Mariane POV
Nandito ako ngayon sa isang garden, nakaupo ako dahil sa pagod.
Tumakbo kasi ako kanina nung sinundan niya ako, paniguradong nag tataka na yun.
Isa siya sa mga male lead.
He's Cloud Martinez, a certified playboy.
Isa siya sa nagkakagusto kay female lead kaya grabe yung kaba ko kanina nung hinabol niya ako,
Isa din yun sa tagapagtanggol ni female lead habang binubully ni mariane.
Limang taon ang tanda nun sa akin kaya 21 na siya.
At sa pagkaalaala ko kaklase ko rin siya.So, 4th year college na si mariane, sabagay matalino si Mariane, kaya nakapagtake siya ng exam para maging 4th year college, at syempre para makasama su Luxurious.
Sana hindi ka na lang nagtake Mariane.
Napabuntong hininga na lang at nag simula ng tumayo, hahanapin ko pa yung classroom na papasukan.
Hindi naman pwede na mag tanong ako dahil magtataka sila kung bakit hindi ko alam kung saan ang classroom ko.
Nagsimula na akong maglakad, hindi ko rin maiwasang hindi mamangha dito sa garden dahil may mga iba't ibang mga halaman at bulaklak at halatang inaalagaan.
Kanina pa ako nag lalakad at hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung classroom ko.
Sa pagka alaala ko Section A-4th year.
Kaya nag simula Na akong maghanap at saktong may nakita akong map. Buti na lang.
Nang mahanap ko na ang classroom ko nag simula na akong maglakad.
kinuhanan ko na lang ng litrato yung map, makakalimutin kasi ako.
Ramdam ko ang tingin ng mga ibang estudyante sa akin at nagbulongan.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nahanap ko na man na ang classroom ko.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Hah! Kaya ko toh, hindi naman siguro ako mawawalan ng ulo."
mahina kong bulong.Napabuntong hininga ulit ako, at binuksan ko na ang pinto na kamatayan este ng classroom,
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mga kaklase ko.
Napalunok ako ng tumahimik sila ng makita ako.
Nagiwas na lang akong ng tingin
at sa pagiwas ko nang tingin may dumapo ng kamay sa pisnge ko.
Puta pre sinampal ako.
Ang bilis ng pangyayari, hindi ko napansin na may sumampal na pala sa akin.
Napatingin naman ako sa taong sumampal sa akin, nanlaki ang mata ko,
wala sa sariling napahawak sa leeg ko.
Nagsimula na akong kabahan, napaatras ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin.
Sabing ayaw kong makatikim ng sampal sa kanya eh.
"Luxurious wag mo naman siyang saktan," Tama kayo ng nabasa si luxurious ang nasa harap ko at sumampal sa akin.
"She deserve that for hurting you Camille." malamig pa sa yelong sabi nito.
Napatingin naman ako kay Camille, the female lead.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...