=CHAPTER 18=

5.6K 291 55
                                    

Mariane POV

"Hi, Im Mariane Rose Travis." pagpapakilala ko sa mga bago kong mga kaklase,


Ngayon ang simula ng klase naming dalawa ni Nathan, at nandito kami sa harap ng magiging kaklase namin, at nagpapakilala.



Ramdam na ramdam ko ang mga matatalim at nakakamatay nilang tingin na parang handa na kaming kainin ng buhay.


"I-im Nathan Aveilor." nauutal na pagpapakilala ni Nathan.



Nararamdaman ko na natatakot siya sa tensyon na nararamdaman, ikaw ba naman palibutan ng mga mamamatay tao sinong hindi ang matatakot.



Kahit naman ako eh, nakakaramdam ng kaba.


Pero sa tingin ko kilala naman nila ako dahil sa apilyedo ko,



Dahil tulad nga ng sabi ko, kilala ang tatay ni Mariane bilang isang mayamang negosyante na maraming koneksyon, at may sariling Organization.



Kaya kung sino man ang magtangkang kumalaban sa tatay ni Mariane, hindi ka na sisikatan ng araw kinabukasan.



"So Ms. Travis and Mr. Aveilor, you can sit now." nakangiting sabi ng guro namin na si Ms. Antolina, bata pa siya, sa tingin ko mga nasa 28 year's old na siya.


Mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.


Tumango kami ni Nathan at nagsimulang maglakad  papunta sa may bandang likuran dahil doon ang may bakante pang upuan.



Kumg kutsilyo lang ang mga titig nila kanina pa siguro kami napaulanan ng saksak.


Nagsimula ng mag discuss ang guro na nasa harapan ng pisara, tungkol lang ito sa history.


At halos lahat ng mga kaklase namin ni Nathan ay hindi nakikinig at may mga sari-sariling ginagawa.


Parang wala lang din naman yon kay Prof Antolina dahil mukhang sanay na sanay na siya sa ganitong ugali ng mga estudyante.



Napahawak ako sa leeg ko dahil parang nakakangalay.



Napatitig ako sa labas ng bintana, dahil katabi ko  lang naman ito.



Napatitig ako sa kalangitan at bumuntong hininga.



Sa Novel, ang pagkakaalala ko may mga battles na ginaganap dito.



Yeah, may mga battles na ginaganap dito, paraan ito  para tumaas ang rank ng bawat estudyante.



Base on numbers ang ranks nila at sa pagkakaalam ko mahigit limang libo ang estudyante dito.



Kapag napataas mo ang ranks mo kakatakutan ka ng mga estudyanteng mababa ang mga ranks.



Sa kasalukuyan, si Luxurious ang Top 1 rank dito sa heavenhell.



Pangalawa si Hercules Fernandez, 



Huh? Hercules?



Ayy teka!!?? Huh!?



Nanlaki ang mata ko, ngayon lang nag sink in sa utak ko yung pangalan na yon, oo nga pala si Hercules bat ko ba siya nakalimutan.



Napaka importante pa naman ng role niya sa kwento,



Aishh bat ko ba siya na nagawang kalimutan,



Si Hercules Fernandez siya ang isa pang Villain sa kwento.



SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon