FIFTEEN

226 17 0
                                    

𝗡𝗮𝗶𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘈𝘝𝘖𝘐𝘋"

Nasa kusina ako ngayon at nagbabasa ng tuwalya pang punas sa mga pasa at sugat nila archimon at vp. Clayton dahil hindi makapunta si nurse sigh dahil may emergency siya ngayon pero magiging maayos lang naman sila dahil sa mga pina inom kung gamot na ipinadala si nurse sigh sa kwarto namin kanina.

Nagmadali akong lumapit kay archimon ng gumalaw ito at tuluyang magkaroon na ito ng malay.

"Ayos ka na ba? Anong pakiramdam mo?" Sunod-sunod kung tanong habang nagaalalang nakatingin sakanya pero tila nagmumuni-muni pa siyang at pinagmamasdan ang buong paligid bago tuluyang dumapo ang tingin sa'kin.

"Okay lang ako don't worry." Saad niya na nakapagpaluwag ng dib-dib ko. Kanina pa kasi ako nagaalala sa kalagayan niya.

"Kukuha lang kita ng tubig." Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at nang maglalakad na ako palayo napahinto ako ng agad nitong hinatak ang kamay ko kaya napaupo ulit ako sa sofa kung saan siya nakahiga.

"Don't leave me. Dito ka lang." Mahinahon nitong saad bago niya ulit ipikit ang mga mata niya kaya agad akong napangiti.

You know matagal ko ng natanggap na 'di talaga kami para sa isat-isa ni president Hawkins simula ng makilala ko si archimon it's all change dahil nagsisimula na akong mahulog sakanya but I'm so scared to admit it at baka kagaya ni president Hawkins layuan at kainisan niya din ako, okay na to na lagi kami masaya at nag uusap dito palang kuntinto na ako.

"Hindi kita iiwan pangako 'yan." I whispered. Tinapik-tapik ko nag braso niya para mas maging komportable pa siya sa pagtulog. Pinili kung hindi lang muna pumasok sa araw na 'to dahil nga sa nangyari babawi nalang siguro ako sa mga susunod na araw pag magaling na si archimon.

Pagka-uwi ni callista nagulat ako ng may tumutulong luha sa mga mata niya at agad niya din akong niyakap.

"Teka, ano bang nangyayari sayo?" Alalang tanong ko pero hindi siya sumagot at patuloy na humagulgol I tried to calm her down at agad na binigyan ng isang basong tubig.

"Si president di'ba?"

"Bakit gano'n na siya umasta ngayon? He acting like he didn't know me and always ignoring me." Saad niya kaya napaisip ako bakit ngaba 'to gagawin ni president Hawkins kay callista alam naman ng lahat na mahal niya 'to. Pero malakas ang kutob ko na may dahilan siya sa pag layo kay callista pero ang tanong ano 'yun?

"Lahat ay may dahilan."

"So ano ang dahilan niya he didn't know na nasasaktan ako kasi mahal ko siya! Malas lang hindi ko nasabi sakanya ng may pagkakataon pa." Malungkot na sambit ni callista bago tumayo at simulang mag lakad papuntang kwarto niya.

Hinayaan ko lang muna siyang mapagisa dahil alam kung mahirap para sakanya ang mga ganitong pangyayari,baka bukas magiging maayos na din siya napatingin ako sa sofa at nagtaka ako ng wala na do'n si archimon kaya hinanap ko siya sa labas at agad ko siyang natanaw sa may open area at taimtim na nagmamasid sa buong paligid.

"Hey!" Bungad ko sabay upo sa tabi niya tumingin siya sa'kin sabay ngiti kaya agad din akong gumanti ng ngiti sakanya.

"Nasasayo pa ba 'yung kutsilyong ibinigay ko sa'yo?" Seryusong tanong nito sa'kin kaya agad naman akong tumango.

"Yes, nasa bag ko." Maikli kung sagot sakanya.

"Good may pinaghahandaang malaking giyera si head mistress at ang iba pa niyang kasamahan we need to be prepared lalo na't mas makapangyarihan siya kaysa sa'tin." Napa isip ako sa sinabi niya kung may binabalak na malaking gulo si head mistress ibig sabihin nun malaking gulo din ang mangyayari sa lugar na 'to. Kailangan kung maghanda.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon