Ang daming hawak ni Twilla na iba't ibang color ng balloon at may chalk rin? Tinignan ko si Brice na nasa likod niya na may hawak na 4 na chalkboard.
"I bought 4 chalkboards for the menu. I bought different colors of chalks for the letterings." Sabi ni Brice habang nilalagay ang gamit sa cart ni Keith.
Mini chalkboards lang naman kaya kaya ni Brice ang lahat. Nakita kong nag pipigil ng tawa si Aldo habang inaayos ni Brice lahat ng gamit.
"May kailangan pa ba?" Tanong ni Keith.
"Hmmm.. " Sinilip ni Brice ang cart ni Aldo kung nasaan mga pinamili namin.
"...I think we're good to go" Sabi niya at tumango na lang kaming lahat.
Naglalakad kami papuntang cashier ng biglang sumigaw ni Twilla.
"Ahh! Do we need to buy appliances like blenders and such?" Tanong niya samin kaya napahinto kami.
Tumingin ako kay Brice kung saan namin kukunin ang appliances.
"Miss Corpuz said the school will lend it to us." Yan lang ang sinagot niya at bumalik na kami sa pag lalakad.
Pumila na kami sa cashier at pinag titinginan kami ng mga tao dito. Hindi ko alam kung dahil ba sa'min o dahil sa sobrang dami naming pinamili
Finally, turn na namin kaya lumapit na kami. Taga abot lang kami habang dumadaan sa scanner yung mga pinamili namin. Nakita kong inabot ni Twilla ang card kay Brice.
Napahinto si Brice sa harap ng screen saka niya inabot ang card. Magkano kaya inabot ng gastos namin. Tinignan ko kung magkano ang nagastos namin at nakitang tama lang to.
Binuhat ng mga boys ang box. Si Twilla at Ella naman ang buhat ng mga nakalagay sa plastic bags. Binuhat ko ang maliliit na plastic bags at ang 4 na chalkboard.
Tahimik kaming nag lakad papunta sa elevator at pumasok. Habang pababa ang elevator may gumalaw sa kamay ko. Tinignan ko siya at nagulat akong magkatabi kami sa dulo ng elevator.
Kinakalikot niya ang kamay ko at kinuha ang plastic bags sa'kin. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na sila Ella.
"Shh." Bulong niya sakin at lumabas na rin sa elevator.
Lutang akong lumabas ng elevator. Pumasok akong may bitbit na plastic at boards at lumabas ako na board lang dala ko. Tinignan ko lang ang mga likod ng kasama ko at tumagal ang tingin ko sa likod ng isang lalake.
Ang smooth non, Keith.
Pinasok na namin sa likod lahat ng gamit at pumasok na rin kami sa kotse. Nakita kong nag phophone sa harap si Ella.
"Nag chat sila sa gc. Natapos na rin sila at papunta ng school." sabi niya at lahat kami ay tumahimik na uli.
Pag kambyo, busina at pag hinga lang ang naririnig namin sa loob ng buong kotse. May mga kanya kanya lang kaming ginagawa. Laking pasasalamat ko ng makitang asa tapat na kami ng university.
Bumaba kami sa parking lot at binitbit namin mga kailangan bitbitin. Well, si Keith ang may dala ng isa kong dala. Tahimik lang kaming umakyat sa floor namin. May nakita rin kaming mga ibang studyante na may bitbit at nag aayos.
Andito na kami malapit sa harap ng extra room na kinuha ni Brice for Echo. Nakita namin na andaming naka uniform ng ESEM. Huh? Bakit andito ang staff ng mall?
Lumapit pa kami ng onti at nakita kong huminto sa harapan si Brice at....
Nabitwan niya ang box na dala niya.

BINABASA MO ANG
Trials End
RomanceI am Takibi Aiby Flammia, daughter of the CEO of Flammia Airlines. I want to continue the legacy of my father and grandfathers. I want to be an airplane that can carry the people I love with their baggage of expectations. I should study hard and ear...