TWENTY-THREE

201 15 3
                                    

𝗖𝗮𝗹𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘃𝗶𝗲𝘄
"𝘛𝘏𝘌 𝘛𝘙𝘜𝘛𝘏"

Nakatingin ako ngayon sa talim ng kutsilyong ibinigay sa'kin ni tyler at pinagmamasdan ang sariling repleksiyon mula dito. And asking my self kung itutuloy ba namin ang planong iligtas sila tyler kung hindi namin alam ang mga bagay na naghihintay sa'min do'n.

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal si clayton na nakangiting nakatitig sa'kin.

"Are you ready?" Tanong nito. Tumango nalang ako bago sumama sakanya palabas ng kwarto.

Paglabas namin naabutan namin sila gabby, naia at genesis na nag-uusap usap kaya umupo na din kami katabi nila.

"We must never make a mistake in the plan because if we do not succeed it may be the end of us all." Saad ni gabby habang seryusong nakatingin saming lahat.

"Gawin natin 'to ayon sa plano."

"Gagawin ko lahat maprotektahan ka lang callista, tandaan mo 'yan. hanggat kasama mo ako ni isang hibla ng buhok mo hinding hindi nila magagalaw." Napangiti ako ng sabihin 'yun ni clayton. Now i feel secure.

"Ganoon din ako sa'yo." Saad ko naman bago ngumiti.

Dito na mag sisimula ang tunay na labanan.

Gabi na ngayon, palihim naming binuksan ang office ni head mistress dahil sa mga oras na ito ay wala na si head mistress sa office niya kaya itinuon namin ang oras na ito para pumuslit.

"Wag kayong gumawa ng inggay." Saway ni genesis bago mag patuloy sa paglalakad papuntang office. Lahat kami ay nakasunod sa likod niya at hinihintay ang mga senyas ng kamay nito saamin.

Kilala siya pagiging tahimik kumilos, pagiging matalino at pagiging pulido sa plano dahil din ito sa mga naririnig ko na usap-usapan sa buong iskwelahan.

Pinindot ni gabby ang buton na nasa likod ng mga koleksiyon ng mga tasa at nagbukas ito. Isang elevator ang bumungad sa'min na ikinagulat ng lahat. It's amazing! Pumasok kami sa loob at pinindot ang pinaka babang bahagi ng mga numero.

"Humanda na kayong lahat, Tandaan niyo ang plano." Paalala ni clayton.

Biglang bumukas ang elevator sa isang lugar na puro puti ang nakikita, sobrang lawak ng paligid at napakatahimik na parang walang kahit anumang gulo ang nagbabadya sa lugar na tulad nito.

Nagtago kami ng may mga taong dumating. Sumilip nalang ako sa awang na nasa gilid ng mga kahon na pinagtataguan namin ngayon. Nakalab gown sila nakaface mask at face shield pa at may hawak ang isa sa kanila ng lagyanan ng pagkain.

"Nadala mo na ba ang pagkain na ipinabibigay ni head mistress sa kwarto nila president hawkins." Rinig kung saad ni isa.

"Hindi po...! Ayaw kasi nilang kumain itinatapon lang nila." Galit na ihihagis ng isang lalaki ang hawak nitong lagyanan ng pagkain sa basurahan bago tuluyang umalis kasama ang isa pang lalaki.

Tuminginsi gabby sa mapa at tumingin samin.

"Mag hihiwa- hiwalay tayong lahat para mas mapabilis ang paghahanap sa kwarto na sinasabi ng mga lalaking 'yun. Clayton at Callista sa kanang bahagi kayo, Genesis...!" Natigilan si gabby sa pagsasalita ng unahan siya ni genesis.

"Gusto kong ako lang mag-isa." Saad nito.

"Okay. Tayong dalawa naman ang magsasama Naia." Pagpapatuloy ni gabby.

Naghiwa-hiwalay na kami sa ibat-ibang direksyon ayon sa ibinigay ni gabby. Hawak namin ang isang piraso ng mapa para malaman namin kung saan saktong nakalagay ang mga kwarto at pasilidad dito.

"𝗛𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗡𝗘 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon