EPILOGUE

264 12 2
                                    

CALLISTA p.o.v
Ps: LAST TIME

Hindi ako makapaniwalang mag-kapatid sila clayton at mr fernando at siya din pala ang tinutukoy ni mr fernando na kapatid na biglang lumayo sakanya.

Kasalukuyan parin akong nagpupumiglas sa pagkakahawak ni mr fernando sa 'kin. Nakakatakot at nakakalungkot ang mga kaganapan dati sa loob mismo ng paaralang 'yon.

Nanlaki ang mata ko ng itutok ni tyler ang hawak niyang baril sa ulo ni clayton.

"Kaya pala halos nalalaman ni mr fernando lahat ng kilos natin kasi may mata at tenga siya sa loob ng bahay. Tama ba ako clayton?" Sabi ni tyler habang nakatingin kay clayton.

Bakas din ang gulat sa mga mukha nila gabby, jasper, naia at ni archimon dahil sa pangyayari.

"Hoy, tyler dahan-dahan ka lang sa pagbibintang kaibigan natin siya." Saway ni archimon.

"Hindi natin sigurado kung kaibigan din ba ang tingin niya saating lahat."

"Tyler, masyado kang paranoid para isiping ako ang mata at tenga ni kuya sa grupo natin." Sabi ni clayton sabay tutok din ng hawak niyang baril sa ulo ni tyler.

Hindi ba talaga sila titigil? Si mr fernando ang tunay na kalaban pero mukhang silang dalawa ang maga-away.

"Tumigil nakayong dalawa! Pag hindi pa kayo tumigil babarilin ko kayong dalawa para wala kayong pagawayan!" Sigaw ni gabby na ikinatigil ng dalawa.

Mabuti nalang talaga na andito si gabby siya lang kasi ang nakakapagpatigil sa dalawang yan.

"Pasalamat ka si mr fernando ang kalaban natin ngayon." Ngising sabi ni tyler bago ulit bumaling ng tingin sa 'kin.

He looked at me with a smile sabay tutok kay mr fernando ng hawakniyamg baril. That smile is enough to tell me the word, "please trust me" ngumiti ako tsaka pumikit.

"Hey! What are you planning to do?" Gulat na sabi ni kuya jasper.

"Nasisiraan ka na ba? Hawak niya si callista."

"Tiwala ako sayo, Tyler..." Bulong ko sa sarili.

Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang isang malakas at nakakabinging putok ng baril at kasabay no'n ang pagkakabitaw sa 'kin ni mr fernando.

Tumakbo agad ako papunta kanila at agad naniyakap silang lahat habang umuiiyak. Parang ang tagal kung nawala sakanila.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni mr fernando bago ako barilin pero imbis na ako ang matamaan, nagulat nalang ako ng higitin ako ni clayton kaya siya ang natamaan sa braso.

Agad na umagos ang dugo mula dito na agad kung tinakpan para tumigil ang pagdurugo. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil namumutla na din si clayton.

"O-okay lang ako..." Sabi ni clayton habang pilit na ngumingiti. Hinawakan niya ang pisngi ko sabay punas ng mga luhang tumutulo mula rito.

Sinundan naman nila tyler si mr fernando papunta sa rooftop ng orphanage.

Pinunit ko naman ang laylayan ng suot kong gown at ipinulupot sa braso ni clayton.

"Wa-wag kang masyadong gumalaw b-baka maslalong lumala." Saway ko sakanya ng aktong tatayo siya.

"Okay nga lang ako galos lang to ano ka ba. Hahahaha" Ngumiti siya tsaka tumayo. "Papabayaan kong maging kayo ni tyler sa buhay na to...pero sa susunod na buhay hindi na ako papayag na mapunta ka sa iba." Sabi niya.

Ngumiti ako tsaka siya inalalayan, "Mag-hihintay ako, at salamat sa pagmamahal clayton."

"Well deserved, callista."

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon