=CHAPTER 2: Montemayor Academy=

6.2K 256 3
                                    

Napabuntong hininga ako dahil sa kaba.

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan, papunta sa papasukan ko.

Doble doble ang kaba ko dahil baka pagdating ko doon mapugutan ako ng ulo.

Ayokong mangyari sa akin yung nangyari kay Mariane, kaya habang maaga pa gagawin ko ang lahat para hindi mangyari yon.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse, at pinagmasdan ang paligid.

Binuksan ko ang bintana at dinama ang simoy ng hangin.

Ganito ginagawa ko kapag kinakabahan ako.

Dahil sa paraan na ito nababawasan ang kaba ko.

Hindi ko pa nakakausap yung daddy ni Mariane, hindi din daw siya umuwi.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya,

Dahil sa totoo lang mabait ang daddy niya, nagawa lang niya akong sigawan dahil sa galit ,

Sino ba naman ang hindi magagalit kung laging nang bubully ang anak nya.

Hayyyssst...

Sa totoo lang lahat ng gusto ni Mariane binibigay ng daddy niya dahil mahal na mahal siya ng tatay niya.

Kaso nga lang lumalampas na siya sa linya, kaya hindi na alam ng daddy niya kung anong gagawin sa kanya.

"My lady nandito na po tayo." sabi ni manong driver.
Siya si Mang Ronald, personal driver nj Mariane.

lumukob nanaman ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

Putek! Akala ko nawala na, punyemas!

"Mang Ronald mukhang hindi ko pa kayang lumabas kinabahan po ako." kinakabahan kong saad.

Nagtataka namanng tumingin sa akin si Mang Ronald.

"My lady bakit naman po kayo kakabahan?" nagtataka nitong sabi.

Awkward naman akong tumawa.

"Oo nga naman bakit nga ba po ba ako kakabahan hehehe!"

bakit ko ba sinabi yun?

Yan tuloy mukhang nawirduhan siya sa akin.

"Aahh sige Mang Ronald papasok na po ako." pagpapaalam ko at ngumiti sa kanya.

Tumango naman siya.

"Sige po My lady pagbubuksan ko po kayo ng pinto." sabi niya at akmang bababa ay pinigilan ko Na ito at umiling.

"Wag na po Mang Ronald ako na lang po."

"Sigurado ka ba My lady." tumango naman ako at bumaba na.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan bumungad sa akin ang naglalakihang gate, kaya kung may balak kang mag cutting hindi ka makakalabas dahil may mga bantay din sa paligid.

Grabe mga security dito. sa gate pa lang may security na.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Manong Ronald.

"Manong Ronald mauuna na po ako, ingat po kayo sa byahe." tumango naman siya at ngumiti.

"Ingat din po kayo My Lady." Tumango naman ako at tumalikod na, narinig ko naman ang papaalis na sasakyan.

Napatingala ako at binasa ang nakasulat sa taas .

"Montemayor Academy." mahina kung saad,

Potek!

Kinakabahan ako!

Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko rin ang mga tingin ng ibang estudyante na papasok na rin.

At alam kung nakilala na nila ako dahil sikat si Mariane, at nagsimula na nga po silang magbulungan.

Expected ko na talagang mag bubulungan sila pero hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Linabas ko ang ID Pass ko, dahil kailangan yun dito.

Pinakita ko ito kay manong guard,
kaya tumango naman siya at pinapasok ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita ko, may mga naglalakihang mga building na alam kong mga classroom yun.

Nilibot ko pa ang tingin ko at nakita kong may pa fountain pa.

Gosh ang ganda.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at naalala ko pa palang hindi ko alam kung saan yung classroom ko.

Hayyst ang bobo ko talaga.

Napatalon ako ng may naramdaman akong may umakbay sa akin.

Kaya napatingin ako dito.

Isang lalaki na may pulang buhok, at mukha ding playboy.

Sino naman toh?

"Hi Mariane Musta?." sabi nya at ngumiti habang nakaakbay sa akin. Kaya tinanggal ko ang mga braso nito sa akin at lumayo.

Hindi ko pinansin ang pagbati nito, at tahimik na lang nagpatuloy sa paglalakad.

kinakabahan ako dahil hindi pa naman ako pamilyar dito.

Pero teka lang, pulang buhok, nanlaki ang mata ko at nananalangin na sana hindi sya yun.

Pero iisang sa campus na ito ang may pulang buhok.

Nakita ko pa sa peripheral vision ko na mukhang nagtataka sa inasta ko at hindi ko akalain na susundan ako nito kaya binilisan ko ang paglalakad.

Shit, ano ba kailangan nito?

"Hey, wait mariane." sigaw nito kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon