𝗖𝗹𝗮𝘆𝘁𝗼𝗻 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘍𝘖𝘙𝘉𝘐𝘋𝘋𝘌𝘕"Napatingin ako kay Tyler na ngayon ay na sa desk niya at pinapaikot-ikot ang swivel chair hindi ko alam kung anong iniisip niya pero isa lang ang alam ko 'yun ay ang mahal niya na si callista.
"Tyler." Natigilan si tyler ng tinawag ko ang pangalan niya kaya agad niya akong tinapunan ng tingin habang 'di parin nawawala ang ngiti sa mga labi.
"What?" Tanong niya sa'kin.
"Are you serious about this?" Balik na tanong ko kay Tyler na ikinaseryuso ng mukha niya.
"Tungkol saan ba to! Marami pa akong gagawin." Saad niya sabay tayo ng upuan at labas ng pintuan napabuntong hininga nalang ako bago tumakbo palabas at habulin si tyler. Agad ko siyang tinawag kaya lumingon siya sa'kin habang nakakunot ang nuo.
"Sana lang alam mo ang ginagawa mo tyler, babaliin mo ang pinaka mahalagang rule's dahil kay callista at parehas nating alam na mapapahamak si callista sa gagawin mo." Paalala ko sa'kanya ngumisi lang ito bago ulit tumalikod sa'kin.
"I know you're concerned about callista hindi mo na kailangan pa akong pagsabihan ma pro-protektahan ko siya kahit ako lang mag-isa." Napailing nalang ako dahil alam kung simulat-sapol matigas na talaga ang ulo ni tyler kahit pilitin ko pa siya hindi na magbabago kung anong desisyong napili niya.
Napangiti ako ng makita si callista na naglalakad sa hallway at patingin-tingin sa paligid at tila may hinahanap na sinuman kaya agad ko siyang nilapitan.
"Looking for someone?" Tanong ko na ikinaerap nito and as always she's looks gorgeous.
"At sino namang hahanapin ko sa lugar na to." Saad niya na ikinangisi ko.
"Sama ako sa'yo." Sambit ko na ikinahinto niya sa paglalakad sabay tingin sakin ng masama.
"Alam ko namang sabado ngayon pero wala ka bang gagawin?" Tanong niya kaya agad din akong umiling kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at agad ko din naman siyang sinundan nagtaka ako ng pumunta siya sa library at kumuha ng ilang mga libro tungkol sa mga halaman at mga bulaklak.
"At ano naman ang gagawin mo d'yan?" Tanong ko habang nakahawak sa bangko na tunutungtungan niya sa pagabot ng libro sa may bandang taas ng book shelf.
"Manahimik ka nalang pwede." Asik na saad nito na ikinangisi ko. Kahit kailan talaga ang sungit sa'kin ng babaeng to nagulat ako ng madulas si callista kaya agad ko rin naman siyang nasalo mula sa pagkabagsak sa lapag.
"S-salamat muntik na ako do'n ah." Kinakabahan niyang saad bago tumingin sa'kin.
"Buti nasalo kita."natatawa kung sambit sabay tayo at lakad papuntang sofa ng library umupo ako doon habang hinihintay si callista na matapos sa ginagwa niya.
"Buong araw mo ba akong balak samahan?" Tanong ni callista.
"Oo, tutal wala akong gagawin maghapon." Saad ko kaya tiningnan niya ako ng masama bago umupo at magbasa ng libro. Maya-maya pa ay lumapit ako kay callista ng sumigaw siya.
"Ano 'yun?" Tanong ko sabay tingin sa librong hawak niya.
"W-wala i think kailangan ko ng umuwi." Saad ni callista sabay tiklop ng libro at lagay sa dala niyang bag. "Dadalhin ko to." Dagdag pa niya bago lumabas ng pinto. I'm not sure kung anong gusto niyang alamin pero alam kung tungkol to sa sekretong itinatago nila head mistress na kahit sino ay wala paring may alam kahit kaming mga ssg councilor's.
Naglakad ako palabas ng pinto at palihim na sinundan si callista ng bigla siyang mawala sa paningin ko.
"Huh?" Iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid at patuloy na hinanap si callista ng may marinig akong sigaw sa loob ng abandonadong dorm na ngayon ay imbakan nalang ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...