𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘔𝘐𝘕𝘋 𝘉𝘓𝘖𝘞𝘐𝘕𝘎"Pagkatapos kung ipagamot ang sugat ko tsaka ako bumalik sa classroom napatingin ako kay naia na bakas sa mukha ang pagaalala nito ng makita ang sugat ko sa leeg.
"What happened?" Nagaalala niyang tanong sa'kin bumaling ako ng tingin sa orasan malapit na palang mag lunch.
"I'm okay." Sagot ko. Pero ramdam ko parin ang kirot ng sugat ko sa leeg ng tumunog na ang bell agad kaming pumunta sa cafeteria at nag order ng tanghalian namin ng dumating si vice president Clayton na ngumisi sa'akin bago lapitan ang table namin.
"Hi." Bati nito pero 'di ako nagabala pang batiin siya pabalik, Like we're not close para batiin ko pa siya. " Look I'm so-sorry for what happened." Dagdag niya kaya napaangat na ako ng tingin sakanya.
"Okay." Maikli kung sagot sakanya napakaingay ng cafeteria may mga studyante pa nang naghahabulan habang may dalang mga pagkain na parang normal lang ang lahat sa kanila.
"Can i join you?" Tanong niya sa'kin kaya agad din naman akong tumango at umupo siya sa tabi ko.
Ang maingay na paligid at napalitan ng katahimikan at napunta ang atensyon ng lahat sa i-isang tao na ngayo'y may hawak na kitchen knife at itinututok sa lahat.
"Ilabas niyo ko sa lugar na to!" Sigaw ng lalaki.
"This is getting interesting." Ngising saad ni vp. Clayton habang nakatingin sa lalaking nagaamok.
"Hindi mo ba siya pipigilan? Ikaw ang vice president diba?" Saad ko na ikinatingin niya sa'kin.
"Yeah, pero ayukong madungisan ang mga kamay ko let's gave this job to the president." Mahinahong saad nito bagoo ibalik ang tingin sa lalaki. Lahat ay napasigaw ng hatakin ng lalaking 'yun ang isang babae at saksakin ito sa dib-dib.
"Please, gusto ko nang umalis." Sigaw nito habang tumutulo ang luha ng maramdaman niya ng wala nang buhay ang babae agad niya itong binitawan at tumakbo papunta sa direksiyon ko na ikinatayo ko.
"Alam mo ba kung paano makakalabas dito?" Tanong ng lalaki habang nakatutok sa'kin ang patalim niya agad naman akong umiling pagtingin ko sa tabi ko wala na si vp. Clayton at si naia naman ay nanginginig na nasa gilid. I can't breathe.
"H-hindi ko alam." Lumapit pa ito sa'akin at itinutok ang patalim sa leeg ko na naging dahilan para umagos muli ang dugo mula rito.
"You liar." Saad niya habang mas inilulubog pa ang kutsilyo sa leeg ko nagulat ako ng pagtingin ko sa bandang likuran ng mga istudyante ando'n si President Hawkins na nakatingin lang at nagmamasid lang sa mangyayari.
"Balak ba niyang pabayaan lang akong mamatay?" Bulong ko sa sarili habang nakatingin sakanya natigilan ako ng bigla nalang itong bumagsak sa harapan ko at magtama na ito ng baril sa ulo pero bakit wala akong narinig na putok ng baril?
"Now he's gone." Saad ni Vp. Clayton na ngayon ay pumapalakpak pa na tila masayang-masaya sa nakita niya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon nawala na din ang mga istudyante at bumalik sa kani-kanilang mesa para kumain agad naman akong tumakbo sa labas at sinundan si president hawkins.
"Hey you demon!" Sigaw ko na ikinalingon niya gano'n padin ang reaksiyon ng mukha niya kagaya kanina.
"What?" He said while looking at me. Inipon ko lahat ng lakas ko para magsalita at titigan siya sa mata.
"President Hawkins papabayaan mo nalang ba sila na mamatay at wala kang gagawin? You're so heartless." Sigaw ko sakanya.
"Death is a reality which everyone has to face, You cannot roll it back in time." Saad nito bago tuluyan akong talikuran. "And don't call me president hawkins i'm Tyler." Dagdag pa nito bago maglakad palayo sa'kin.
Ilang linggo na din ang nakaraan simula ng mangyari 'yun pero hindi ko padin makalimutan gusto ko ng lumabas rito.
"Hey!" Gulat sa'akin ni naia kaya bahagya akong napaatras.
"Bakit?" Tanong ko dito.
"Gusto mo ng kwento?" Saad niya kaya bahagya akong lumapit sakanya. "It's about president Hawkins love life." Dagdag pa kaya mas maging interesado akong malaman iyon.
"Really? Did the demon's fall in love? Hahaha." Tawa ko sa sinabi niya na ikinakunot ng kanyang nuo kaya natigilan ako at tumingin na sakanya.
"Dati kasi 'di pa naman ganyan ka
kasama at kalupit si president kaya lang may nangyari kasi three year's ago na nakapagpabago sa'kanya." Pagsasalaysay niya."At ano naman iyon?" Interesadong tanong ko sa'kanya.
"Actually binalak ng kasintahan niyang babae na labanan si head mistress para mapalaya na ang lahat but it's didn't happened according to her plan, nalaman ng head mistress ang binabalak niya at dahil si president hawkins ang presidente at namamalakad ng buong paaralan kaya siya mismo ang kumitil at nagbigay ng parusang kamatayan sa babaeng kanyang iniibig." Pagkatapos nung sabihin ni naia now i understand why he was so cold, heartless and cruel leader dahil sa nangyari sakanya.
"Aalis na ako dito mamayang gabi." Saad ko na ikinagulat niya.
"What!"
"Mamaya aalis na ako sasama ka ba o hindi?" Tanong ko sakanya pero agad siyang umiling dahil sa takot at pinagsasamantalahan akong wag nang tumuloy dahil mapapahamak lang ako.
Pero I don't care.Kinagabihan dahan-dahan kung binuksan ang pinto at lumabas hahanap ako ng pagkakataon para ito abas ng walang nakakapansin, Alam kung para itong suntok sa buwan ang gagawin ko pero 'di ko na ito iniisip. Nang hahakbang na ako papunta sa gate ng may humarang sa'kin nanlaki ang mata ko ng makita si Tyler na nakatingin sa'kin ng masama at may hawak na libro.
"Balak mo ba'ng lumabas ng school?" Walang emosiyon niyang habang nakatingin sa'kin hindi ko mahulaan kung galit ba ito o hindi dahil sa expresiyon ng kanyang mukha. Maslalo pa akong pinagpapawisan ng humakbang pa ito sa'kin.
"K-kasi-!" He cut my word's ng magsalita siya.
"I'm President Tyler Hawkins the ssg president of the hell stone academy i caught you regretting our rule's so you'll be punished go with me to the interrogation room." Saad nito sa mahinang tuno para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko 'yon at dahil doon sinundan ko siya kinakabahan ako walang dumadaang mga istudyante at madilim ang tinatahak naming daan papunta doon.
Tanging tunog lang ng pinto ang rinig ng buksan niya ang pinto.
"Are you ready?" Tanong niya.
"O-Oo!" Kinakabahan kung sagot sa tanong niya may binuksan pa uli siyang pinto bago ako tapunan ng nakakatakot na tingin. Handa na po akong mamatay lord!
"Kailangan mo to'ng linisin lahat." Saad niya sa malamig na boses kahit medyo madilim ang paligid rinig ko padin ang pagigting ng kanyang mga pangga, napanganga ako ng makita ang tinutukoy niyang punishment.
"Ha? Ito na 'yun?" 'di makapaniwalang tanong ko sakanya ng makita ang kalat na mga papel at maduming silid.
"Why? Gusto mo ba ng limampong hagupit?"
"A-ayuko." Sigaw ko.
"You're cleaning this mess tommorow from now on go back to your room and rest." Pagkasabi niya nun agad siyang naglakad palabas at kusang naglaho sa dilim.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...