WARNING!!! This chapter may contains a mature scene like killing and torturing. And this chapter is maybe disturbing for you.
Third Person POV
Tila nangilabot si Sapphire ng marinig niya ang sinabi nito. Nakakapangnig ng kalamnan ang boses nito. Nakakatakot. Kahit hindi niya aminin, takot na takot na siya.
At anong ibig niyang sabihin? Anong tunay na tahanan? Sa impyerno? Doon ba ang tunay niyang tahanan?
"A-anong pinagsasabi mong demonyo ka?" Sigaw ni Sapphire habang pilit na hindi mautal dahil sa matinding takot na nararamdaman.
Napatingin ulit siya sa labas ng battle ring umaasang may tutulong sa kanya ngunit kita niya pa rin na nagkakagulo sa labas. Gusto na niyang makatakas mula dito. Tila nawala ang kanyang tapang sa nakita. Parang nawawalan siya ng lakas na makakilos dahil pati ang mga tuhod niya nanginginig na dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Lalo na nakasalamuha siya ng hindi kagaya niya. Hindi tao kagaya niya.
"Simple lang Sapphire. Dadalhin ko ang kaluluwa mo sa tunay mong kinalalagyan. Pero bago yun, kailangan muna kitang patayin." Malamig nitong saad.
Napaatras naman si Sapphire habang patuloy pa rin dumadaloy ang mga luha nito. Hindi na niya mapigilang umiyak. Gusto niyang tumakas dito ngunit paano?
Walang gana naman tumingin sa kanya si Mariane at tiningnan ito ng mariin.
"Hindi ko alam na napaka- iyakin mo pala Sapphire. Takot na takot ka na ba sa akin? Tanong nito. "Wag kang matakot sa akin sa Sapphire, hindi naman ako nangangagat." Mahina nitong usal at tumawa ng mahina.
Hindi naman nakasagot si Sapphire at sa halip umatras lang ulit ito. Pilit iniiwasan ni Sapphire na hindi mapatingin sa pulang mata na iyon dahil pakiramdam niya kapag tinitigan niya iyon, mamamatay siya ng wala sa oras. Oo nawala ang tapang niya sa nakita. Dahil sino ba naman ang hindi matatakot.
"Hmm magsalita ka naman..." Naglakad si Mariane sa kanyang direksyon kaya't muli siyang napaatras ngunit nahuli nito ang kanyang leeg kaya't sinakal ito ni Mariane at walang kahirap hirap itong inangat sa ere.
Nanlaki naman ang mata ni Sapphire sa takot lalo' t na hindi niya na maramdaman ang sahig dahil sakal sakal siya ni Mariane at inangat pa siya nito sa ere. Hinawakan niya ang kamay ni Mariane at pilit itong tinatanggal sa kanyang leeg. Hinampas hampas na niya rin ang kamay nito dahil nahihirapan na siyang huminga.
Hindi makapaniwala si Sapphire dahil sa sobrang lakas nito at nagawa pa siya nito buhatin. Kaya't mas lalong sumiklab ang takot na nararamdaman ni Sapphire.
"Sagutin mo ang tanong ko Sapphire. Totoo ba na may halong lason ang katanang ginamit mo kanina? Balak mo ba talagang patayin si Nathan?" Mariin nitong tanong kay Sapphire at nanlilisik itong tumingin sa kanya.
Hindi naman nakasagot si Sapphire sa tanong ni Mariane. Ni hindi nito mabuka ang kanyang bibig sa sobrang takot. Nahihirapan na talaga siyang huminga.
Totoo ang sinabi ni Sapphire kanina. May halong lason talaga ang gamit niyang katana sa laban nila ni Nathan kanina. Alam kasi ni Sapphire na hindi sapat ang sampong minuto para mapatay si Nathan kaya't nilagyan niya ng lason ang sariling panyo at pasimpleng ipinunas sa kanyang katana. Kahit ang gamit niyang katana ngayon ay may halong lason din kaya't hindi siya nag dalawang isip na piliin ulit ang katana.
"Sagutin mo ang tanong ko Sapphire, bago pa ako mapuno sayo. Ayoko ng pinaghihintay ako." Walang emosyon nitong saad. Nababagot na din ito.
Napapikit naman si Sapphire at umiling.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasíaReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...