𝗡𝗮𝗶𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘓𝘐𝘎𝘏𝘛"Kanina pa kami paikot-ikot dito sa lugar pero wala padin kaming nakikita kahit na sila callista ay hindi narin namin mahagilap. Kamusta na kaya sila?
Hindi ko maiwasang mag alala lalo na't alam kung nasa panganib parin kaming lahat.
"Hey naia, Magfucos ka sa paghahanap."
Pautos na saad ni gabby habang nakatingin sa'kin. Pagkatapos no'n agad din siyang bumalik kung saan siya nakatingin kanina.
"S-sige!" Utal kung sagot sa kanya.
Nagikot-ikot kami sa buong lugar wala kaming ibang makita sa lugar na 'to kundi puro halaman at mga aparato sa buong paligid.
Kataka-taka ding wala nang mga tao sa paligid. Nakakakilabot ang katahimikan na bumabalot sa buong paligid.
Napayakap ako sa sarili dahil do'n hindi din ako tumitigil sa pag ikot ng aking mga mata sa bawat madadaanan namin dahil sa pagbabakasaling makita ko sila doon.
Tumigil kami sa mga lamesa na halatang ginamit sa ginagawa nilang mga expiremento dito. Tiningnan ni gabby ang mga laman ng mga lalagyanan habang sinusuri ang mga ito isa-isa.
Pansin ko ang hairpin na kanina pa niya hawak-hawak simuoa ng pumasok kami sa lugar na ito.
"Bakit kanina mo pa hawak 'yan?" Tanong ko sakanya.
"Malalaman mo din mamaya." Matipid nitong saad bago muling ibalik ang tingin sa ginagawa.
"Nagaalala ako na baka hindi ko na siya makita." Saad ko sa mahinahong tuno.
"Sabihin mo na kasi sakanya na mahal mo siya." Pagbibigay opinyon ni gabby habang tinitingnan ang mga gamot na nasa mesa.
"Gagawin ko talaga 'yan pagmatapos na ang lahat ng ito" Napabuntong hininga ako habang iniisip kung may pagtingin din siya sakin. O baka mapahiya lang ako pag sinabi ko sakanya ang nararamdaman ko.
"Wag kang kabahan naia. Alam kong mahal ka din no'n." Napangiti nalang ako sa sinabi niya sabay dapo ng tingin sa babaeng nagmamadaling umaalis at may hawak na bag. Tingin ko mabigat ang bag base sa mukha niyang halata
"Naomi?!" Bulong ko sa sarili ng mapagtanto kung sino an babaeng 'yon.
Pero ano'ng ginagawa niya rito?
"Teka...!" Malakas na hiyaw ni gabby na nakapagpatigil sakin at kay naomi sa pagtakas. Tumingin ako kay gabby na nakangisi kay naomi. Nakakatakot.
Magmamadali niyang nilapitan si naomi ako naman ay nakasunod lang sakanya.
"Ikaw 'yun diba?" Tanong niya kay naomi na ikinangisi ni naomi. Teka... Ano bang nangyayari sakanilang dalawa hindi ko maintindihan.
"Ano bang sinasabi mo gabby?!" Balik na tanong ni naomi kay gabby.
"Tsk, Hindi ka nagiingat." Saad muli ni gabby bago itaas ang hairpin na kanina niya pa hawak.
"Kung makikinig ka sa usapan ng may usapan, Siguraduhin mong wala kang maiiwang bakas." Sagdag pa ni gabby bago barilin ang hawak na bag ni naomi na ikinagulat ko."What tha-!" Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman ng bag na hawak niya. Purong mga gold bars at mga bulaklak ng angel trumpets agad niya din itong ibinalik sa lalagyanan na parang isang baliw.
Mukhang nasisiraan na siya.
"Sabi ko na nga ba at trahidor ka."
"Ano naman ngayon?" Mataray na saad ni naomi bago mag labas ng kutsilyo at handa nang sugurin ng saksak si gabby.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...