TWENTY-ONE

262 18 0
                                    

𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘏𝘜𝘙𝘛"

Hindi ko maintindihan nangako siyang babalik sa'kin pero bakit ilang araw na siyang 'di bumabalik? Gusto ko na siyang makita at malaman kung nasa mabuti ba siya sa mga oras na ito.

Missing you isn't the problem, it is wondering if you'll ever come back that's killing me.

"Wag kang mag alala makakabalik siya!" Napatingin ako sa aking likuran ng may marinig akong boses mula rito.

"Ohh...Clayton anong ginagawa mo rito?"Tanong ko sakanya. Dinapuan niya ako ng tingin tsaka umupo sa tabi ko.

"Para damayan at samahan ka sa lungkot." Ngiting saad niya sa'kin.

"O-okay lang ako." Saad ko. Tumaas ang kilay nito bago ako abutan ng panyo, Dumulas na pala ang mga luha sa mata ko ng hindi ko man lang namamalayan.

"Alam ko ang nararamdaman mo, Wag kang masyadong mag isip baka magkasakit at ikaw naman ang mapahamak sa gagawin mo."

"Gagawin ko ang lahat maligtas lang siya." Matigas kung saad sabay tingin sa mga istudyanting dumadaan sa paligid. Hindi ko lubos maisip na ganito kalupit ang kapalarang naghihintay sa'kin sa buhay na ito.

Una ipinasok ako ng sarili kung mga magulang sa impyernong 'to tapos nalaman kong ang inang nagbigay ng buhay at nag- alaga sa'kin ang siyang nagpapatakbo dito at ang taong kinuha sa'kin ang lalaking mahal ko, Sinaktan ang mga kaibigan ko at sisira sa buhay at buo kung pagkatao.

"I hate my mom!" Bulong ko.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi lang tayong sasabay sa agos ng tubig, Minsan kailangan din nating kontrolin ito para mas mapaganda ang daan na ating tatahakin sa hinaharap." Napatingin ako kay clayton dahil sa sinabi niya.

Tama siya hindi ko kailangang sundin ang kapalarang puro sakit at hinanakit lang ang maidudulot sa'kin, Kailangan ko itong kontrolin gamit ang sarili kong kaalaman.

"You're right, kailangan ko talaga ngayon ang mga paalala mo clayton!" Nakangiti kung saad bago tumayo pero bago pa man ako makalakad palayo ng tawagin ulit ako ni clayton kaya napaharap ako sakanya.

"What?!"

"Kasi-!" Natigilan siya nang dumating si head mistress kasama si ashicc sa lugar kung nasaan kaming dalawa ni clayton.

"Ms.Dayton sumama ka sa'kin pinapatawag ka ni supreme black." Mahinahong saad ni head mistress habang nakangisi ito saming dalawa ni clayton.

"At bakit naman ako sasama?" Sigaw ko.

"Dahil pag hindi ka sumama papatayin niya si tyler!" Galit na saad ni ashicc habang matalim na nakatingin sa'kin, Tumingin ako kay clayton at ngumiti ito na at tumango.

"Sige sasama na ako, Nasaan ba siya?" Direktang tanong ko sa mga ito.

"Sundan mo ako." Sumunod ako kay ashicc at head mistress papunta sa office ng magaling kung ina.
Pagdating namin doon nagulat ako ng yakapin nalang ako bigla ni mommy.

"Anak." Saad niya. Agad ko siyang itinulak palayo sa'kin at tiningnan siya ng masama. Lumabas na don ng kwarto sila ashicc at head mistress at iniwan kami ni mommy sa loob ng office.

"Tigilan niyo na nga ang pagtawag sa'kin ng anak! Nakakasuka."

"Callista, Kung susundin mo lang ang gusto ko magbubuhay pa si tyler. Pangako hindi ko siya sasaktan." Saad niya na ikinatingin ko sakanya.

"B-buhay pa si tyler?!"

"Oo at nasa panganagalaga namin siya."

"Hindi ka ba nagsisinungaling?"Tanong ko na ikinailing nito. Sabi ko na nga ba at buhay pa si tyler alam kung hindi siya masasaktan nila head mistress at mommy dahil malaki ang mawawala pag pinatay nil siya.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon