TWENTY-FOUR

227 14 4
                                    

𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘚𝘈𝘊𝘙𝘐𝘍𝘐𝘊𝘌"

Pagkatapos kung gamutin ang sugat ni clayton agad na din kaming umalis para hanapin ang silid kung saan nila kinulong sila tyler at archimon.

Napahinto kami sa isang lugar ng makita namin ang daang-daang mga tao na nagtratrabaho at gumagawa ng druga. Napatingin ako sa isang silid kung saan may dalawang nagbabantay.

"Clayton! Ayon sa kwartong 'yun." Bulong sakanya sabay turo ng kamay sa nakita ko. Tumaas ang mga kilay nito bago ulit ako dapuan ng tingin.

"Sigurado ka? Papasok tayo dyan e ang daming bantay tas maraming tao baka tayo pa ang mauna kanila tyler." Pag rereklamo nito na ikinabusangot ko.

"Ayaw mo? Sige ako nalang." Tatayo na sana ako sa pinagtataguan naming dalawa ng bigla niya akong hatakin palapit sakanya.

"Sige payag na ako." Wala sa loob niyang saad na ikinangisi ko.

Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis nito.

"Ganito dadaaan tayo sa gilid ng mga mesa para hindi rayo mapansin. Tapos papatulugin natin ang mga bantay para mapalabas sila tyler." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Medyo hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang nangyayari kanila gabby at naia. Patay na si genesis at sigurado akong kami ang pag iinitan ni head mistress dahil sa ginawa nito. Kaya kailangan naming dalian.

Ayon sa plano dumaan kami ng dahan-dahan sa gilid ng mga mesa oara makarating sa kwarto ng may makita akong pulang buton na ikinangisi ko.

"Ano kayang mangyayari pag pinindot ko'to?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin dito.

"Ano ba callista! Dalian mo na."

Pinindot ko ang buton na naging dahilan para tumunog ang buong paligid. Ngayon alam ko na kung para saan 'yun. It's a warning alarm. Nagkagulo ang lahat at nagmamadaling lumabas sa labasan kung saan kami dumaan paloob dito.

"Ang talino ko."

"Ang galing mo!" Puri ni clayton na bahagyang ikinapula ng mga pisngi ko.

Pinuntahan ni clayton ang dalawang lalaking bantay at sa isang iglap lang ay nakahandusay na ang mga ito sa lapag.

Kinuha niya ang susi at binuksan ang pinto at halos tumalon ang puso ko ng makita ko doon si tyler. Tuyo ang mga labi at nakapikit ang mga mata. Lumapit ako sakanya tsaka siya niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya.

"Kala ko patay kana." Nakangising saad ni clayton habang nakatingin kay tyler.

"In your dreams bro." Sagot naman ni tyler.

"Akala ko hindi na kita makikita." Saad ko habang umiiyak. Tumingin ito sa mga mata ko tsaka pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

I can't describe how happy I am at these times. I see him and hug him and that's more important I love him so much.

"You're my darling." Saad niya bago ako halikan sa nuo. Pinakawalan namin sila at sabay-sabay na lumabas sa kwartong 'yun.

"Kamusta na si naia?" Alalang tanong ni archimon sa'kin.

"She's okay don't worry." Sagot ko na ikinahinga nito ng maluwag.

"Mabuti naman."

Aalis na sana kami sa lugar ng dumating si head mistress at si mr. Fernando na ikinalunok ko.

"I'm happy to see you all. Dito narin kayo mamatay kasama ng iba." Saad ni head mistress habang matalim na nakatingin sa'min.

"Sabi ko na ngaba ikaw 'yun!" Sigaw ni tyler habang nakaturo kay mr. Fernando na ikinatingin ko.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon