=CHAPTER 12=

5.4K 266 28
                                    


Mariane POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko tinatapos ko yung project namin ni nathan.


Sina- summarize ko kasi yung interview namin ni nathan  tungkol sa trabaho ni tita anne bilang journalist.


Nag hati lang kami ni Nathan ng gagawin, siya muna ang gumawa ng kalahati tapos ako naman sa mga kulang.


Umunat ako at saktong tumunog ang buto ko sa likod dahil na rin siguro sa pangangalay.


Sunday ngayon kaya tinatapos ko na yung project dahil bukas na ang deadline nito.


nandito rin yung mga kaibigan ni Camille, dito rin sila gumagawa ng projects nila. Rinig ko nga yung ingay nila sa baba eh. Hindi kasi sound proof yung kwarto ko kaya rinig ko talaga yung ingay nila.


kumunot ang noo ko, mayroon bang ganon? imbes na gumawa ng project eh nagiingay sila


 hindi ba nila alam ang salitang manners. kanina kasi hindi ako makapag concentrate at hindi makapag isip ng maayos  dahil ang iingay nila, nananadya ba sila?


kung mag iingay lang sila edi sana hindi na lang sila dito gumawa.  bahala sila diyan mag ingay lang sila ng mag ingay dahil kapag ako hindi nakapagtimpi bubusalan ko ng tae ang mga bunganga nila. As if naman na magagawa ko yun lalo na nandito si Luxurious.


hindi pa naman ako tapos sa gawain ko.


ako pa naman yung tipo ng tao na ayaw maingay kapag gumagawa ako ng mga assignments o projects ko, kahit sa dati kong buhay ayaw ko ng maingay  lalo na kapag may importante akong ginagawa alam iyon ni kuya at ni mama kahit ang mga kaklase ko dati na feeling close.


pero ano pa ba ang magagawa ko, edi ang makiusap sa kanila na wag magiingay.


napabuntong hininga na lang ako at niligpit ang mga nagkalat na papel sa study table, mamaya ko na lang tatapusin kapag hindi na sila maingay.


anong oras na ba?


napatingin naman ako sa orasan, 3:48 pm na at saktong namang kumulo ang tiyan ko.


napasimangot ako dahil nakakaramdam na ako ng gutom, doon na lang siguro ako sa labas ng sub division kakain dahil mayroong seven eleven doon, ayaw kung kumain sa baba.


breakfast lang kasi ang kinain ko kanina, hindi na ako nag lunch dahil nasa baba sila.


Ayoko naman silang makita.


hindi na ako nag abala na mag palit ng damit dahil mukha naman akong disente sa suot ko.


naka oversize tshirt ako at jogging pants, okay na toh.


kinuha ko na lang ang wallet at cellphone at lumabas na ng kwarto.


nandito pa lang ako hagdanan rinig na rinig ko na ang ingay na nila, maliban na lang kay Luxurious at Skyler na tahimik.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon