THIRTY-SEVEN

131 10 2
                                    

𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗽.𝗼.𝘃
𝘗𝘚: 𝘛𝘙𝘈𝘗𝘌𝘋

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Sobrang sakit ng likuran ko hindi ko din gaanong maaninag ang nasa paligid ko dahil sa sobrang labo ng paningin ko pero isa lang ang sigurado ako. Madilim ang lugar na kinalalagyan ko ngayon at may nakakasukang amoy na umaalingasaw sa buong paligid.

Napapiglas ako ng mapagtanto kong nakatali ang kamay at paa ko sa hinihigaan kong kama ngayon.

"Ano bang nangyayari?" Bulong ko sa sarili. At sa pagkakataong 'yon may boses na akong narinig isang pamilyar na boses.

"Gising kana pala callista, kahapon ko pa hinihintay na magisingka." Bigla akong nangilabot. Alam kong si aiden ang naririnig kong boses sa mga oras na to pero bakit parang ang bigat at sobrang nakakatakot ng awra niya ngayon.

"Aiden? A-andito kaba para iligtas ako? Please kalagin mo na ang mga tali sa kamay at paa ko ang sakit na kasi e' at nasaan si tyler kasama mo ba siy-!" Napahinto ako ng maramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama.

"Akala ko pa naman matalino kang babae..."

Sa pagkakataong 'yon ay luminaw na ng tuluyan ang paningin ko at kitang-kita ko kong gaano kasama ang titig sa 'kin ni aiden.

"A-ano bang sinasabi mo? bakit ayaw mo akong kalagan?" Sunod-sunod kong tanong sakanya na ikinahalakhak niya.

"Hindi mo ba nakikitang ako ang nagtali sayo d'yan kaya bakit kita papakawalan?!" Sigaw niya. Bahagya pa siyang lumapit sa 'kin tsaka ako hinalikan sa noo.

"Pero bakit, aiden?"

"Hindi mo ba talaga ako makilala?" Tanong niya na ikinailing ko. Ngumisi siya tsaka sumipol at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino siya.

"M-mr. fernando!" Nauutal kong sabi habang nakatingin sakanya. Hindi ko alam kung anong iisipin, Paanlng naging siya si mr. fernando kong iba ang mukha, boses at pagkatao niya.

"I know your thinking right now, paano ako naging si mr. fernando. Tama ba?" Hindi na ako sumagot sa itinanong niya at nanatili nalang na nakatuon ang pandinig sakanya.

"Siya ba ang hinahanap mo?" Tanong niya ulit sa 'kin tsaka pinindot ang remote na kanina pa niya hawak. Napatingin ako sa may kurtina ng bigla itong bumukas at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may makita akong bangkay na nakatali sa upuan.

Ni hindi ko 'yon magawang titigan ng matagal dahil parang bumabaliktad ang sikmura ko dahil do'n. Halos buto nalang ang bangkay at inu-uod ang buo nitong tawan. "AIDEN SOLIDAD". d'yan pala nanggagaling ang nakakasukang amoy na kanina ko pa naamoy.

"I-ibig sabihin-!"

"Yes, kinuha ko ang pagkatao niya. Pangalan niya, mukha niya, boses niya at higit sa lahat ang ugali niya. Ang hirap kaya maging mabait lalo na't nakikita ko kayong masaya, hahaha kung alam niyo lang kung gaano ako kagigil na patayin kayo." Ngumiti siya tsaka tumayo at lumabas ng pintuan. Iniwan niya akong nakatulala at nakatingin sa bangkay na nasa bandang kaliwa ko.

Baliw talaga siya!

Maya-maya pa ay dumating na si mr. fernando, dumiretso siya sa tabi ko sabay ngiti. May dala siyang supas ibunihos niya ito sa isang mangkok tsaka inihipanng dahan-dahan.

"Kumain ka." Pautos niyang sabi bago ilapit ako kutsarang may supas malapit sa bibig ko.

"At bakit kailangan kitang pagkatiwaan? malay ko ba kung may lason ang pagkaing 'yan." Pagmamatigas ko.

"Kung hindi ka kakain baka pumayat ka." Sabi nito na ikinangisi ko. May pakialam na pala ngayon ang mga mamatay tao sa taong papatayin nila.

Tinitigan ko siya ng mabuti bago tuluyang magsalita.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon