THIRTY-FOUR

128 13 4
                                    

𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘛𝘙𝘜𝘚𝘛"

Nakatingin ako ngayon sa kabaong na nakasara habang tumutulo ang mumunting luha mula sa aking mga mata. Paano ko hindi nalaman ang sagot? Ang tanga ko! Dahil sa katangahan kong 'yon wala nanaman akong naprotektahan.

I hate my self.

"Hey, Matulog ka na. Ilang araw ka na ding pagod kakabantay dito baka ikaw naman ang magkasakit niyan," Napailing ako sa sinabi ni clayton sabay punas ng luha ko.

"This is the one and last thing na magagawa ko for her kaya pag magpahinga ako ano pa'ng silbi ko?" Napatingin ako kay clayton na malungkot na nakatingin sa 'kin.

"Wag mong sisihin ang—!" Napahinto siya sa pagsasalita ng mag salita din ako.

"Oo! ako ang dapat sisihin dahil mali ako. may mahalagang buhay na namang nawala sa 'kin! K-kayo nalang ang natitira sa 'kin paano na pag wala na kayo?" Sabi ko. Hindi ko namalayang tumutulo nanaman ang mga luha ko sa mata.

Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit isipin na wala akong magawa para ibalik ang lahat sa dati, At ang tangi ko nalang magagawa ay tingnan siya sa loob ng kabaong, umiyak at bantayan siya sa natitirang dalawang araw ng pananatili niya sa tabi ko.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni clayton sa 'kin kaya mas lalo akong napahagulgol. "You're strong woman i've ever seen kaya malalapasan mo to dahil alam kong kaya mo."

"S-salamat." Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin ng biglang lumitaw si tyler sa harapan naming dalawa ni clayton.

"Ahemm... Alis lang muna ako." Paalam ni clayton na agad ko din namang tinanguan.

"Sit down and eat first bago ka ulit magbantay." Awtorisadong sabi niya sa 'kin sabay hatak sa 'kin papunta sa lamesa.

"Wala akong gana." Direktang sabi ko na ikinataas ng kilay sa 'kin ni tyler.

"Be strong and prepare to revenge." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang malamig na boses at maitim na awra ni tyler habang pinagmamasadan ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito simula ng makalabas kami sa hell stone.

"T-tyler!" 'Yon lang ang salitang lumabas sa bibig ko matapos marinig ang mga salitang 'yon, Paghihiganti.

"Kumain kana may pupuntahan pa kami ni kuya." Sabi niya bago tumalikod sa 'kin at magsimulang maglakad palabas kasama si kuya jasper.

"Callista, Narinig ko ang nangyari sorry ngayon lang ako nakapunta." Sabi ni aiden sabay upo sa tabi ko. Ngumiti lang ako bago tuluyang magsalita.

"Okay lang aiden," Sabi ko bago humigop sa sabaw na nasa harapan ko at bumaling  ulit ng tingin kay aiden, Bakit parang masaya siya ngayon?

"Ang ganda mo talaga callista!" Natigilan ako sa sinabi niya dahil sa biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan na tila may demonyong nagsasalita ngayon sa harapan ko.

Hindi ko maibuka ang bibig ko para sana tumugon sa sinabi niya dahil parang nanigas na din ang mga ito.

"S-salamat." Utal kong sabi habang nakaiwas ng tingin sakanya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong takot hindi kaya may mangyayaring masama?

Isang malakas na putok ng baril ang bumulabog sa lahat at parang nag-slowmo' ang buong paligid ang tangi ko lang nakita ay ang pagharang sa 'kin ni aiden at ang pagbagsak nito sa lupa.

"Aiden...!" Sigaw ko. Lumapit sa 'kin sila clayton, archimon at si gabby para harangan ako, wala akong sawa sa pag linga-linga ng ulo ko para hanapin ang kung sino at saan nang galing ang putok ng baril.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon