𝗖𝗹𝗮𝘆𝘁𝗼𝗻 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘉𝘌𝘛𝘙𝘈𝘠𝘈𝘓"[Read Carefully. . . This story isn't suitable for readers who's age is below 18 but you can read it anyways if you insist--Read at your own risk]
Kanina pa pabalik-balik si callista at hindi mapakali sa kinalalagyang lugar nito. Kaya hindi ko maiwasang tingnan siya dahil sa sobrang pag-aalala nito kay tyler na ni minsan ay hindi ko man lang nakita sa kanyang mga mata.
"Can you please, calm down!" Dahil sa sinabi ko napatingin sa'kin si callista pati na din ang ibang mga kasama namin sa kwarto. Tumingin ito sa orasan na nasa dingding at mas dumagdag pa ang naramdaman niyang kaba.
"How? Sabi sa'kin ni tyler pag wala pa siya dito ng isang oras ibig sabihin nahuli na sila ni archimon, Lumampas na ang isang oras pero wala parin sila." Saad nito. Ay napayakap kay naia na halata din sa itsurang nag aalala sa kalagayan ni archimon.
"At ibig sabihin no'n may trahidor sa kwartong 'to." Asik na saad ni naia sabay dapo ng tingin sa'ming lahat, Pati ako ay nagulat din sa sinabi niya. Pwede kayang may trahidor sa'min sa loob ng kwartong 'to ngayon? Tumingin ako kay genesis at gabby na parehas nagulat.
"Impossible! Hindi mag papahuli ng gano'n lang si tyler kilala niyo naman siya." Saad ni gabby.
"Wala ba kayong tiwala sakanya?" Saad din ni genesis.
Tama sila malakas at matalino si tyler at archimon hindi sila magpapatalo at mag papahuli ng gano'n lang sa mga kamay nila head mistress. Pero may posibilidad kayang isa sakanila ang nag sabi ng plano kala head mistress? Pero ang tanong bakit?
Now we all need is to trust tyler na makakaligtas silang dalawa ni archimon. I don't want to see callista na iiyak dahil lang sakanya.
"Kailangan nating mag hintay at gawin ang iniwan niya utos kumilos na tayo ngayon at hanapin ang taong 'yun." Pagkasabi ko no'n agad na akong tumayo sa pagkaka upo at lumabas ng kwarto kasama si genesis at gabby. Iniwan lang muna namin sila callista.
Nagtungo kami sa mga building at mga liblib na lugar kagaya ng gubat na nasa likod mismo ng mga building.
"Wala man lang tayong kahit anong clue para mahanap ang taong hinahanap natin," Pailing-iling na saad ni gabby habang pinagmamasdan ang mga litrato ng mga biktuma.
Pare-parehas nang ikinamatay at kung papaano pinatay kaya isang daang pursyento na isang tao lang ang may kagagawan ng lahat ng ito.
"Kaya nga kailangan nating mag imbistiga!"
"Teka." Saad ni genesis na nakapagpatigil samin ni gabby sa paglalakad.
"bakit?" Tanong ko.
"Sa tingin ko may taong nasa loob ng ng gubat." Saad niya.
Panandalian kung pinakinggan ang tunog mula sa loob ng gubat ng may maeinig akong hiyaw mula sa loob ng gubat kaya agaran kaming tumakbong tatlo papasok dito. Hindi ko alam kung anong naghihitay para samin sa lugar na 'yun pero ang alam ko lang kailangan ko nang mahuli ang tarantadong gumagawa nito!
"Hindi na natin hahayaang makatakas siya."Bulong ko sa kanilang dalawa bago ilabas ang baril ko.
Dinala kami ng boses sa gitna ng gubat pero bakit gano'n wala akong makitang tao o bangkay man lang. Wag mong sabihin natakasan na naman kami!
Napatingin ako sa inaapakan ko ng may marinig akong tunog ng kahoy mula sa kinatatayuan ko kaya agad akong yumuko at inalis ang mga tuyot na dahon na nakatakip dito.
Lumapit sa'kin sila gabby at napatingin kami sa bawat isa ng makita ang kahoy na daan mukhang may matutuklasan na kami.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...