EIGTHTEEN

196 17 0
                                    

𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘔𝘖𝘛𝘏𝘌𝘙"

I'm standing here sa may hallway ng may humawak sa baliakat ko kaya humarap ako para malaman kung sino 'yun.

"Ikaw pala 'yan genesis!" Saad ko.

"Mukhang madami kang iniisip."

"Hindi naman."

Humarap ulit ako kung saan ako nakatingin kanina, I was looking to the students na naglalakad at busy sa kanya-kanyang mga ginagawa habang 'yung iba naman ay masayang nakwe-kwentuhan habang nakaharap sa bawat isa and it's like a normal days for them.

Naagaw ang pansin namin nang marinig namin ang mga hiyawan mula sa basketball room na nakapukaw sa kuryusidad naming dalawa ni genesis. Agad kaming pumunta do'n para malaman ang nangyayari ng bumungad samin sila president hawkins at vp. clayton na naglalaro ng basketball.

"Mukhang masaya 'to" bungad ni genesis ng makita ang dalawang lalaki na naglalaban sa gitna ng court, sari-saring mga hiyawan ang naririnig ko ang iba ay sinisigaw ang pangalan ni tyler at ang iba naman ay hinihiyaw ang pangalan ni clayton.

Umupo ako kasama ng iba pang mga studyante at pinagmasdan ang dalawa parehas silang magaling kaya wala akong masabi.

"Ms. Dayton pinapatawag po kayo ni head mistress." Saad ng lalaking ngayo'y nasa harapan ko. Tsk, ano nanaman kayang kailangan ng matandang 'yun?

Sumunod ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa interrogation room kaya napataas ang dalawa kung kilay. Pumasok kami sa madilim na kwarto wala akong masyadong maaninag dahil sa maalikabok at madilim ang lugar, medyo matagal na pala simula ng linisan ko ang lugar na ito.

"What do you want?" Bungad ko ng makita si head mistress na nasa swivel chair ni tyler.

"Napakapranka mo talaga callista that's why I like you." Saad nito na ikinaerap ko sa ere. "Have a sit mahintay pa tayo may surpresa ako para sa'yo." Dagdag pa niya.

"Bakit parang kinakabahan ako?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ito. I know meron nanaman siyang naiisip na gawin hindi ba siya nagsasawa? Tsk.

"Hi, everyone!" Napalingon ako ng may boses akong marinig mula sa aking likuran kaya nanlaki ang mata ko nang makita ko ay ang isang pamilyar na babaeng ngayon ay nakatingin sa'kin.

"Mo—mommy?!"

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon sa harap ko, I want to cry and hug her because I really missed my mom so much. Pero bakit parang may kakaiba?

"Callista I miss you so much!" Agad na lumapit sakin si mommy at agad akong niyakap.

"Ano po'ng ginagawa niyo rito?" Tanong ko dahil naguguluhan parin ako sa nangyayari dito.

"Kasi—!" Naputol ang sana'y sasabihin ni mommy ng magsalita si head mistress na ngayon ay nakatayo na sa pagkakaupo niya at humarap saakin.

"Let me explain it all." Saad niya hinayaan ko nalang siya dahil gusto ko ring malaman ang katotohanan.

"Your mother is the owner of this school kanang kamay lang niya ako, you're so lucky to have a mother like her dahil kung hindi dahil sakanya wala kang yaman o kahit anong luho na mabibili, at dyan sa tattoo mo sa braso it's means na ikaw ang nag-iisang tagapagmana nito!"

Naluluha akong tumingin sa mga mata ni mommy gusto kung magalit dahil nagsinungaling siya at gusto ko siyang sisihin dahil napaka raming buhay na ang nawala dahil sa paaralang 'to! I hate her.

"P-paano niyo 'to nagawa mommy? Bakit? Bakit?" Sigaw ko.

"I am surely an idiot and deserve every bit of your anger I know that all of my mistakes are too much to forgive, pero maintindihan mo din ako pagdating nang tamang panahon. Pag ikaw na ang namumuno sa lugar na 'to."

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon