Mariane Rose V. Travis POV
Napatingin ako sa paligid at hindi maiwasang hindi mapalunok ng sariling laway. For some reason, bigla akong kinabahan. Punong puno ng dugo ang buong battle ring. Kahit sinong makakakita nito hindi maiiwasang mandiri.
Tumingin ako sa labas at halos lahat ng tao ay ramdam kong sa akin ang tingin. Bakas sa mga mata nila ang pandidiri, gulat at pagtataka. What the hell I had done? Wala to sa plano. Kung may plano ba talaga.
Nawala nanaman ako sa sarili ko, I guess.
Naagaw naman ng aking atensyon ng bigla na lang bumukas ng malakas ang purong bakal na pinto ng battle ring.
Napalunok ako at saglit na sinulyapan si Sapphire na wala ng buhay. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya o hindi. First, I need to get out of here.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali daling lumabas. Naapakan ko pa ang walang kamuwang muwang na kidney ni Sapphire na nakakalat sa sahig kaya't napisa ito. Napangiwi ako at hindi maiwasang hindi mandiri, kahit ako naman ang may kagagawan. Napaatras pa ang mga nakabantay sa labas nang makita ako. Kita ko din sa mga mata nito ang gulat at takot? Why are they looking at me like that? Para silang nakakita ng multo. Nagkibit- balikat lang ako. Wala akong oras sa kanila.
Nagmamadali akong naglalakad at pilit iniiwasan ang mga mapanuring tingin sa akin ng mga tao.
Dire- diretso akong naglakad at hindi pinansin ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin.
Kailangan ko munang pumunta ng Restroom dahil punong puno ng dugo ang aking mukha at katawan ko. Pati na din ang aking damit nababalot na din ito ng dugo. Nanlalagkit na ako.
Nang makita ko ang restroom dali dali kong binuksan ang pinto at malakas itong isinara.
Napabuntong hininga ako ng naisara ko ito at mabilis na dumiretso sa lababo.
Nakapatay nanaman ako. I just promise to myself na wala akong papatayin dito. I can't say na nawala nanaman ako sa sarili ko kanina dahil alam ko kung anong nangyayari at kung bakit ko ba talaga iyon ginawa.
Nahampas ko ang lababo kaya't nabakasan ito ng dugo na galing sa napatay ko.
"I'm fvcking doomed." Kalmado kong saad kahit nagsisimula nang uminit ang aking ulo ko dahil sa nangyari kanina. Nakakatitig lang ako sa salamin at matalim na pinagmamasdan ang aking repleksyon. Nasuntok ko ito bigla nang bigla na lang nag pula ang aking kanang mata ngunit agad din itong nawala.
I have a fvcking big problem. I've just kill ang isa sa mga importanteng side character in that novel. At wala sa libro na papatayin ko siya! Wala sa libro na ako ang papatay sa kanya. I'm really doomed.
Si Sapphire ang isa sa magpapahirap sa Female lead kaya hindi maganda ang kutob ko dito. Si Camille din dapat ang makakapatay sa kanya. Nadala ako ng galit at napatay ko siya.
I don't know kung pagsisisihan ko ba yung ginawa ko kanina o hindi dahil nakaganti ako sa babaeng yun.
Napaatras ako at napatingala sa kisame ng restroom. This is so Fvcking frustrating. Nakalimutan kong ako nga pala si Mariane at hindi si Arianne. Now, I know they kept thinking about of what I had done earlier.
Hindi ito gawain ng isang Mariane Rose Travis! Hindi talaga. And I hope, hindi sila nagtataka sa biglang pagbago ng ugali ni Mariane, kahit imposible. Siguro naman hindi sila naniniwala sa reincarnation dito sa mundong to no? Hindi ko din matatawag kung reincarnation ba' tong nangyari sa akin o hindi, dahil sa una pa lang isa na tong parusa sa akin.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...