=CHAPTER 22=

4.9K 287 68
                                    

Mariane POV

Pagmulat pa lang ng aking mata puting kisame na ang bumungad sa akin.


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagtataka.



Napadaing ako dahil sa sobrang sakit ng aking mukha.



Nasaan ako?



Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at kung hindi ako nagkakamali mukhang clinic ito.



Anong ginagawa ko dito?



Napahawak ako sa aking mukha at napa- aray ulit dahil may naramdaman akong mga sugat.



Saan galing ang mga to?



Napatingin ako bigla sa pinto ng bigla na lang itong bumukas. Bumungad naman sa akin si Nathan.



Nang makita ako nito dali dali naman ako nitong nilapitan at nagaalala akong tiningnan.



"Buti gising kana Mariane! Ano ayos ka lang ba? Nagugutom kaba? May mga kailangan kaba?" Sunod sunod nitong tanong, wari'y alalang alala sa akin.



Teka anong nangyayari?



"Hah? Anong nangyayari? Tsaka wala akong kailangan?" Nagtatakang tanong ko dito.



Natigilan naman ito sa tanong ko.



"Ayos ka lang ba?" Nagaalala nitong tanong.



"Medyo hindi ang sakit kasi ng mukha ko at likod, ano bang nangyayari?" Nagtataka kong tanong.



Natahimik naman ito.



"Wala ka bang naalala?" Seryosong tanong nito.



Mas lalo naman akong nagtaka sa tanong niya.



"Hah? Ano? Ano walang naalala?" Naguguluhan kong saad.



"Tungkol sa nangyari kahapon." Mahina nitong saad.


SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon