=CHAPTER 21=

4.9K 304 79
                                    


Third Person POV

"Ahh!" Daing ng leader ng Eagle Association dahil sa pagkakatama nito sa lamesa.


Nanlaki naman ang mata ng mga nakakita sa nangyari.



Habang si Mariane naman ay tumayo ito mula sa pagkakahiga.



Kung susuriin puro dugo na ang mukha ni Mariane dahil sa labis na pagkakasuntok sa kanya.



Lumapit ito sa Leader ng Eagle Association na si Violet.



Hinablot ni Mariane ang buhok nito at sinampal ng pagka- lakas lakas.



Tumilapon ult si Violet dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya.



Wala na sa sarili si Mariane kaya kung ano ano na ang nagagawa nito.



Lumapit ulit si Mariane kay Violet at tinadyakan na ito sa tiyan.



Napasigaw ng malakas si Violet dahil sa sakit. Ramdam na ramdam ni Violet ang bigat ng paa ni Mariane kaya sobrang sakit nito.



Napasuka naman ng dugo si Violet.



Hindi pa nakuntento si Mariane, tinadyakan din niya si Violet sa mukha kaya mas lalong napasigaw si Violet sa sakit na nararamdaman.



Habang ang mga estudyante naman ay napaatras dahil sa ginawa ni Mariane.



Ang iba ay natakot dahil hindi nila akalain na ganito pala kalakas si Mariane habang ang iba naman ay gulat na gulat sa nangyari.



Dumiretso naman si Mariane sa isang lamesa na may nakaupong estudyante at kinuha ang babasaging bote ng softdrinks.



Napalayo naman ang mga estudyanteng nakaupo doon dahil sa paglapit ni Mariane sa kanila.



Bumalik ulit si Mariane sa pwesto ni Violet na ngayon ay hinang hina dahil sa ginawa ni Mariane.



Itinaas ni Mariane sa ere ang hawak nitong bote at buong lakas na inihampas nito sa mukha ni Violet.



Nabasag ang bote sa mukha nito kaya mas lalong napahiyaw si Violet.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon