Chapter 86

20 3 0
                                        

Few minutes, we arrived at Blanca's house or should I say mansion. Ayer removed his seatbelt at lumabas ito para pagbuksan ako ng pinto.

Nadatnan namin sa kwarto si Blanca habang sinasapo ang kanyang ulo habang nakatingin sa papel. Agad naman niya kaming nakita at tinago ang iilang papel.

"Aiby!" Tawag ni Blanca at tumakbo papunta sa'kin.

Ayer opened his arms widely at handang sasalubungin si Blanca sa harapan ko. Nilagpasan lamang siya nito at sa'kin yumakap.

"Long time no see ah? How are you?" I chuckled and patted her back.

Humiwalay naman siya sa yakap at ngumuso. "I don't have time to review. Kaya yinaya kita ngayon pero 2 hours lang ha? Dumating na kasi invitations ng show." Wow, ang bilis naman!

"Saan? Pwede bang makita?" Tanong ko at sinilip ang table niya.

Pinalapit kami ni Blanca sa lamesa at inabot niya samin ang invitation ng fashion show niya. It's color black and metallic gold. Malaking Cardioid ang nakalagay sa itaas at ang logo. Nakalagay rin ang pangalan ni Blanca at ang collaboration nila sa Anaudia. The fashion show will be held on February 26, 2022.

"Ganda ahh. Ikaw ba gumawa nito?" Tanong ni Ayer habang hawak ang invitation card.

"Hindi, pinadesign ko pa yan." Sagot sa kanya ni Blanca habang seryosong tinitignan ang card.

The left corner of Ayer's lips rose. "Halata naman na hindi ikaw ang gumawa." Tumawa ito ng marahan kaya agad siyang hinampas ng karton ni Blanca.

"So ayun Aiby, mag review muna tayo tapos tulungan mo ko sa invitation." Blaca pulled me to sit on her study.

She pulled another chair in front of Ayer."Sit Ayer. Alam kong hindi ka na rin nakakapag review kakasama sa'kin."

I saw Ayer looked away at nahihiyang umupo. Pag upo niya ay agad niyang tinakpan ang bibig niyang nagpipigil ng ngiti. Napailing na lang ako sa nakita ko.

Nilabas ko ang notebooks ko at mga printed lectures. Hindi naman gaano kahirap turuan si Blanca, tamad lang talaga mag initiate. Si Ayer naman ay panay ang kamot ng ulo at tahimik lang nakatingin. I don't know if he's really taking this seriously.

"Break break break! Isang oras pa lang pero tinatawag na ko kaagad ng phone ko." Pagod na sumunadal si Blanca sa upuan niya at titig sa phone niyang nakapatong sa lamesa.

Kinuha ni Ayer ang phone ni Blanca at tinapat sa mukha nito. "Hawakan mo ko~ andito ako~ Pansinin mo ko~" Pang aasar niya.

Blanca rolled her eyes. "Yung phone ang papansinin ko o ikaw?"

"Both." Ayer smiled widely.

Ayer glanced at me then whispered to Blanca. "'Wag muna tayo maglandian baka mainggit si Aiby at papuntahin si Keith." Bulong niya pero halata namang sinasadya niya talaga iparinig sakin.

"Blanca alam mo ba sabi kanina ni Ayer nagmamadali daw siya mag drive kasi miss ka na niya. Sabi ko bagalan lang niya mag drive pero ang bilis talaga, natatakot ako." Sumbong ko kay Blanca na may halong paawa.

Umawang naman ang bibig ni Blanca at tinignan si Ayer.

"H-Hoy hindi ah! Imbento ka Aiby! Nako Blanca wag kang naniniwala diyan ah." Hinawakan ni Ayer ang braso ni Blanca.

"Close your mouth, baka iba ang pumasok dyan." Tinaas ni Ayer ang baba ni Blanca para isara ang bunganga nito.

Blanca rolled her eyes. "Ano na naman ang papasok? Dila ha?"

Trials EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon