𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘕𝘌𝘞 𝘋𝘌𝘔𝘖𝘕"Half a month passed at alam ko na ngayon ang bagay talaga na nakapapasaya sa'kin.
Nang makita ko ang bagay na 'yun napatunayan kung hindi naman pala gaanong kasama ang mundo sa'kin.
"Gusto mo ba talagang gawin 'to?" Tanong ni tyler na ikinadapo ko ng tingin sakanya.
Nakatayo kami ngayon sa harap ng hell stone academy at pinanonood kung paano ito ginigiba nang naglalakihang mga truck.
"Yeah." Maikli kung sagot sakanya.
Napagpasyahan kung ipagiba ang school at gawing paampunan ng mga bata at pagsamantang bahay ng mga batang wala ng magulang habang hindi pa sila na a-ampon.
"Let's go?" Tanong ni tyler sabay ngisi. I forgot ngayon pala ang araw ng enrollment sa papasukan naming college.
"Ay, Oo nga pala halika na." Saad ko bago pumunta sa kotse nakasunod lang sa'kin si tyler.
"Umm...,Callista tungkol pala sa kaso nila naomi at mr. Fernando kailangan nating pumunta sa trial mamayang 3:00 P.M para sa pang huling paglilitis sa kaso nila." Pagsasalaysay ni tyler na tinanguan ko.
"Sige pupunta tayo mamaya and the fact alam ko na ang kakalabasan ng trial," May kumpyansang saad ko na ikinahalakhak naman ni tyler.
"Your so cute pag ganyan ka." Dahil sa sinabi nito hindi ko maiwasang mapangiti at mapaiwas ng tingin sakanya.
Kasalukuyan kaming papunta sa school kung saan mag e-enroll kaming dalawa.
Pagkadating naming dalawa sa school napahanga ako ng makita ito,
Napaka aliwalas ng paligid bukod sa mga bulaklak na nasa paligid nito at may malawak pang open area kung saan may mga upuan sa ilalim ng bawat malalaking puno.
"Ang ganda!" Saad ko habang pinagmamasdana ng buong paligid.
"Mas maayos kaysa sa hell stone academy." Napatingin ako kay tyler dahil sa sinabi nito.
"Tama ka." Pagsangayon ko sa sinabi niya.
Dumiretso kami sa registrar office para mag enroll ng makita namin si clayton sa 'di kalayuan kaya kumaway ako sakanya.
"Hoy..!" Sigaw ko na ikinatingin ni clayton saming dalawa ni tyler at kumaway din samin.
"Dito din pala kayo mag aaral?!" Saad ni clayton ng makalapit na siya sa'min ni tyler.
"Stalker ka talaga eh." Walang emosyong saad ni tyler habang nakatingin kay clayton.
"Stalker mo pwet mo! Halina nga kayo." Masayang saad ni clayton bago akbayan si tyler at sabay silang pumunta sa loob ng registrar office na ikinabuntong hininga ko bago tuluyang pumasok sa loob.
Nakita kung nakaupo na ang dalawa sa sofa kaya umupo na din ako katabi nilang dalawa.
"Wag kang masyadong lalapit d'yan." Saad ni tyler bago ako iusog palapit sakanya.
"Come on." Saad ko na ikinatingin ng masama nito sakin. Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito at iluwag ang isang magandang babae, Siya ata ang mag e-interview sa'min ngayon.
"Okay, lets start." Panimula nito. "Saan ba kayo nagtapos ng highschool?" Tanong nito habang nakatitig sa'ming tatlo.
"Sa hell stone academy." Sagot ni tyler.
"Hell stone? Parang wala naman ata akong natatandaang may university na ganyan ang pangalan." Kunot nuong saad ng babae bago itukod ang kamay nito sa kanyang baba.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...