=CHAPTER 20=

4.9K 242 35
                                    

Mariane POV

Dalawang linggo. Dalawang linggo na simula ng dumating kami ni Nathan dito sa H.H.



Laking pasasalamat ko na wala naman gumagawa sa amin ng masama. Ngunit sa loob ng dalawang linggo na iyon puro matatalas na tingin ang ibinibigay sa amin ng lahat na narito, na sa tingin pa lang nila para na nila kaming pinapatay.



Sa oras naman ng patayan, nasa Dorm lang kami ni Nathan at hindi lumalabas dahil ayaw namin maging katulad nang mga estudyante na naabutan na lang namin na nakahandusay na sa paligid at wala ng mga buhay.



Dalawang beses pa lang naman ang nangyayaring patayan at tuwing huwebes lang ito nangyayari.



Hindi din kami pwede galawin kapag nasa loob kami ng dorm kapag oras na nang patayan dahil malaking kaparusahan iyon.



Nandito kami ngayon ni Nathan sa loob ng dorm. Sabado ngayon kaya walang pasok.



Pwede naman kaming lumabas ng dorm ngunit nanatili na lang kami dito.



Napatingin ako kay Nathan na nagsasagot ng mga assignment.



Tumingin ako sa labas ng bintana at bumuntong hininga.



Sa Lunes na din dadating sila Luxurious dito sa H.H at alam kong kasama na nito sila Camille.



Wala naman talaga akong pakialam kung dumating na sila. Ang problema ko lang ay ang mga makikitid nilang utak.



Dahil sigurado ako na kapag nalaman nila na nandito ako iisipin nila na sinusundan ko sila at nagpapansin.



Masyadong cringe ang mga iniisip nila. Hindi naman ako ganun katanga para sundan sila.



Nandito lang ako sa para sa sarili ko at kay Nathan, hindi para sa kanila.



Hindi ko alam pero iyon lagi ang pumapasok sa isip nila sa t'wing nakikita ako. Nakakasawa na.



Ang hirap pala lalo na kung ikaw ang kontrabida sa kwento. Dahil sa tuwing nakikita ka nila, puro ang mga iniisip lang nila ay ang mga ginawa mong masama.



Konting bagay lang ang ginagawa ko pinapansin na nila. Akala ko ba wala silang pakialam sa akin?

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon