𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘌𝘝𝘌𝘕𝘛"Pagkabalik ko sa kwarto natuwa ako ng makita sila naia at archimon na nagtatawanan kaya napangiti nalang ako at lumapit sa'kanilang dalawa.
"Buti naman andito kana naia, kanina pa kita hinahanap eh" sambit ko habang nakatingin sakanya.
"Tumulong kasi kami sa paghahanda para sa event na gaganapin sa gymnasium bukas!" Saad naman nito na ikinakunot ng nuo ko.
"Event?" Takang tanong ko.
"Tommorow is ssg council's event twice a year 'yun ginaganap. Pupunta lahat at mag a-announce din ng mga new rules or reminder's ang mga councilors." Pagpapaliwanag ni archimon habang bahagya itong tumawa.
"Woah archimon para ka'na talagang bigatin dahil ssg councilor ka'na" Saad ko na ikinahalakhak naming tatlo.
kinagabihan nagtaka kami ng may kumatok sa pintuan namin kaya agad namin itong binuksan at nagulat kami ng may malaking box na nasa harap ng pinto napatingin din kami sa mga studyanting nasa harap din ng kani-kanilang pintuan at hawak ang mga parehong box na hawak ngayon ni naia.
"Mukhang ito na ang susuotin natin bukas." Saad ni naia. Pagkatapos nun ay agad din naming isinara ang pinto at tiningnan ang mga damit na nasa box dalawang dress and nakalagay dito at isa pang box na nakapangalan kay archimon. kulay pulang dress ang kay naia at kulay puti naman ang sa'akin. Actually my taste naman pala sila pagdating sa fashion.
Kinabukasan maaga kaming naghanda kasi inayusan pa ako ni naia.
"Pagkatapos nito siguradong maiinlove sa'yo lahat ng lalaking makakakita sa'yo sa event." Pagmamalaki ni naia napatingin kami kay archimon na naka tuxedo at halatang handa na itong umalis.
"Can we go?" Tanong nito habang nakatingin sa'min tumango naman si naia at hinawakan ang dress niya sabay dampot ng mga ginamit niyang mga pang make-up at inilagay 'yun sa drawer.
Paglabas namin samut-saring mga studyante ang mga tumatawa at masayang naguusap sout ang mga dress na ipinadala sa mga kwarto namin.
"This is the best day." Masayang sambit ni naia napakunot ako ng nuo ng makitang wala na sa tabi namin si archimon pero 'di ko na 'yun pinansin dahil isa naman siya sa mga ssg councilor, pagdating namin sa gymnasium napakatagimik ng lugar maya-maya pa ay nagsidatingan na sila ma'am kate kasama si head mistress kasabay nito ang pagdating pa ng iba kasama na si president Hawkins.
Naglakad si head mistress papunta sa harap at kinuha ang mic dumapo ang tingin nito sa'min saka ngumisi.
"Good morning ladies and gentlemen I'm the head mistress of this school." Pasimula nito.
"Life's journey is filled with ups and down Some days you lose but some you succeed Every day hoping that you get to take home the crown Chin up, darling, there is always another day to use."
Dagdag pa ni head mistress sabay upo, masigabong palakpakan at hiyawan ang pumuno sa mga sulok ng lugar pagkatapos nang talumpating 'yun ni head mistress.Pagkatapos nun si president Hawkins naman ang pumuntang harapan at nagsalita sa kalagitnaan ng pagsasalita ni president Hawkins ng may bumato sakanya ng itlog kaya na mantsahan ang suot niyang damit tinapunan niya ng nakatatakot na tingin ang babaeng gumawa nito sa'kanya na ikinatingin ng marami. She's crazy!
"Kala niyo mga anghel kayo ibalik niyo si kyle sa'kin!" Sigaw ng babae na may hawak pang mga itlog at sunod-sunod na ibinato kay president Hawkins na ikinalaki ng mata ko gano'n din ang naging reaksyon ng iba pang istudyante.
