited? makakasama mo ko."

"Ininform lang kita."

He tilt his head. "Ayaw mo ko maiwan?" 

"U-Uh? Yeah?" Hindi ko rin alam bakit ko siya bastang tinawag.

Binalik niya ang tingin niya sa phone niya. "Hindi talaga ako magpapaiwan." He mumbled.

"Okay, that's the end of our meeting. Make sure you remember what we need to do, buy and prepare. You can take a picture of what I've written on the board if it's too many for you to remember." sabi ni Brice at tumabi siya sa gilid para makita ang buong board.

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon