FOUR

374 29 0
                                    

𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘔𝘠𝘚𝘛𝘌𝘙𝘠"

Dinala namin siya sa clinic kaya agad naman siya inasikaso ng nurse na laging naro'n. Sinimulan na siyang gamutin dahil meron siyang saksak sa bandang tagiliran na dahilan kung bakit siya nanghihina, napailing ang nurse ng makita ang kalagayan ni dianne na ngayon ay kinakapos na ng hininga pinalabas niya kami nila naia at archimon.

"Sino ba siya?" Tanong ko kay naia na ngayo'y pabalik-balik at halatang naga-alala sa kalagayan ng babae na nasa loob ng clinic.

"She's dianne 'yung room mate natin." Sagot niya sa tanong ko habang nakatingin kay archimon. Pero anong nangyari sakanya? Iyan ang tanong na gumugulo sa isip ko. Maya-maya pa ay lumabas na ang nurse at pinapasok na kami sa loob ng clinic nakita namin si dianne na maayos na ang kalagayan.

"Maayos na siya don't worry maya-maya lang magkakaroon na siya ng malay." Sambit ng nurse sabay talikod.

"T-teka! Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa nurse kaya napahinto ito at tinapunan ako ng tingin.

"I'm nurse Sigh at your service, at meron pala akong sasabihin sainyo about sa dinala niyong babae, please follow me." Saad ni nurse Sigh kaya agad kaming sumunod sakanya papasok ng opisina niya.

"What is it?" Tanong ni archimon kay nurse Sigh.

"Yung kaibigan niyo mayroong nakaturok na druga sa katawan niya and that drug is called angels trumpet isa siyang uri ng druga na nakukuha sa isang klase ng bulaklak at nakakaapekto sa taong tuturukan nito." Pagpapaliwanag ni nurse sigh na ikinagulat naming tatlo.

"Druga?" Takang saad naia. Napatingin kami sa isat-isa ni archimon ng may kumakalabog sa pinto na parang sisiran ito kaya agad kaming lumabas at tiningnan si dianne gising na ito at takot na takot at nakatingin sa pinto. Nang masira ang pinto agad nitong iniluwal sina ma'am kate at head mistress na nakataas pa ang mga kilay may kasama silang ilang kalalakihan.

"Kunin niyo na siya." Pasigaw na sambit ni ma'am kate sabay senyas sa mga lalaking kunin si dianne, ano ba talagang nangyayari? naguguluhan ako.

"Hindi niyo siya makukuha!" Sigaw ko sabay harang kay dianne na ikinahalakhak ni head mistress.

"Don't you dare miss. Dayton."pagbabanta nito bago ikumpas ang mga kamay kasabay nun ng maramdaman kung may humampas sa'akin sapat lang para mapasalampak ako sa sahig.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ni archimon na ikinangisi nila head mistress at ma'am kate.

"Siya ang kailangan namin, meron lang tayong 'di pagkakaunawaan kukunin na namin siya." Saad ni head mistress dinampot ng mga lalaki si dianne at kinaladkad palabas ng clinic kaya wala na kaming nagawa para mapigilan sila.

"Fuck," rinig kung mura ni naia habang pinagmamasdan ako.

"Let me heal you." Saad ni nurse sigh sabay alalay sa'akin sa higaan at gamutin ang sugat ko sa ulo.
"Wag na kayong makialam kung gusto niyo pang magtagal ang mga buhay niyo, may pinapasok kayong malaking laro kung saan ang mga buhay niyo ang siyang nakataya." Dagdag pa ni nurse sigh habang pinagmamasdan kaming tatlo.

"Ano mananahimik nalang ba kami?" Sigaw ko.

"Yeah, just always keep your mouth shut if you don't want to die like what happened to others." Pagkasabi ni nurse sigh nun agad na siyang umalis at iniwan kami. I need to know all about this shit!

Ilang araw ang lumipas simula ng kunin nila head mistress si dianne pinilit namin siyang hanapin pero kahit isang istudyante ay walang nagsalita o kumausap man lang sa'amin.
Nagpasya akong magtungo sa library para sana makahanap ng sagot sa mga tanong ko.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon