𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘓𝘖𝘚𝘛"Pagkahatid sa 'kin ni tyler sa bahay agad na din siyang nagpaalam para puntahan sila naia at archimon may pag uusapan ata sila mukhang importante kasi masyadong nagmamadali si tyler sa pag-alis.
Napatingin ako sa may mail box ko ng may makita akong sulat na nakaawang sa mail box.
"Ha?" Takang sabi ko dahil tuwing lunes o linggo lang sila nagpapadala ng sulat sa mga mail box dito sa subdivision namin. Natigilan ako ng may maalalang ganito ding pangyayari.
'Yong araw na nakalaya si mr. Fernando may ipinadala din siyang sulat sa 'kin. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si manang na nag-hahanda ng tasa habang inaayos ang mga gamit ko.
I smiled.
"Oh, Callista naghanda ako ng tea para sa 'yo. Alam kong pagod ka kaya inihanda ko talaga 'to para sa 'yo," Lumapit ako kay manang habang hindi parin nawawala ang ngiti sa aking mga labi at agad ko siyang niyakap.
"Thank you." Sabi ko habang nas hinihigpitan pa ang pagyakap sakanya niyakap din niya ako pabalik tsaka niya kinuha ang bag ko.
"Mag tea kana at maglinis ng katawan bago ka matulog." Pautos niyang sabi sa 'kin na agad kong tinanguhan.
Agad akong umupo sabay bumuntong hininga, Hindi ko alam ang gagawin pag mawala siya sa buhay ko, manang is my second mother sobrang mahalaga at importante siya sa 'kin.
Pagkatapos kung inumin ang isang tasang tea na inihanda ni manang kanina at agad ding akong nagtungo sa banyo para maligo.
Habang naliligo bigla kong naalala si mama ng makita ang angels trumpet na tatoo ko sa may braso sa likuran. Naalala ko din ang eksena kanina sa pagitan ni tyler at ng mga magulang niya, He loves his parents so much pero hindi rin maalis sakay tyler ang galit dahil sa pag iwan ng mga ito sakanya.
Kagaya dati sa hell stone academy, sobramg mahal ko si mommy pero hindi ko siya magawang patawarin dahil marami siyang buhay na sinira dahil sa ambisyon nilang dalawa ni head mistress.
Sana magawa na nilang patawarin ang isat-isa bago pa mahuli ang lahat para sakanila.
Pagkatapos maligo at habang nagbabatuyo ng bahok naagaw ulit ang pansin ko sa sulat na kaninang nakuha ko sa mail box.
"Oo nga pala." Agad akong lumapit sa mesa ko tsaka umupo at buksan ang sulat nagulat ako ng may isang picture lang ang nasa sulat at ang mga magulang 'yon ni tyler, may sulat din ito sa likod na nakasulat ang mga katagang.
"SPECIAL ONE WILL BE LOST." Parang pababanta o warning sign ito? mukhang galing din ang sulat na ito ni mr. Fernando pero papaano niya nalaman ang tungkol sa mga magulang ni tyler? kailangan ko silang balaan para mabantayan namin ang mga magulang ni tyler.
Pagkagising ko nagasikaso na agad ako para pumunta sa bahay nila tyler at ng masabihan ko sila.
"Bakit nagmamadali ka linggo naman ngayon ah?" Tanong ni manang na ikinadapo ka sakanya ng tingin. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naghahanda ng almusal ko.
"Pupuntahan ko lang si tyler manang, Ikaw na ang bahala dito sa bahay." Sabi ko sabay kuha ng bag ko sa sofa at isinukbit it sa balikat ko.
"Magi-ingat ka! Dalhin mo din itong jacket mo malamig baka magkasakit ka." Kinuha nito ang jacket ko na nakasabit at agad na iniabot sa 'kin. Ngumiti ako tsaka suya niyakap.
"Thank you manang." Sabi ko bago sumakay sa loob ng kotse.
Agad akong dumiretso sa bahay nila tyler at agad na bumungad sa 'kin ang mga magulang ni tyler na nasa bakuran ng bahay nila nagdidilig at nagdadamo.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...