"Baliw ba siya?"
"Mukhang nasiraan na ng bait dahil sa boyfriend niya!"
"Bitch." 'yan ang ilang sa mga bulungan sa paligid, bumaba sa stage si president hawkins at tinumbok ang kinaruruonan ng babae.
"Ms. Santiago are you out of your mind?" Tanong ni president hawkins sa'kanya.
"Oo nasisiraan na ako ng bait!" Sigaw ng babae habang tumutulo ang luha pagkatapos niyang sabihin 'yun kasabay ng pagtalikod ni president Hawkins ang pagbaksak ng babae sa lupa.
"Damn it." Mura ko habang nakatingin sa babae na may nakatarak na palaso sa dib-dib nito at sinundan ko kung saan ito nanggaling laking gulat ko ng makita sa malayo si archimon na may hawak na pana ibig sabihin siya ang may gawa nun.
Habang nagkakagulo ang lahat isang istudyante ang nakaagaw ng aking pansin na nakatayo lang sa isang tabi at nagbabasa at 'di niya iniintindi ang nangyayari sa paligid niya.
"What's your name?" Tanong ko sa babae sabay lapit sa'kanya ang bigat ng awra ng babae napalunok ako ng tanapunan niya ako ng tingin.
"Maybe it's not the right time to tell you that." Saad nito sabay alis.
"Tsk, anong problema niya?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan siya.
"You're so cute." Napatingin ako sa likod ng may narinig akong nagsalita.
"Don't tell me nagagandahan ka sa'kin?" Sungit ko sa'kanya na ikinailing niya.
"Let's meet up later sa likod ng cafeteria hihintayin kita." Sambit ni president Hawkins sabay punta sa kinaruroonan nila ma'am kate.
"Kitain mo mukha mo!" Pagkatapos ng event umuwi na kami sa mga kwarto namin at do'n na nagpahinga at nakaiglip ako pero nagising ako ng maalala ang sinabi kanina ni Tyler kaya tumayo ako sa pagkakahiga at kumatok sa silid ni archimon.
"Bakit?" Tanong ni archimon habang nakasilip sa awang ng kwarto niya.
"Pag may sinabi ba si president hawkins tutuparin niya 'yun?" Balik na tanong ko sakanya.
"Oo, let's say may Isa siyang salita." Sambit ni archimon kaya agad akong nagpalit at binuksan ang pinto napa erap ako ng makita sa labas na sobrang lakas ng ulan. " Malas!" Bulong ko sa sarili kumuha ako ng payong at pumunta do'n iniikot ko ang aking paningin sa buong bahay pero hindi ko siya nakita.
"You're late." Malamig na tinig na rinig ko sa bandang gilid ko nagulat ako ng makita si president Hawkins na basang-basa at masamang nakatingin sa'kin.
"S-sorry." Kinakabahan kung sambit habang nakaiwas ng tingin.
"You're late so you'll deserve to be punished." Saad niya na ikinatigil ko dahan-dahan siyang lumapit sa'kin nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang ilapat ang labi niya sa'kin sa sobrang gulat nabitawan ko ang hawak kung payong.
"You deserve to be my queen." Saad niyang muli bago ako ngitian.
"Ang kapal ng mukha mo'ng kunin ang first kiss ko!" Sigaw ko dahil sa sobrang inis. "P-pero bakit gano'n kahit basa ako ang init ng mukha ko? Baliw ka na callista." Sambit ko habang sinasampal-sampal ang sarili.
"Yeah, crazy ka talaga." Napaupo ako sa sahig ng makitang pinagmamasdan ako ni president Hawkins, kala ko ba umalis na siya. "Sino ba naman ang taong matinong sasampal-sampalin ang sarili?" Dagdag pa nito.
"I hate you!" Sigaw ko sabay takbo pabalik sa kwarto namin.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...