𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘈𝘕𝘎𝘌𝘓𝘚 𝘛𝘙𝘜𝘔𝘗𝘌𝘛"Pagdating namin sa kwarto niya agad na binuksan ni Tyler ang pinto tsaka pumasok sa loob sumunod naman ako. Pagkapasok ko pinagmasdan ko ang kabuohan ng kwarto at humanga ako ng makitang wala ni isang alikabok maayos at maganda ang pagkakaayos ng lahat.
"Wow." Manghang saad ko habang iniikot ang aking paningin sa buong paligid pero natigilan ako ng makita si tyler na nakahiga na sa kama. " Saan ako matutulog?" Tanong ko.
"Dito sa tabi ko." Saad niya sabay usog para bigyan ako ng ispasyo sa tabi niya. Lumapit ako at hinila ang kumot niya at kumuha ng isang unan sabay lakad papuntang sofa at do'n nahiga.
"Tigilan mo ko." Asik kung sambit sabay pikit ng mga mata ko nagulat ako ng may ingay akong marinig mula sa higaan ni tyler kaya agad akong bumangon at tiningnan siya.
"Wag mo kung iwan please, h-hindi ko kakayanin mahal kita pakiusap wag mo to'ng gawin sakin." He whispered. habang tumutulo ang mga luha pailing-iling ito at parang nanaginip ng masama kaya niyugyog ko siya pero wala parin itong epekto kaya iniyukom ko ang aking mga kamao at buong lakas siyang sinuntok sa dib-dib na nakapagpabalahaw sakanya.
"Sinusubukan mo ba akong patayin?" Sigaw niya na ikina erap ko.buti nga niligtas ko pa siya tas napag bintangan pa ako na gusto siyang patayin.
"I tried to save your life." Maikli kung saad sabay balik sa sofa at muling humiga.
"Tsk." Pareho kaming bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan paggising ko agad akong tumayo pagtingin ko sa kama ay wala na si tyler at nagiwan ng isang sulat.
"Good morning." 'yun lang ang laman ng sulat nakakadismaya na nanggaling pa ito sa pinuno ng paaralang to. 'di ba niya alam ang salitang effort? Bumangon na ako at nagayos ng sarili at agad na bumalik sa kwarto namin nila archimon.
Pagdating ko doon agad akong sinalubong ni naia na halatang nagaalala mabilis siyang lumapit sa'kin at kinamusta ako.
"Bat hindi ka umuwi kagabi? Nagalala kami ni archimon sa'yo." Sambit niya na bakas ng pagaalala sa mukha niya.
"O-okay lang ako salamat," umupo ako sa upuan at nagtimpla ng kape bago pumuntang banyo at maligo pagkatapos nun agad na akong pumasok sa klase namin at nagulat ako ng si ma'am kate na ulit ang nagtuturo samin napataas ang kilay nito'ng makita niya ako sa pinto ng classroom.
"You're late." Maarteng saad nito na ikinayuko ko pumasok ako sa loob ng classroom at umupo sa upuan ko.
"Simula sa araw na to ako na ulit ang magtuturo sainyo dahil sa 'di inaasahang pangyayari nakita namin siya'ng patay na sa unit niya." Panimula ni ma'am kate habang nakatingin sa'kin. Sigadong alam na nila ni head mistress ang nangyari kagabi na si Tyler ang may gawa nun I'm so nervous kaya napaiwas ako ng tingin.
Lumipas ang isang oras at natapos na ang klase lumapit ako kay ma'am kate ng tawagin niya kami ni gabby.
"I want you two na pumunta sa ssg office at kunin 'yung dalawang karton na nakalagay sa lapag at dalhin 'yun sa office ni head mistress." Utos nito sa'min kaya agad kaming nagtungo doon para sundin ang pinapagawa niya. Pero bakit si gabby pa ang kasama ko!
"Napagisipan mo na ba ang sinabi ko sayo nung nakaraang gabi?" Tanong sakin ni gabby kaya napatingin ako sakanya sabay taas ng dalawa kung kilay.
"No, thank you." Saad ko sabay una sakanya. Pagpasok namin sa loob ng ssg office nakita ko si president Hawkins na nakatitig sa'kin at si archimon agad akong dumiretso sa table ni ma'am kate at dinampot ang isang box na nasa lapag at iniwan ang isa para kay gabby na ngayo'y papasok palang ng office.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...