Chapter 16

19 3 0
                                        

Pinagsama sama ko yung mga drinks na inilabas nila. I also saw some of the veggies at itinabi ito sa box. Nakita kong onti onti na natayo ng boys ang tent at pawis na pawis na sila.

"Hoy Keith! Gumising ka na utang na loob pukpukin mo to para tumayo!" Sigaw ni Ayer habang hawak ang isang dulo ng tent. 

Pero lalong nainis sila Ayer kasi hindi gumigising si Keith. Sinenyasan ako ni Ayer kung pwede ko kalabitin si Keith. Nilapitan ko si Keith at dahan dahan tinanggal ang hood niya.

"Keith wake up.. Keith..." ayaw niya gumising kahit yinuyugyog ko siya ng mahina.

Wala na kong choice.

"Sullivan Keith Alinston!" Sinigawan ko na siya.

Nakita kong gumalaw siya at inangat niya ang kanyang ulo at tinignan lang ako.

"Morning Aiby." It's his morning voice that greeted me.

I nodded and he stood up holding the hammer. Lumapit na siya kila Ayer para tulungan sila. Umupo siya para pukpokin mga binabaon nila Ayer.

"Wait hindi ko mabaon to!" Sigaw ni Claud. Hawak ang pako na nilalagay sa lupa.

Tinawanan naman siya ni Earl. "kawawa hindi marunong." pang aasar sa kanya.

"Kapal mo marunong ako! Ang dami ko na nga nabaon eh!" Sinagot siya ni Claud

Nag tawanan yung boys dahil sa sinasabi ni Claud. Lumapit si Keith kay Claud kaya umalis siya sa pwesto niya.

Diniin ni Keith ang pako sa lupa tapos nung bumaon saka niya minartilyo para lumalim. Tumayo siya at tumingin kay Claud.

"Ganyan mag baon." Sabi ni Keith at nag tawanan na naman mga boys.

Natayo na yung tent at nalipat na namin lahat yung mga foods. Nabuhat na rin nila Aldo yung mg appliances. Nagpatulong ata sila sa ibang staff para mas mabilis.

We're wearing red sleeveless crop tops with gold and orange embroidery. We're also wearing red slacks that also have the embroidery pattern our tops have. The boys are wearing white long sleeves and red and white striped vests. We're all wearing red scarves around our body.

Lahat kami ngayon nasa tent tapos si Ivo and Iris pumunta na sa entrance ng school. Nag open na sa public ang gates kaya dumami na rin ang tao. Kaya nag simula na silang mag prepare ng foods.

Kami ni Keith ngayon ang tumutulong sa labas habang si Brice naman ay tinutulungan si Twilla. Si Asra ang nasa cashier at yung ibang naman kasama namin dito habang yung natira ay nasa loob nagluluto.

Ngayon ko lang nakitang hindi naka hoodie si Keith tapos ang weird naman ng outfit ngayon. Nakita ko nga kanina reklamo ni Claud dahil muka daw siyang matanda pero si Ayer tuwang tuwa muka daw siyang may ari ng hacienda.

Andami ng bumibili kaya naka focus na ko sa pag welcome ng mga bibili. Panay ang dala nila Iris ng customer. Napuno na ang upuan namin dahil maraming tumambay samin dahil sa init ng panahon.

Nakita kong may mga gusto pang pumasok kaya nag kusa na kong pumunta sa likod ng tent para kumuha ng chairs. Kinuha ko yung mga chairs at dinala sa labas. Pumasok uli ako para kunin naman ang table.

"Ako na." Nakita kong hinawakan na ni Aldo ang table.

"Hindi okay lang." tinanggihan ko siya. Nakakahiya eh.

"No, I'll carry this. Nabuhat mo na yung mga chair. Don't get me wrong. I'm not helping you, hinati ko lang yung mga kailangan mong buhatin." Aldo smiled at me at inangat ang table.

Lumabas na siya at bumuhat na lang ako ng ibang chairs kasi baka kailanganin pa. Pag kalapag ko ng chairs napatingin ako sa kanya na palapit na sa customer.

"Thank you." I mouthed and he nodded.

Sumulpot sa tabi ko si Keith habang hawak yung ibang orders.

"Call me next time, I can also help you." Bulong niya at nilagpasan na ko.

Ganyan lang ginawa namin buong araw at nung tanghali nasa loob naman kami. Kami ni Keith ang nag shashake. Ako naglalagay ng shake sa disposable cups tapos siya naghuhugas ng blenders.

Hindi naman mawawala yung biglang pagpunta ni Twilla samin para mag tanong kung anong english ng mga sinasabi sa kanya ng customers.

"Maygoshh they're nakakastress than selling." Ayan na naman si Twilla.

"Just listen to them and repeat what they exactly said." Payo ko sa kanya at lumabas na siya.

Tinignan ko sila Ayer na nagbabalat ng hotdogs. Si Ely at Deborah naman ang parehas nag priprito kaya pawis na pawis na sila. Buti na lang talaga naka crop top kami.

Natapos na ang pag titinda namin at nagpapahinga na kami ngayon sa room. Nakapag bihis na rin kami. Nag papa aircon kami ngayon sa room habang si Asra at Twilla naman ay nagbibilang ng pera. Si Brice nag luluto ng kakainin namin sa kabilang room.

Pumasok si Brice sa loob ng room habang nasa likod niya sila Graig na bitbit ang pagkain. Pag kalapag ng pagkain sa table lahat kami ay nag laway na naman sa na amoy namin.

Brice really has a talent for cooking.

Habang kumakain kami nag salita si Brice at nakinig kami.

"Tomorrow, do you have any suggestions on how we will make our booth popular?" Tanong niya kaya napahinto kami.

"Kami Brice sasayaw kami ng jumbo hotdog! Dedicated para sa'yo." nag taas ng kamay si Claud.

"Ay bet galingan niyo gumiling please." Aabi ni Blanca Kaya nag tatawanan kami.

"Brice bakit hindi natin ituloy yung pagiging carnival booth?" Tanong ni Ely.

"What do you mean?" Brice asked.

"Yung pag papagames tayo ganun?" Singit ni Deborah

Asra stood up. "Ahh! Alam ko na! Our boys is known for their faces. Why not use it?" Tiuro niya ang boys na takang nakatingin sa kanya.

"Hoy! Anong boys eh ayan oh si Rave tapos si Aiby tapos ikaw tapos si Blanca tapos si Iris tapos si Ella tapos si Ely tapos si Deborah Tapos si Twilla." Sigaw pabalik sa kanya ni Claud, hinihingal pa.

"Ano tapos ka na Ikaw kaya tapusin ko?"

"Luh anong connect non?" 

"Wala, favorite word mo." Asra rolled her eyes. Kaya natawa kaming lahat.

"Ay ganto na lang guys!" Sumingit samin si Deborah

Tumayo siya. "Diba may balloons na binili? Ilagay natin yung names sa harapan ng balloons tapos paputukin nila yung balloon kung sino gusto nila kasama sa picture."

"Ooo! Idikit sa wall yung balloon tapos bili tayo ng darts para ayun yung ipang babato nila." Singit ni Blanca

Nakita kong trinatransalate ni Brice lahat ng sinasbai namin kay Twilla. Tumatango tango naman si Twilla sa sinabi niya.

"..but not everyone is allowed for the games. They need to buy food worth 100 for 1 dart." Nagulat kami sa sinabi ni Twilla at napatingin kaming lahat.

"Yeah , it's a nice idea." Sabi sa kanya ni Brice.

"Ano gagawin natin sa mga extra chalk natin?" Blanca asked.

"Let's make a free wall where they can write everything and anything." Sumingit ako sa usapan.

Brice stood up at pumunta sa center."Let's conclude the meeting. Ayer and the boys will dance their Jumbo corndog dance, Our customers will be given a chance to throw 1 dart if they purchased worth 100 pesos and We will have a free wall."

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon