Third Person POV
"What are you talking about Dean? What happened?" Nagtatakang tanong ni Skyler.
Bahagya ding kumunot ang noo ni Luxurious dahil sa narinig mula sa Dean.
"O-oum about that...." Hindi mapigilan ng Dean na hindi mautal dahil sa kaba at takot na nararamdaman.
Mayroon kasing nakakatakot na nakatingin sak kanya.
Nakatitig sa kanya si Mariane ng mariin at binibigyan siya nito ng nakakatakot na tingin na kahit sino manghihina dahil sa uri ng tingin nito.
Wala naman nakakapansin dito maliban kay Hercules na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin kay Mariane.
Alam ng Dean ang ibig sabihin nun.
Ayaw ni Mariane na sabihin niya ito sa kanila.
Hindi alam ng Dean kung bakit pero nadadala at natatakot siya sa mga titig ni Mariane.
"What about Dean?" Mariin at malamig na tanong ni Luxurious.
Isa pa to. Nakakatakot din.
Hindi niya alam ang gagawin ng bigla siya unahan ni Sapphire.
"Muntik ng mapatay ni Mariane ang Leader ng Eagle Association." Walang pag-aalinlangang saad nito.
Nagulat naman silang lahat sa narinig maliban sa mga student council na kalmado lang ang mga mukha.
'Muntik ng mapatay?'
'Nagpapatawa ba ito?'
'Paano naman niya magagawa yun?'
Iyan ang mga nasa isip ng mga kasama ni Luxurious, dahil hindi sila naniniwala na magagawa niya ito.
"Pakielamera' Sambit ni Mariane sa kanyang isip.
"What do you mean Sapphire? Paano niya magagawa yun?" Nagtatakang tanong ni Cloud.
"Binugbog lang naman nito at binasagan ng bote sa mukha ang kaibigan ko kaya muntik na rin itong mamatay. Pati si Samantha dinamay niya. Binalian lang naman din niya ito ng buto sa paa." Mariin at walang emosyon nitong saad at halata sa mga mata nito ang galit na nararamdaman.
Nagulantang naman sila sa narinig at dali daling tumingin sa Direksyon ni Mariane na ngayon ay sumisipol dahil sa pagsabi ni Sapphire sa ginawa niya.
"Is that true Mariane?" Malumanay na tanong ni Camille sa kanya.
Napatingin naman sa kanya si Mariane at hindi sinagot ang tanong nito.
Palihim naman niyang sinamaan ng tingin si Sapphire dahil sa pagsabi nito.
Mukhang hindi naman ito napansin ni Sapphire.
Sarap balatan ng buhay. Pakielamera.
"Mariane, Answer may Question. Ginawa mo ba talaga yun?" Mariin na tanong ni Camille.
Hindi ulit sumagot si Mariane sa tanong nito at humikab na lang.
Nanliit ang mga mata ng taong nasa loob ng opisina ng Dean dahil sa inaakto ni Mariane.
"Mariane!!" Hindi na napigilan ng magtaas ng boses si Camille dahil hindi siya sinasagot nito at tahimik lang.
"Yeah. Ginawa ko yun ano naman. Nauna siya eh, siya ang unang nang bugbog sa akin gumanti lang ako." Walang ganang saad ni Mariane.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...