𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘗𝘜𝘡𝘡𝘌𝘓"Napabuntong hininga nalang ako habang sumisimsim sa gatas na nasa Mesa katabi ng kama ko. Naiinis akong ilang araw na akong nakahiga kahit hilom na lahat ng sugat ko kahit si naia nga nakapasok na sa klase niya tapos ako isang linggo ng nasa kama at bawal gumawa ng kahit ano.
"Are you now feeling better?" Napalingon ako ng magsalita si vp.clayton may dala siyang prutas lumapit siya sa'kin at inilapag 'yun sa mesa ko.
"Oo nung nakaraan ko pa gustong lumabas dito!"Saad ko na ikinangisi niya. "Tapos 'di pa masarap pagkain na ihinahanda sa'kin ni nurse sigh." Dagdag ko.
"So tara ililibre kita." Isang malaking ngiti ang pinakawalan ng mga labi ko ng marinig 'yun mula kay vp.clayton kaya agad kung hinubad ang patient gown na nakasout sa'kin at nagpalit ng uniform.
"Halika na!" Pagkarating namin sa cafeteria inorder ko agad ang lahat ng pagkain na may sangkap na baka at baboy puro gulay kasi 'yung pinapakain sa'kin nila do'n sa clinic kulang nalang maging kabayo ako dahil sa puro damo nalang ang pinapakain sa'kin.
"Seriously? Mauubos mo lahat ng 'yan?" Tanong ni vp.clayton kaya agad akong ngumiti sakanya.
"Baka hindi mo pa talaga ako kilala." Ngising saad ko bago lantakan ang lahat ng pagkain sa mesa pero natigilan ako ng may dumampot sa pinggan ko kaya agad akong nag angat ng tingin at do'n ko nakita si president Hawkins na matalim na nakatitig sa'kin kaya napalunok ako.
"Who's give you a permission to go outside ang eat dump food like this?" Bungad niya.
"Pakialam mo ba atsaka magali-!" He cuts my words ng magsalita siya.
"Go back to the clinic and rest. wala kang ibang gagawin kundi ang magpahinga at 'yan ay utos." Pagkatapos nun padabog akong naglakad papuntang clinic at sinuot ulit ang patient gown na kanina ay hinubad ko. Ano bang problema niya bawal na ba akong kumain ngayon? Maya-maya pa ay dumating si nurse sigh kasama si eros kaya napangiti ako ng makita ang bata.
"Okay kana ba?" Tanong nito sa'kin.
"Oo, ikaw?" Saad ko na ikinangisi niya pinagmasdan kung mabuti ang mukha ng bata at sa tingin ko mas pumayat at mas tumamlay pa siya ngayon kaysa nung nagkita kami nung nakaraan.
"Ayos lang ako sabi ni mama gagaling na daw ako." Nakangiti niyang saad kaya lumapit ako sa wheel chair niya at hinimas ang buhok niya.
"Alam mo ba'ng napakatatag mo! Ikaw na ang pinaka malakas na batang nakilala ko kahit si hulk smash matatakot sa lakas mo." Masaya kung sambit na ikinahalakhak niya. Hindi pa ako nagkaroon ng nakababatang kapatid dahil sa iisang anak lang ako nila mama at papa pero 'di ko maiwasang ngumiti pag nakikita ang batang to.
"Para pala sa'yo," inilabas niya ang isang bracelet at iniabot sa'kin kaya agad ko itong tinapunan ng tingin sabay ngiti kay eros.
"Sweet mo naman little boy." Nakangiti kung saad habang isinusuot ang bracelet sa kaliwa kung kamay.
"Hindi na ako bata at kaya wag mo nga akong tinatawag na little boy at baka 'di na ulit tayo magkita kaya kung ako sa'yo wag mo nang pakawalan si kuya Tyler mabait siya minsan 'di lang niya 'yun naipapakita sa iba pero malambot ang puso niya."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun agad na siyang inihatid ni nurse sigh sa kwarto niya. Napatingin ako sa bracelet na bigay sa'kin ni eros at naalala ko si president Hawkins sa nakaukit na malaking pugaran na nasa kwentas kaya 'di ko mapigilang mapangiti.
"Crazy, hahahaha."napatingin ako sa pinto nge bigla itong bumukas at iniluwal si president Hawkins na nakakunot ang nuo at direktang nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...