𝗧𝘆𝗹𝗲𝗿 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘈𝘎𝘙𝘌𝘌𝘔𝘌𝘕𝘛"Kagabi pa ako 'di mapakali parang may mangyayari hindi maganda kaya kanina ko pa itinutoktok ang hawak kung ballpen sa lamesa at nag iisip andito ako sa interrogation room dahil may ilang istudyante nanamang sumuway sa mga rule's kaya marami akong aasikasuhin ngayong araw.
Nabasag ang katahimikan ng magbukas ang ang pinto at iniluwal si Clayton na naghahabol pa ng kanyang sariling hininga kaya napakunot ako ng nuo sabay dapo sakanya ng tingin bahagya itong lumapit sa'kin bago mag salita.
"T-tyler!" Saad nito habang nakatingin sa'kin at batay sa itsura niya mukha mahalaga ang kanyang sasabihin kaya napatayo ako sa aking kinauupuan.
"Ano 'yun clayton?" Tanong ko ng isang butil ng luha ang pumatak mula sakanyang mga mata. "Ano ba'ng nangyayari sayo?!" Sigaw ko sabay lapit sakanya.
"S-si callista-!" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ng agad akong kumaripas ng takbo papuntang kwarto nila at pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto agad na bumungad sa'kin si archimon na yakap si naia na humahagulgol sa iyak.
"A-anong nangyari kay callista?" Tanong ko na ikinatingin nilang dalawa sa'kin.
"Nawawala si callista at wala kaming ibang nakita bukod dito." Saad ni naia sabay lapit at bigay sa'kin ng kwentas na ibinigay ko kay callista kagabi bilang birthday gift ko sakanya.
"Hinala namin may kinalaman to sa mga nalalaman niya o may iba pang dahilan ang kumuha sakanya para gawin to." Singit naman ni archimon parang nanlambot ang aking mga tuhod ng marinig ang mga paliwanag nila. Now I'm thinking about her safety or pinapahirapan at sinasaktan ba siya sa mga oras na ito? Habnag ako nandito pa'rin nakatayo.
"Mag hiwa-hiwalay tayo para mabilis nating mahanap si callista wag tayong tumigil para agad natin siyang matagpuan." Napakuyom ang aking mga kamao sabay labas ng pinto at nagmamadaling pumunta sa office ni head mistress. I know na may kinalaman siya sa mga nangyayari.
Pagkarating ko sa office niya marahas kung binuksan ang pinto kaya ngising napatingin sa'kin si head mistress na ngayon ay sumisimsim ng tsaa sa isang maliit na tasa.
"Kumatok ka naman." Saad nito bago ilapag sa mesa ang tasa at tumingin sa'kin ng diretso.
"Wag ka nang mag maang-maagan alam kung may kinalaman ka sa pagkawala ni callista." Galit kung saad sabay lapit sakanya.
"Gano'n ba? Sa tingin ko mali ang alam mo tyler. Wala akong kinalaman sa sinasabi mo."
"Pag nalaman kung may kinalaman ka sa pagkawala niya hindi na kita papakitaan ng kahit kaunting awa." Galit akong lumabas ng pinto.
Sinimulan kung mag hanap sa bawat building at sulok ng paaralan kasama sila gabby pero ni isang sagot o patalandaan man lang ay wala kaming nakita. Ayukong mangyari kay kalista ang nangyari sa dati kung kasintahan na wala man lang akong nagawa para iligtas ang buhay niya.
It feels like I am drowning In sadness, anger and resentment, all in different lakes I do not blame her but my self, There are several nights That she appears to my mind it's the darkest days of my life na ayuko ng maulit pa sa'kin at sa taong mahal ko. I promise that I will protect her no matter what kaya 'di ko 'yun babaliin.
"Fuck!" Mura ko sabay untog ng sarili sa pader.
Mag iisang linggo na mula ng mawala si callista at wala rin kaming tigil sa paghahanap sakanya pero kahit isa sa amin ay walang nakakita sakanya. Ayukong mawalan ng pag asa at sumuko pero bakit hindi ko magawa.
"May nakita ka na ba?" Tanong ko kay clayton na ikinailing nito.
"Bwesit!"
"Alam mo ikaw din ang may kasalanan ng lahat ng to!" Galit na saad ni clayton kaya napatingin ako sakanya. " Kung hindi ka lumapit sakanya tahimik sana ang buhay niya at hindi siya madadamay sa gulo kung saan ka na nalubog." Dagdag pa niya. Batay sa pananalita nito ay tila ako ang sinisisi niya sa mga nangyari kaya 'di ko napigilan ang sarili kung sugurin siya at gawaran ng suntok na ikinabagsak nito.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...