𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘋𝘐𝘕𝘕𝘌𝘙"Pagkatapos ilibing si manang bumalik na din ako sa pagpasok sa college. Balik sa normal na buhay bilang isang college student but still malungkot dahil sa nangyari kay manang.
Wala nang naghihintay sa 'kin pag uuwi ko sa bahay at wala ng nagtitimpla at nagaalala kung gagabihin ako ng uwi sa bahay.
I really miss her.
"Callista are you okay?" Bumalik ako sa kasalukuyan ng may marinig akong boses mula sa aking likuran. Paglingon ko agad kong nakita si aiden na nakangiting nakatingin sa 'kin.
"Yeah." Maikli kong sagot habang pinipilit na ngumiti sakanya. Iniikot ko ang paningin saabuong paligid para sana hanapin si tyler pero bigo ako.
Mukhang kasama nanaman niya ngayon sila kuya jasper at archimon ng hindi ako kasama.
"Free ka ba mamaya? Dinner naman tayo sa isang resturant na alam ko." Aya niya sa 'kin.
Tumango nalang ako tsaka isinubsob ang mukha sa desk ko, wala pa naman ang next prof namin kaya okay lang 'to. Pag angat ko ng tingin halos napatalon ako sa gulat ng makita si tyler na nakatingin sa 'kin.
Sobrang lapit ng mukha niya kaya agad akong umiwas dahil unti nalang didikit na ang labi ko sakanya.
"T-tyler ano bang ginagawa mo?" Tanong ko dito.
"Nothing. I just want to stare your face." Sabi nito na nakapagpataas ng kilay ko. "Gusto mo dinner tayo mamaya?" Tanong niya sa 'kin. Ngumiti ako tsaka tumango.
Siguro tatlo nalang kaming magdi-dinner nila aiden tutal magkikita din naman kaming dalawa after class.
"Sige text ko nalang sa 'yo kung saang resturant tayo magkiki—!" Napahinto ako sa pagsasalita ng samaan nito ako ng tingin. "Ba-bakit?" Utal na tanong ko sakanya.
"What do you mean by TAYO?" Tanong nito habang hindi parin nagbabago ang enosyon sa mukha niya.
"Tayo nila aiden." Sagot ko naman sa tanong niya bago tumingin sa may pinto ng pumasok na ang prof namin. Agad na ding bumalik si tyler sa upuan niya tsaka ako tiningnan, Mukhang may sasabihin pa siya pero hindi na natuloy dahil sa pagpasok ng prof namin.
Lumipas ang isang oras ng hindi ko namamalayan hindi naman kasi ako nakikinig dahil ang boring. Pagkatunog ng pagkatunog ng bell agad akong tumayo at pumunta sa desk ni tyler saktong patayo naman ito kaya agad niya akong ginapunan ng tingin.
"May problema ba?" Tanong nito sa 'kin.
"Wala gusto mo sabay tayo mag lunch?" Aya ko sakanya na ikinabuntong hininga ni tyler.
"Sorry darling may pupuntahan kami ni kuya ngayon but darating naman ako sa dinner natin basta itext mo nalang sa 'kin, Okay?" Medyo na lungkot ako ng marinig ko 'yon mula sakanya minsan lang kasi ako may aya ng lunch kasi minsan busy din kami.
Pilit nalang akong ngumiti tsaka siya niyakap ng mahigpit.
"Promise darating ka okay? Wag kang mala-late!" Sabi ko habang nakayakap parin sakanya ramdam ko naman ang pagyakap niya pabalik sa 'kin.
"Promise." Pagkatapos no'n mabilis siyang lumabas ng pinto tingin ko may pupuntahan nanaman sila nila kuya jasper kaya siya nagmamadali ng ganoon.
Lumabas narin ako ng maayos ko ang mga gamit ko. Pagkalabas ko sa may open area nagulat ako ng may dalawang babae ang nagaaway doon marami na din ang mga istudyanting nakapalibot sa nag aaway.
Lumapit ako sa nag aaway para sana tumingin, Nakipagsiksikan ako sa tumpok ng mga taong nakapalibot sa lugar hanggang sa makarating sa bandang unahan kaya kitang-kita ko ang dalawang dalaga.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...