𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘚𝘛𝘈𝘙𝘛"[Read Carefully. . . This story isn't suitable for readers who's age is below 18 but you can read it anyways if you insist--Read at your own risk]
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Song, Places, Events and incedents are either pruduct of author's imaganation or use in fictitious manner any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincedental.
"Callista! Come out!" Rinig kung sigaw mula sa labas nang aking kwarto, Kaya agad akong lumabas. Btw I'm Callista Dayton nag mula ako sa mayamang pamilya ng mga dayton na sa 'kin na ang lahat kaya wala na akong inaalala pa pero magbabago na 'yun simula sa araw na ito..."Yes?" Sambit ko habang nakatingin kay mommy at daddy na nakatingin din sa'kin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni mommy bago magsalita.
"your dad and I decided to send you to the hell stone academy so that you can be good in your education." Napatayo ako ng marinig ko 'yon kay mommy.
"Hell what? Ayuko ni hindi ko nga kilala ang paaralang 'yun tapos do'n niyo ko pagaaralin!" sigaw ko sa kanila,
"Buo na ang desisyon namin magaaral ka do'n sa ayaw at gusto mo." Agad akong tumakbo papuntang kwarto at inilock ang pinto dahil sa sama ng loob sa aking mga magulang dahil sa naging desisyon nila. Hindi ako makapaniwala.
...
Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda hindi ko nabago ang isip nila mommy mas lalo pa nila itong pinanghawakan. Habang nagmamaneho si mommy 'di ko maiwasang kabahan dahil kanina pa gubat at masusukal na daan ang nadadaanan namin.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" I asked her. Pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagmamaneho, maya-maya pa ay mayro'ng isang malaking gate na may nakalagay na WELCOME TO HELL STONE ACADEMY.
May bantay itong mga lalaki na may mga baril at napansin ko ding sobrang taas ng mga bakod dito kaya walang makalalabas at makapapasok dito gamit 'yon.
"Wtf? Is this place!" Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang buong paligid lahat ng istudyante dito ay halos 'di naguusap-usap at abala sa kani-kanilang ginagawa.
Dumiretso kami sa office kung saan mayro'n isang matandang babae na nakangisi habang nakatingin sa 'kin. Creepy!
"Kanina pa kita hinihintay mrs.dayton,"Sabi ng matanda. "Please have a seat." Dagdag pa nito kaya agad kaming umupo.
"what does it take for my child to get in here?" Tanong ni mommy na ikinahalakhak ng matanda.
Humarap ito samin habang nakataas ang dalawang kilay."It's all free! You just need to sign the contract and follow our golden rules here." agad nitong inilabas ang isang papel at ballpen.
"It's not good idea mom." Apila ko.
"Be a good girl callista." Sabi naman nito bago permahan ang kontrata, nagulat ang ng bigalang pumalakpak ang matanda ng matapos na pirmahan ni mommy ang papel.
"Kailangan niyo'ng sundin ang nasa kontrata hindi niyo pwedeng dalawin ang anak niyo hanggat hindi natatapos ang taong nakasaad sa papel para din ito sa anak niyo. Walang nakakaalam kung saan matatagpuan ang paaralang ito, and in other words it will remain a secret between the two of us." Ito ang huli niyang sinabi bago ako palabasin ng kwarto.
"I can't believe this!" Naagaw ang atensyon ko sa rinig kong mga sigawan sa kabilang silid.
"How dare you to stole my boyfriend kaela!" Sigaw ng babae na ngayon ay may hawak na gunting at nakatutok sa isa pang babae.
"Gab, Please it's not true," pagmamakaawa ng babae na lumuhod pa sa harap ng babae.
"Tinuring kitang parang tunay na kapatid tapos ito pa ang igaganti mo sa'kin?" Sigaw niyang muli. Isa pa sa pinagtatakahan ko nag aaway na ang dalawa pero parang walang nakikita ang iba.
"Kaela...!" Nanlaki ang mata ko ng itusok ng babaeng may hawak na gunting ang patalim nito sa kaibigan niya kaya nagmistulang gripo ng dugo ang leeg nito kaya napatakip ako sa bibig at 'di parin makapaniwala sa nakita.
"why don't you stop them!" Sigaw ko nagulat ako ng may babaeng humawak sa balikat ko at agad siyang umiling sa 'kin na parang pinipigilan akong mag react sa nangyayari.
"Hi my name is Naia scriven bago ka lang diba?" Pagpapakilala nito sa'kin.
"A-ah hi my name is callista dayton." Kinakabahan kung sabi habang 'di ko inaalis ang tingin sa babaeng nakahandusay at dilat ang mata.
" 'yan ba? Wala namang bago halos araw-araw may nangyayari ganyan dito." Kalmadong sambit nito.
Ano ba talaga 'tong pinasok ko?!
"What? Let's call the police."Nag aalala kong sabi bago ilabas ang cell phone pero walang signal dito. F*ck it!
"Yeah, call the police then mamatay ka... hahaha,"
"A-ano?" Nangangatog ang mga kamay ko pati mga tuhod 'di ko alam kung anong gagawin ko. I want to go home. Pumunta ako sa office ng head mistress pero laking pagtataka ko ng wala na si mommy.
"Where's my mom? U-uwi na kami." Sigaw ko pero humalakhak lang ito.
"Your mom didn't inform you na umalis na siya kanina pa? Sorry sweetie sa 'kin ka na ipinagkatiwala ng mama mo." Napanganga nalang ako sa sinabi niya at napaupo sa sofa.
"You mean--" Napatingin kami sa isang matandang lalaki ang pumasok sa loob ng silid at may hila-hilang malaking maleta.
"Pag napermahan na ang kontrata hindi na pwedeng bawiin ang kasunduan, Here!" Sabi niya sabay bigay sa'kin ng susi na may number # 17 na nakalagay.
"Anong gagawin ko d'yan? Gusto ko ng umuwi!" Sigaw ko sabay hampas sa desk ng head mistress.
"Woah, Ms. Dayton calm down." Halos sumabog ang dib-dib ko sa galit bago lumabas ng silid na 'yun, baliw na siya.
Umupo ako sa upuan sa ilalim ng puno at inanamnam ang simoy ng hangin sa paligid at pinagmamasdan ang buong paligid at mga istudyanting nakatingin sa 'kin ng masama.
"What the hell is their problem?" Bulong ko sa sarili sabay erap sa ere.
"Hi, number seventeen!" Nagulat ako sa isang boses na nanggaling sa likuran ko at pagharap ko isang lalaking nakasalamin ang nakita ko may katangkaran at maputi may hawak itong mga libro at nakangiti sa 'kin.
"H-hi?"
"Ikaw pala 'yong bago welcome sa 'yo callista dayton." Nakangiti pa'rin ito sa 'kin habang nagsusulat sa libro na hawak niya bago umalis ang bigat ng awra niya pero mukha naman siyang mabait, wierd.
Pinuntahan ko ang isang kwarto na may nakasulat na 23, 17 at 5 sa pintuan kaya ginamit ko ang susi para buksan ang pinto.
"Hello callista nice to meet you again," isang pamilyar na boses ang narinig ko at siya nga 'yung babae kanina do'n malapit sa office.
Umupo ako habang pinagkokonekta ang lahat nang pangyayari.
"How did he knows my name?" Tanong ko.
"Siya ba? Hindi na naka pagtataka 'yon si Tyler Hawkins ang presidente ng buong school kaya alam niya ang lahat. Kahit nga age, hight at iba pa." Singit nito.
"Tyler Hawkins."
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...