𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘛𝘏𝘙𝘌𝘌 𝘏𝘜𝘕𝘋𝘙𝘌𝘋 𝘗𝘈𝘙𝘛𝘠"Ngayon ay nasa ilalim ako ng puno ng makita ko ulit 'yung babae na laging tahimik at laging nasa gilid at may hawak na libro hindi na ako nag dalawang isip na lapitan siya.
"Hi!" Saad ko habang nakatingin sa'kanya nagangat siya ng tingin bago itiklop ang hawak niyang libro at tapunan ako ng isang matalim na tingin.
"Tigilan mo na." Maikling saad nito bago tumalikod sa'kin na ipinagtaka ko. Tumigil? Saan.
"Tumigil ka na sa paglapit kay Tyler at tumigil ka na din sa pangingialam mo bago pa may mga mapahamak ng dahil sa'yo, hindi ka nagiisip." Galit na sambit niya bago ako tuluyang iwanang mag isa ito ba talaga ang dapat kung gawin ang manahimik lang para wala nang masaktan.
"Callista!" Nagulat ako ng may humigit sa baywang ko at pagtingin ko si president Hawkins 'yun na nagaalalang nakatingin sa'kin.
"A-ano bang problema mo?" Nanginginig kung tanong sakanya.
"Ilalabas na kita sa lugar na 'to sa lalong madaling panahon pangako 'yan."tumingin ako sa mga mata niya at wala akong ibang makita kundi ang matinding pagaalala nito sa'kin 'di kaya may nangyari na naman ininangat nito ang mga braso at naglabas ng isang kutsilyo.
"Hindi kita maintindihan." Naguguluhang kung saad habang nakatingin parin sakanya.
"Malapit na ang 300 day's party ninyo at siguradong may mangyayaring kakaiba sa araw na 'yun kailangan ko lang masigurong ligtas ka, kaya please take this callista." 'di ko namalayang tinanggap ko an pala ang kutsilyo na ngayo'y nasa mga palad ko na.
"Magiingat ako." Isang malaking ngiti ang pinakawalan ng mga labi niya bago ako yakapin ng mahigpit.
"T-teka bakit mo ba ako niyayakap ano ba tayo?" Naiirita kung tanong bago kumalas sa pagkakayakap niya na ikinakunot ng nuo niya.
"You're my girl." Maikling sagot nito bago ulit lumapit sakin kaya agad din naman akong lumayo sakanya.
"Hindi ko maalala na pumayag ako na maging your girl mo!"
"Ah, gano'n ba kailangan ko pa bang gawin 'yun? The fact ako ang presidente sa lugar na to."kunot nuo niyang sambit.
"Hoy lalaki anong kala mo sakin tanga 'di ako naiinlove sa isang tao ng gano'n ka bilis." Sigaw ko sabay hawi ng buhok na ikinangisi niya.
"Sige, I'll make you fall in love with me just in one whole day." He smirked. Napaerap nalang ako ano nanaman kayang binabalak ng lalaking to.
"Sige lang 'di ka magtatagumpay." Taas kilay kung bulong sa sarili bago tumungong classroom pagdating ko do'n nagulat ako ng makita si ma'am kate na nakangising nakatingin sa'kin. Himala ang aga niya ngayon. Tumayo kaming lahat at bumati kay ma'am kate bago tuluyang umupo.
"hi class you all know that this week our 300 days party will be held so prepare well because there are many new things that will take place at that party. thank you."ngising saad niya habang nakatingin sa'ming lahat I don't know kung matutuwa ako sa salitang party o kakabahan dahil sa mga ikinikilos nilang lahat.
Napasinghap ako ng bumulaga sa daan si president Hawkins na nakakunot ang nuo at blangko ang emosiyon sa kanyang mukha.
"What?" Nakataas kilay kung tanong sa'kanya habang kinukuha ang kutsilyong ibinigay niya kanina sakin sa loob ng bag ko at agad kong hinigit ang kamay niya at ibinigay ang kutsilyo." I don't need that." Dagdag ko pa.
"Tsk." 'yun lang ang tanging salita na nanggaling sa bibig niya tsaka lumapit sa'kin kaya napaatras ako dahil sa ginawa niya hanggang sa lumapat ang likod ko sa katapat na pader kung saan siya naro'n kanina.
BINABASA MO ANG
"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]
Mystery / ThrillerSi Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan. Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa...