TWENTY-NINE

178 12 2
                                    

𝗖𝗹𝗮𝘆𝘁𝗼𝗻 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘈𝘵𝘵𝘦m𝘱𝘵"

Ilang linggo na din ang nakalipas simula ng mag umpisa ang klase namin sa normal na paaralan at normal ding buhay.

Nakaupo ako ngayon sa may bintana tinitingnan ang mga tao sa labas nang maalala na ngayon pala ang labas ng una namin exam kaya excited ang lahat.

"Ano kayang rank ang nakuha nila callista?" Pabulong kung tanong sa sarili. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya na nakapatong sa sofa bago tumungo sa banyo.

Maliligo na ako para makapasok na sa school. Habang naliligo naisip ko si callista at hindi ko maiwasang mapailing.

Kala ko kasi okay na ako, Okay na 'yong nararamdaman ko na hanggang mag kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa 'kin.

Pero bakit pag nakikita ko siyang masaya sa piling ni tyler ay hindi ko maiwasang mainis o 'di kaya ay magalit. Magalit sa sarili ko. Dahil alam kung may iba na siyang mahal pero parang umaasa parin ako.

"Baliw na talaga ako..!" Pagkatapos maligo agad na akong nagpalit ng damit at isinukbit ang bag sa braso ko.

Pagkarating ko sa school agad kung tinungo ang classroom nila callista at tyler oara sana sabay-sabay kaming tumingin sa bored mamaya.

"Clayton..!" Tawag ni callista sakin ng makita niya ako sa harap ng classroom nila.

"Oyy, Kamusta ka?" Tanong ko na bahagya niyang ikinangiti.

"Ano ka ba kakakila lang natinsa isat-isa kahapon miss miss mo na agad ako! Hahahaha," Pagbibiro nito kaya tumawa na din ako.

"Si tyler?" Tanong kung muli na ikinabagi ng expresyon ng mukha niya.

"Hindi ata papasok." Maikli niyang saad bago ako talikuran.

"Okay lang 'yan magkakaayos din kayo."Sigaw ko kaya tumingin siya sakin sabay ngiti.

Pagkatapos ng usapan naming dalawa naglakad na ako papunta sa classroom ko may mapansin akong papel na nakadikit sa bag ko. Ngayon ko lang ito napansin kaya napataas ako ng kilay sabay tingin sa paligid kung may taong nagkagay no'n dito.

"Hi clayton I'm your new friend!" 'Yon ang mga salitang nakasulat sa papel gamit ang dugo kaya hindi ko mapigilan mag ngingit sa galit base sa sulat bago palang ito dahil hindi pa tuyot ang dugong nakasulat dito.

"Sino ang may gawa nito?" Napatingin ako kay callista na tumatakbo kasama ang isang lalaki at may sugat siya sa kamay kaya agad akong lumapit sakanya.

"Anong nangyari?" Alalang tanong ko sakanya.

"W-wala to kaunting galos lang." Saad nito.

"Hindi kaya!" Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na ang dugo na nakasulat sa papel ay ang mismong dugo ni callista mula sa sugat niya. "Bwes*t!" Bulong ko.

"Bakit clayton?" Tanong ni callista na agad kung ikinailing. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa classroom ko habang iniisip kung saan nagtatago si mr. Fernando at bakit niya ako binigyan ng gano'ng klasing sulat.

"Hi class i want to announs that all student is need to clean the campus every day and lahat ng boys ang napili." Saad ni ma'am Saria na naging dahilan para humiyaw sa tuwa ang mga babae kong classmates at ang mga lalaki naman ay halatang desmayado at naiinis sa naging desisyon ni ma'am.

"Ano ba naman 'yan!"
"Buti pa ang girls."
"Kairita naman..!" 'Yan ay iilan lang sa mga reklamo nila na ikinailing ko.

Pagkatapos ng klase pagkatunog ng pagkatunog ng bell agad na akong tumayo at pumunta sa gymnasium para tingnan ang rank ng mga matataas ang grades at average ang nakuha nitong nakaraang exam.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon